📻 Interview on DWIZ 🇵🇭

Excerpts from the interview of Sen. Lacson on DWIZ, Sept. 9, 2017

Logical conclusion of the evidence gathered regarding corruption in the BOC:
“Kung dumating ang panahong makumpleto ang ebidensyang naipon dadalhin ko sa sinasabi kong logical conclusion, which is filing of criminal case, violation of Anti-Graft and Corrupt Practices Act.”

On the 3 o’clock habit:
“Lumalabas sa withdrawal ni Mark Taguba, mukhang karamihan Biyernes pa rin. Ito tinutugma natin sa bank statement ng mga withdrawal sa bank statement ni Mark Taguba, anong petsa? Naitatama natin ito sa araw o sa oras ng pagbigay niya ng tara. Pag withdraw ka ng Huwebes. pambigay sa Biyernes yan. o kaya withdraw ka Biyernes ng umaga pambigay sa Biyernes ng hapon.”

On Mark Taguba:
“Sa Monday ang plano ko kausapin ang committee na ibalik sa kanya, i-restore sa kanya ang protective custody na granted sa kanya ng Senado.”
“Dati siyang may legislative immunity. Importante yan kasi ang legislative immunity pwede ka magsalaysay sa loob ng pagdinig na di pwede gamitin sa iyo ang sinalaysay mo.”
“Pati ang protective custody kasi pagbobotohan yan. so yan lang nalaman ko na nawalan siya ng protective custody.”

*****

Leave a Reply