πŸ“» Panayam ng DZMM at DZRH πŸ‡΅πŸ‡­

Ilan sa laman ng panayam ng DZMM at DZRH kay Senador Ping Lacson, Agosto 23, 2017

[DZMM] Sa hiling ni Commissioner Faeldon na magkaroon ng imbestigasyon sa katiwalian sa BOC:
“Ina-appreciate ko naman ang kanyang reaction na ganoon. Siya ay umaasa rin na magkakaroon ng investigation na malaliman. Ito rin ang hinahanap nating lahat.”

[DZMM] Sa mga maaring sangkot sa katiwalian sa BOC na nag-iingat ngayon:
“Siguro nag-iingat at ang iba tinatamad. Lie low ika nga. Sana mag-lie low ng forever.”

[DZRH] Payo kay Commissioner Lapena:
“I’m sure nung sinabihan siya mapupunta siya roon, nakapagtanong na siya. Ang dalangin ko na lang, aking inaasahan, sana na dapat i-sustain niya kung maglilinis siya roon dapat tuloy-tuloy kasi kung naroon ka na, iba nang usapan niyan. Kaharap mo katakot-takot na temptation, katakot-takot na pati pressure, halo-halo na yan. I leave it up to him.”
“(S)iguro nang nasabihan siyang ma-appoint siya roon ganoon din mataas ang kanyang pangarap na maayos. Kaya lang pagdating doon iba talaga. Pag ikaw sa ground at napaharap na sa iyo at nakita mo gaano kalaki ang perang umiikot o involved sa BOC.”

[DZRH] Sa suhestiyon na mag-total revamp sa BOC:
“Ako di naman ako masyadong naniniwala na dapat lahat-lahat tanggalin mo. Sa akin pinakamalaking factor ang liderato. Kaya sabi ko leadership by example. Yan ang walang substitute doon. Sa akin it’s second to none.”
“Pag ikaw mismo namumuno lahat na preach mo at utos mo ikaw ang unang gumawa, pati kawatan kung di mahihiya, matatakot. Mare-rein in mo yan pag ikaw ay namumuno sa pamamagitan ng tamang halimbawa.”

*****

Leave a Reply