Interview on DZBB | Dec. 6, 2018

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on ‘pork’ in the 2019 budget.

Quotes from the interview…

On claims that ‘pork’ in the budget may have been a ‘misinterpretation’:
“Hindi kung saan lang kinuha dahil ang reference ko roon ang mismong GAB-2 kasi ang GAB-1, yan ang NEP. Yan ang pinanggalingan.”
“Kaya nagtataka ako sa statement nila na di nila alam saan nakuha e sa kanila galing yan eh.”

On claims some projects were requested by the regional director of Pampanga for additional flood control:
“Ingat sila sa mga alibi nila. Kasi alam mo check ko rin ang threshold sa kaya ng authority ng district engineers at regional directors. Ang district enginners hanggang P100M lang ang kanilang pinakamataas na authority.”
“At ang regional director or district engineer, di magre-recommend sa House. Dapat yan mag-recommend kay Sec. Villar at si Sec. Villar ang magdudulog sa House or Senate kung pwede mag-realign dahil pwedeng nagkamali sila sa planning nila at may adjustment. Hindi mismong district engineer or regional director rerekta sa mga senador.”
“Habang gumagawa sila ng excuse pag-aralan nilang mabuti kasi lalo sila nalulubog eh.”

Claims that House appropriations committee had instructions not to realign funds:
“Sila ang mga leaders ng House. Kung di sinunod ang bilin nila, isauli nila.”

Can the ‘pork’ funds be realigned:
“Kung makumbinsi ko ang aking mga kasamahan sa Senado ia-amend namin. Remember pwede rin kami mag-amend at kung ano ang difference ng House at Senate versions paguusapan namin sa bicam. Di ko lang alam kung mananalo sa botohan.”

On lump sums (ALGU):
“Kami nakita Assistance to LGU nagsimula P7B sa NEP. Pagdating sa Congress nagdagdagan, pagdating sa Senado P16B na. So yan tinitingnan namin kasi lump sum walang indicate anong LGU ang bibigyan. Di itemized. Ang policy guidance diyan, assistance to disadvantaged LGUs pero walang list, menu lang. di nakasaad kung saan-saan dadalhin so yan plano ko i-move at amend kasi lump sum yan, kasi walang mapupuntahan. Lump sum eh. Napakarami pa actually na pinag-aaralan namin. Nauna lang yan kasi napakalaki.”

Farm-to-market roads:
“Sa halip na farm-to-market, farm to pocket ang tawag diyan. Imagine P500M sa isang distrito lang para sa F2MR. Di ba yun dapat red flag na agad yan? Paano mo implement yan, saan mo ilalagay yan, ilan ba palengke roon, ilan ba bukid doon, e sa isang distrito lang yan.”

Bottom line on ‘pork’ funds:
“Ang bottom line, yung Constitution. Kasi sinabi na nga ng SC unconstitutional yan. Lagi nila invoke unconstitutional lang ang post-enactment implementation.”

Unused funds of DPWH:
“Pag unused, either unobligated or unreleased. Meaning na-release ng DBM pero hindi mo na-obligate, di mo nagamit. Di na-relese ng DBM. Sa ngayon ang obligated lang ng DPWH sa 2018 as of 3rd quarters, sa 77% di nagagamit, kaya ka nagkakaroon ng unused di naka-ready ang ahensya dahil di nila alam at walang planning na ginawa dahil in-insert lang ito ng mambabatas.”
“Dapat ang assumption kasi may vetting yan … ng budget call. Pero may planning division ang DPWH at maski anong ahensya para kung sila humarap sa budget call sa Cabinet, naka-ready sila sa nakaprograma nilang proyekto. Ngayon madidiskaril yan pag pinakialaman ng mambabatas nang wala man lang consultation sa kanila.”
“Sabi nga ni Sen. Loren kasama sa mandate natin yan pwede tayo mag-amend at mag-realign. Tama yan. Pero magkonsulta man lang tayo sa ahensya para walang disconnect. Alam ng ahensya kung kaya nilang implement ang ating ginagalaw.”

On claims that senators have P200M allocations:
“Tinanong ko kay Sen. Loren yan kahapon. Ako definitely wala ako. Maski noong araw pa maski legal pa pork barrel. Pero tinanong ko siya meron bang standard 200 o maski anong amount? Sagot niya wala. Kasi pag nagsa-submit ng amendments di ako nakikihalo. Sabi ko agad na may amendments ako pero request ito ng PNP, gusto bumili ng helicopter o request ng DND sa veterans. Yan request ng ahensya. Nagre-request sila kasi di sila nasama sa NEP. So yan matatawag bang pork yan? Ahensya ang nag-request.”
“Ito baligtad, walang request ang ahensya pinapakialam ng mambabatas at sinasaksak sa baga ng ahensya na di sila ready implement. Kaya nagkakaroon ng unused appropriations.”

