๐Ÿ“ฐ National ID system maisasabatas na โ€“ Lacson [Abante]

photo0522-013

From Abante:ย Garantisado nang maisasabatas ang Philippine Identification System (PhilSys) Bill kung saan itatakda ang national ID para sa bawat Filipino at para rin sa mga tutungo ritong dayuhan.

Related:
National ID bill may become law before end-June
National ID measure tackled at bicameral conference committee level

National ID system maisasabatas na โ€“ Lacson

By Isaac Mendez

Garantisado nang maisasabatas ang Philippine Identification System (PhilSys) Bill kung saan itatakda ang national ID para sa bawat Filipino at para rin sa mga tutungo ritong dayuhan.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, naaprubahan na ang panukalang batas sa Bicameral Conference Committee kagabi at tiyak na itong raratipikahan ng Senado at Kamara sa susunod na linggo.

Alinsunod sa proseso, matapos ratipikahan ng dalawang kapulungan, agad na itong palalagdaan kay Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas.

Inaasahan umanong pipirmahan iyon ni Duterte dahil kabilang ang national ID sa kaniyang mga ipinangako noong kampanya.

Sa panukala, lahat ng mga Filipino ay bibigyan ng national ID na magkakaroon ng permanente at unque na PhilSys number.

Makikita sa ID ang pangalan, kaarawan at address at mga impormasyon na nakikita sa karaniwang ID.

Ayon kay Lacson, ipapalit ang national ID sa may 33 ID na iniisyu ngayon ng ibaโ€™t ibang ahensya ng gobyerno.

Magpapabilis umano ito sa transaksyon sa gobyerno at mga pribadong kumpanya at makakatulong din sa mabilis na pagresolba sa krimen at terorismo.

Tiniyak ni Lacson na may kaukulang safeguards para matiyak na hindi madadaya ang national ID at maiingatan pa rin ang privacy at iba pang karapatang pantao.