#PingSays: On the CHR’s budget and reported restrictions on PNP spot reports | Sept. 13, 2017

In an interview, Sen. Lacson answered questions on:
– CHR’s budget
– Barangay and SK elections postponement

Quotes from the interview… 

On the CHR’s slashed budget:
“Ang inirekomenda natin P678M kasama na rito ang
P28.6M para sa HRV violations, yung memorial commission nila, HR victims violations memorial commission. Kasi nasa ilalim yan ng pondo ng CHR, di ko alam kung na (kasama) sa P1K na reduction. Pero naka-itemize na yan papunta roon. Ito nangangasiwa sa paggawa ng listahan at pagbibigay ng reparation sa P10B na ia-award sa HR victims. Mukhang nadamay din yan, magsa-suffer din yan. Hindi ko alam kasi yung budget ng CHR is P678M.”
“I trust na magko-cross ng party lines kasi base sa aking narinig sa aking kasamahan sa majority bloc, mukhang may numero para masuportahan ito. I-count ang 4-5 sa minority, sa tingin ko ito makakapasa sa plenaryo sa Senado at paguusapan sa bicam conference committee.”

On Barangay and SK elections postponement:
“Yung holdover wala kaming problema kasi may precedent, twice napostpone wala naging problema sa SC. Ang issue sa akin doon ang maaring unconstitutional ang pag-appoint. Kasi malinaw na unang una may rule of succession eh. Na pag namatay o kaya incapacitated ang barangay chairman, meron tayong sinusunod na alituntunin sa batas, sa Saligang Batas na may succession. Ang pinakamataas na kagawad na nakuhang boto yan ang papalit. Pangalawa kung ia-appoint anong basehan yung drug list? Di na siguro
pwede kasi meron tayong prosesong sinusunod pag natanggal na opisyal ng gobyerno pwedeng masuspindi pero hindi pwedeng basta mag-appoint ang pangulo kundi may susundin ang rule of succession. Yan ang pinaka-contentious issue sa bill na may committee report na nga. Katunayan bago ako nag-affix ng signature sa committee report, nag-indicate ako nag-manifest ako na mag-interpellate at mag-a-amend.”

*****