📰 Pagbuwag sa drug trade sa NBP, hamon kay Bato – Lacson [Abante]

abante0411

From Abante: Malaking hamon kay outgoing Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa ang pagpapatigil sa kalakalan ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP), ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson. 

Pagbuwag sa drug trade sa NBP, hamon kay Bato – Lacson

By Isaac Mendez

Malaking hamon kay outgoing Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa ang pagpapatigil sa kalakalan ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP), ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson.

Inatasan na ni Pangulong Duterte si Dela Rosa na mamuno sa Bureau of Corrections (BuCor) na nakasasaklaw sa Bilibid kung saan nadiskubre na patuloy ang operasyon ng mga convicted drug lords.

Ito ay kapag natapos na ang extended term ni Dela Rosa bilang chief PNP.

Ayon kay Lacson, na dating Chief PNP, kung “leadership by example” ang kailangan bilang pinuno ng mga pulis sa buong bansa, kailangan naman kapag direktor ng BuCor na mahusay ang diskarte upang mabuwag ang sabwatan ng mga drug lords na nakalulusot dahil sa katiwalian ng mga opisyal at tauhan ng BuCor.

“It is indeed a big challenge, although not as big as being Chief PNP,” ani Lacson.

“There is parallelism though, for the simple reason that both positions require a lot of balls and integrity to lead,” dagdag ng senador.

Kung magtatagumpay si Dela Rosa, sinabi ni Lacson na tingnan na lang ang resulta ng halos dalawang taon nitong pamumuno sa PNP.

Nung unang inianunsyo ni Pangulong Duterte noong Disyembre na ipalilinis kay Dela Rosa ang Bilibid, sinabi ni Lacson na malamang na nangangatog na ang mga drug lord dahil sa reputasyon nito.

Sa pagiging chief PNP ni “Bato” ipinatupad ang Oplan Double Barrel o Oplan Tokhang kung saan libo-libo ang napatay na drug pushers at drug users.

Leave a Reply