Our Responsibility, Our Destiny

Speech at the First Graduation Ceremony of the Teodoro M. Luansing College of Rosario, Batangas

Marami pong salamat sa kinakatawan ng Teodoro M. Luansing College of Rosario para sa paanyaya.

Lagi kong tinatanggap ang pagkakataong bumalik sa Batangas dahil buo ang aking paniniwalang iilan na lang ito sa mga lalawigang kilala sa kanyang paninindigan laban sa mga mapagsamantala sa ating karapatang mamuhay na may dignidad at patas na laban.

In my work as a representative of the people, I have gone around our country many times and talked to a great number of people from all walks of life – none of the blessings and privileges that I have enjoyed over the years would have been possible if not for a simple dream. 

Dahil sa isang munting pangarap ay nakapag-aral kaming walong magkakapatid. Hindi lamang kami nakaraos, nguni’t lumaki pa ng maayos.

But such were the good old days of my youth when the government served as the great social equalizer.

Maayos ang mga paaralan, malusog na mamamayan – these were the realities for millions of people like me who grew up in the shadows of World War II.

Noong araw, walang Internet, walang cell phone.

Pero kahit simple ang buhay, ang pamahalaan ay nakaagapay sa mga mamamayan, lalo na sa mga mahihirap. Wala kaming pangamba sa aming kaligtasan kahit disoras ng gabi. Nag-iisa lang ang pulis sa aming barangay pero siya ay tinitingala at iginagalang at higit sa lahat pinagkakatiwalaan ng mga mamamayan.

This is what I want to illustrate as social justice. The same social justice that our democratic institution is founded on and what we elect our officials to do.

Kaya ang isang tulad kong anak-mahirap, nagkaroon ng pagkakataong umasenso at umangat, kahit sino, basta’t may angking talino at marunong magsikap upang umunlad.

Sa madaling sabi, noong araw, patas ang laban ng mga mamamayan, patas ang laban ng mga mahihirap sa mga mamamayan sa ilalim ng pangangalaga ng pamahalaan.

Over time, this dedication to public service has all but disappeared in government.

Almost every other month, we have grown used to the reported instances of government corruption, both large- and small-scale.

Kagaya ng fertilizer scam na isa lamang sa maraming anumalyang inimbestigahan namin sa Senado kamakailan lang.

Out of the total project cost of P728 million in government funds, less than a hundred million went to the true beneficiaries, our farmers, while P645 million went to the greedy pockets of a few.

I think some have been particularly affected by this corruption since Rosario’s main lifeblood is in agriculture.

Tuwing ako ay tinatanong kung ano ang pinakamalaking problema ng ating Inang Bayan, ang aking tuwirang sagot ay maikli at simple lang: korapsyon sa gobyerno at ng mga namumuno ang siyang kumikitil sa ating mga mamamayan.

Dahil sa walang habas na kurakot, nawalan na ng saysay ang Patas na Laban Para sa Lahat, na dapat ay karapatan lalo na ng mga kapos-palad.

Bakit sa ibang bansa, ang kanilang mga mamamayan ay napag-aaral ng libre ng kanilang gobyerno, hindi kailangang matigil sa pag-aaral dahil sa hindi makayanang gastos sa pangmatrikula at libro?

Dito sa atin, kapag nagkasakit ka at ikaw ay mahirap, malamang mamamatay kang hindi man lamang nakakita ng doktor o nalapatan ng tamang gamot. At kung ikaw naman ay may kaunting naipon, siguradong ubos ito at mababaon ka pa sa utang.

Dito sa atin, kahit nakasaad sa ating Konstitusyon na libre ang pampublikong edukasyon, ito ay hindi nadarama ng mga mahihirap kaya maraming lumalaking mangmang dahil hindi maidaos ang pag-aaral.

In school, we are taught about truth and consequences.

We know that if we don’t study, tiyak bagsak tayo sa mga pagsusulit. Inversely, if we perform well, we are justly rewarded.

Yan sana ang dapat mangyari sa totoong buhay – kung hindi mo kayang gampanan ang iyong tungkulin bilang elected official, dapat kang ipatalsik o di kaya’y huwag ng iboto sa susunod na halalan.

Pero hanggang patuloy na nakapikit ang mga mata ng nakararami sa nangyayaring katiwalian sa ating bansa at patuloy nating iboboto ang mga tiwali sa pamahalaan, wala akong nakikitang pag-asa sa ating bayan at patuloy pa tayong maghihirap.

Alam niyo naman ang mga pinupukol na pangbabatikos sa akin dahil sa patuloy nating ginagawang exposés sa Senado. Nguni’t, pinapangako kong hindi nila tayo matatalo o matatakot gaano man kataas o katayog ang kanilang posisyon sa gobyerno.

Dahil kahit anong hirap na dinaanan ng aking mga magulang para itaguyod ang pag-aaral naming walong magkakapatid, ni minsan hindi sila nanlamang o nagnakaw sa kapwa.

And I will continue to honor my parents’ sacrifices and memory by living with their example. I will always adhere to the principle that they taught us to live by – “What is right must be kept right; what is wrong must be set right.”

You know, I do not wish to detract from the importance of this moment.

As graduates, you deserve the accolades of your fellow classmates, teachers and guests that are gathered here today.

Palakpakan po rin natin ang mga magulang na minsan nangarap at nagsilbing gabay sa ating pag-aaral. Kung tutuusin, hindi biro ang magpaaral, then and most especially now, and we salute them.

But let us not forget those who cannot be here with us today.

Iyong karamihan sa ating mga kabataang napilitang huminto sa pag-aaral dahil salat sa yaman at ngayo’y nagiging biktima ng ganid ng iilan sa ating pamahalaan. Unlike you, these people will never experience what all of you are experiencing right now, a fair play at life’s opportunities.

Therefore, your diplomas are more than just passports to success; rather, they are an instrument that we can use to do good; to build a better world not only for ourselves but for those less privileged.

I wish to come back to tradition and end this speech with an advice – whatever you will become in the next five to ten years, please find the time to make this country great again.

Let us start by electing better leaders for our future.

Thank you very much and Godspeed!

*****