On whether other senators may have allocations:
“Meron din yan. Alam ko naman meron din ang kasamahan ko na may mga request sila at question ko yan pinatanggal ko for 2018. Nakasagutan ko ilang kasamahan ko rito. Di ko sini-single out ang Lower House. Parang yan ang ini-imply ni Rep. Andaya. Hindi. Sa aming caucus at plenaryo pino-point out ko rin yan. Kinaltas ko nga ang malaki for this year kaya natalo ako sa bicam naibalik din nila kasi nag-iisa lang ako. Pero the point is, imagine, may nagbabantay na nga e ganyan pa nangyayari.”
“Kahapon natanong ako ng media, di ba feeling ninyo useless or futile ginagawa nyo kasi walang nangyayari? Sabi ko the mere fact aware sila na may nagbabantay sa budget, I feel useful enough ginagawa ko. Masarap nga matulog eh. Huwag na mag-aral. Inabot kami ng gabing gabi bago ako nag-interpellate kahapon, kailangan pag-aralan kasi di ka pwede magtanong nang di mo alam eh.”

On whether other House members may have ‘pork’:
“Oo. Pati sa Senate meron. At ipo-point out ko rin naman yan kaya lang di pa tapos. Siyempre pagdating ng ahensya doon lalabas yan. Ito general principles ang in-interpellate kahapon so mga policy questions. Tanong ko nga, ano ba policy natin sa pork barrel in the context of the SC ruling? Kailangan malinaw yan kasi kung ang policy di malinaw, magulo talaga.”
“Malinaw naman doon (ang SC ruling), ini-interpret lang nila para pabor sa kanila. Ang Tulong Dunong na lang. Pino-post pa nila sa Facebook eh. O mag-apply kayo, ito ang contact person, see you there, may assembly. Di ba implementation yan? E bawal na bawal kasi ang budgeting process, 4 ang stages. Preparation, executive. Authorization, yan ang Kongreso. Execution, sa executive. Accountability, COA, at saka oversight na rin. Pero kung nakialam ang mambabatas doon sa execution phase, e bawal yan. Yan ang sinasabi ng SC. Tapos ang pag-allocate ng tig-P60M yan ang binanggit ko sa ruling ng SC, making the equal unequal. Kasi hindi naman pare-pareho ang needs and priorities ng mga distrito, bakit papare-parehohin mo ang P60M?”

On congressmen’s claims their constituents asked for projects:
“Balikan natin ang Local Government Code. Dapat ang district representatives doon sila nakikipag-discussion pag may local development council na meeting, doon pinaguusapan kasi doon binabalangkas ang mga local development plans. At doon pwede sila magsabi na kailangan natin ng tulay dito, within the district. So pagka yan naipadala sa RDC regional development council at naipadala sa Cabinet sa mga ahensya, sa budget call masasama yan. At kung halimbawa napalitan, doon sila ngayon pag nasa congressional nag-interpellate yan dapat ang flow ng proseso.”
“Ang nangyayari kaya nga sabi ko nga bakit halos araw-araw lalo kung budget season, ang aming corridors at opisina, punong puno ng mga governors, mayors, barangay captains? Kasi nga di sila nasasama sa planning sa programa ng gobyerno because ang congressmen nila na dapat representative sila, yan ang boses nila dapat sa national eh. Dapat doon pa lang sa LDC, members naman sila. Tapos RDC, advisory committee sila. Pwede sila makialam doon. Yan dapat ang proseso para sa national expenditure program na nabalangkas na, kasama ang proyektong hinihingi ng constituents nila. Di ang pagdating sa Kongreso wala silang participation sa planning, yan ang sinasabi ng SC na dapat hindi overridden at saka hindi duplicated ang LGU ng mga mambabatas.”
“Na-override eh. Wala nga silang participation sa pagpaplano sa local dahil hinihintay nila ang NEP sa House at doon sila nag-i-insert ng kung anu-ano.”

On corruption vs incompetence:
“Ang malungkot, it’s bad enough na may nawawala sa corruption. Pero it’s worse na may nawawala sa incompetence. Mas malaki yan eh. Ang walang planning pagkatapos ginawa dahil na-insert, e walang planning siyempre paloko-loko ang paggawa. Sayang ang pera. A case in point ang circumferential road sa BLISTT. Alam nyo ang 75% ng nagawa ng kalsada, na-landslide. So hindi magagamit ang kalsada magkano pumasok na pera roon? 2017, P450M; 2018, P800M; ngayon pinapapondo pa ng P590 sabi ko patatanggalin ko yan ayusin nyo muna slope protection. Hindi kayo nag-coordinate sa MGB ng DENR. Dapat tinintingnan muna yan dahil may namatay na nga roon noong Mayo, nahulog sa bangin kasi na-landslide.”

*****

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.