Ping: Operasyon sa Hanjin, Saluhin na lang ng Gobyerno

hhic
Image courtesy: HHIC Phils Facebook page

Gobyerno na ang magpatakbo sa nabangkaroteng Hanjin Heavy Industries and Construction sa Subic, Zambales.

Ito ang naging mungkahi ni Senador Panfilo Lacson kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kasagsagan ng pagdepensa ng mambabatas sa badyet ng Department of National Defense sa Senado.

Nai-convert sa Committee of the Whole ang deliberasyon upang mas lumawak ang talakayan sa isyu ng Hanjin.

“What if the Philippine government will just take over Hanjin and bid out to possible partners, private entities?” tanong ni Lacson kay Lorenzana.

β€œThis will mean potential income for the government,” dagdag pa ng mambabatas.

Related: Lacson: Deleted Budget Insertions Can Fund Potential PH Gov’t Takeover of Hanjin Shipyard

β€œYes, Sir” ang tugon ni Lorenzana sa mungkahi ni Lacson.

Sa paliwanag ni Lacson, puwede umanong magamit sa pagsalo at pagpopondo sa nabangkaroteng shipyard ang mga halagang tinanggal ng Senado sa P3.7-trilyon 2019 budget.

Kasama rito ang P75 bilyon na inalis sa pondo ng DPWH dahil sa kabiguan ng mga pinuno ng ahensiya kung saan ito gagamitin.

Kung makakatigan ang kanyang panukala, binanggit ni Lacson na masosolusyunan nito ang nakaambang problema sa mga empleyado at pamilya ng mga manggagawa nito at magkakaroon pa ng panibagong base ang Philippine Navy.

Kinakitaan na rin ng indikasyon ng pagsang-ayon sa kanyang mungkahi ang mga kasamahan ni Lacson.

“We fully support the initiative of Sen. Lacson,” pahayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri matapos marining ang mungkahi ni Lacson.

*****