📻 Panayam ng DZBB 🇵🇭

Ilang punto sa panayam kay Sen. Lacson sa Dobol B sa News TV, DZBB, ika-3 ng Agosto

Kung paano dapat tratuhin ang inpormasyon tungkol sa banta sa seguridad:
“Para sa akin sabi ko nga, dahil (galing) sa commander-in-chief, marami siyang pinanggagalingan at paghuhugutan ng information so walang rason, walang dahilan para pagdudahan yan. Dapat seryosohin natin yan. Pati kababayan natin sa Mindanao, hindi lamang sa Mindanao. Maski sa ibang lugar dapat maging mapagmatyag at i-report agad sa awtoridad kung ano man ang unusual na kaganapan sa paligid-ligid nila.”

Kung sapat na ang dagdag na x-ray machine para tigilan ang katiwalian sa BOC:
“Ang tanong, wala na ba talagang human intervention? Baka mamaya sisirain ang x-ray machines o hindi mag-function pag labas ang kontrabando.”
“Ang mag-e-encode pala ng mga inpormasyon para pumasok doon o mag-sync sa parameters o mga indicators o criteria, kung papasok sa green, yellow or red, e yung broker pala. Ang tanong doon, sinong luko-lukong broker na alam niyang may kontrabando siyang ipapasok, bakit naman siya mag-e-encode ng information para pumasok siya sa red lane?”
“Mismong sistema kailangan i-review nila, mag-reengineer sila roon. Dahil kung ang mag-e-encode ng information kung saan sila papasok, ang broker, sabi ko nga sinong luko-lukong broker ang mag-encode ng information na pumasok sa red lane e alam niyang may shabu ang kanyang shipment?”
“Dito dapat magkatulong ang legislature at executive branch kung paano ayusin ang sistema at papaano talagang tuluyan mawala ang corruption sa Bureau.”

*****

 

Leave a Reply