📻 Panayam ng DZBB 🇵🇭

Ilan sa laman ng panayam ng Balitang Todo-Todo (DZBB) kay Senador Ping Lacson, Linggo, Agosto 6

Paglilinaw sa kung sino ang nararapat na makinabang sa batas na nag aalis ng matrikula sa mga SUCs:
“Kailangan malinaw sa IRR (implementing rules and regulations) na mga deserving students lang kasi kung gagastusan ng pamahalaan ang bulakbulero at bulakbulera … hindi dapat siguro yan. Yan dapat mahihirap at deserving na estudyante.”
“Dapat salain din, otherwise napakalaking pondo kailangan natin. Itong paulit-ulit, nakaka-limang taon na nasa first year college pa rin, di tayo papayag noon di ba?”
” Kailangan salaing mabuti ng CHED at dapat may oversight ang Kongreso para makita na ang … batas ay masusunod din.”

Sa paghanap ng pondo para sa libreng pangmatrikula sa SUC sa 2018:
“(Nababahala lang ako), baka tapyasin ito sa ibang items na nangangailangan din ang ibang ahensya. Halimbawa nawala ang P8.3B para sa pork barrel sa ARMM. Ang nangyari, nabalik pa rin yan. Di lang P8.3B kundi umabot ng P10.5B ang bumalik doon. Kung saan-saan kinuha. Ang isang tinapyasan ang calamity fund na huhugutan ang calamity fund, from P37B na pondo ng calamity fund binawasan ng P15B. Kaya P22B naiwan, pero substantial ang tinanggal… E katakot-takot ang calamity natin.”
“Ang masama, kung ganoon mangyayari yan ang kailangan bantayan uli ngayon. Huwag natin bawasan ang ahensyang ngangailangan ng pondo.”
“Ang hope ko na lang sana, alisin na lang ang mga pork ng mga kongresista at senador at yan na lang ang ilaan sa budget para sa free eduction, free tuition.”

Ang kalbaryong utang ng bawa’t Pilipino, pati na ang bagong panganak:
“Ang bawa’t Pilipino, 105 milyon tayo, pati ang ipapangananak sa oras na ito na naguusap tayo, may utang na ngang P60,000 eh. Isipin mo pinanganganak ngayon may utang na P60,000? Kaya ang bata palakas ng palakas ang iyak pag tinatampal ng duktor eh. Lumalakas ang uha palakas ng palakas kasi may utang na siya.”

Panawagan sa kasamahan sa Kongreso kontra pork barrel:
“Ulitin ko ang panawagan sa mga kasamahan kong mambabatas, 292 congressmen, 23 senators, pati si Sen. de Lima, kasama pa rin yan. 23 and 292. Ang pakiusap ko na lang, di ba pwede may Supreme Court ruling na kalimutan na lang ang pork barrel? Ang congressmen ang sinasabi nila paano kami may constituent kami, pwede sila makialam sa budgeting process habang binabalangkas ang local development fund, doon sila makihalo. Nasa batas yan, nasa Local Government Code yan, kongresista represented sila pag nagsimula ang pagbabalangkas ng local development fund as low as barangay level. Sa barangay pa lang pwede sila padala ng representatives. Sa municipal sa cities pwede doon. Doon sila makipagtuos, makipagbakbakan, makipagdebate na kailangan ng proyekto sa lugar na ito lugar na yan tapos bantayan sa NEP pa lang maisama para minor na lang at pagdating sa Kongreso, bantayan nila para di magalaw.”

Ang ahensyang maaaring lagyan ng pork sa budget:
“Historically, NIA, budget ng NIA para sa rehab ng Agno, meron ding budget sa DPWH. Of course DepEd pero ngayon, maalam sa budget si Sec Briones. I’m sure binavantayan niya yan. Tapos marami pa… (Ang DA), yan ang talagang mga bantayin eh.”

*****

Leave a Reply