Interview on DZMM | March 26, 2019

In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on:
– the end to the impasse on the 2019 budget
– claims of former cop Eduardo Acierto

Quotes from the interview…

On the winners in the Senate’s action on the 2019 budget:

Sabihin na lang natin ang nagwagi rito ang mga kababayan natin, kayo, at ang bansa. Butal lang ng P3.757-T ang nakakapagpigil sa pagpasa ng budget. E ang implication, ang tama sa ating ekonomiya, na-brief kami ni Sec. Dominguez dito, pag inabot ng Agosto ang reenacted, sa 1.8% ng GDP ang tama. So lahat yan consider namin nang nagpulong-pulong kami kung paano mareresolba ang impasse sa budget.”

“Ang ni-retrieve dati, pinabalik namin. Ang sabi ko kay Rep. Zamora, siya ang go-between sa HOR, pipirmahan ni SP kaya lang mag-e-express siya ng kanyang reservations. Dahil ang pangunahing dahilan ayaw pirmahan ni SP Sotto magiging open siya sa possible demanda, baka wala na siya sa Senado, habulin siya ng kaso kasi ang kanyang ina-attest, certify niya ang naratipikahan sa plenaryo na hindi naman.”

“Yan pa rin ang draft enrolled bill na pina-transmit sa amin. Kaya lang sa reservations, sa sulat ni SP naka-attach ang list ng proyekto. Actually hindi dinagdagan kundi hinalo-halo, ni-realign. Halimbawa may napagusapan sa BCC at na-ratify na ito para rito ito para roon, yan ang hinalo-halo nila, iniba-iba nila. Hindi itemized yan kundi realignment.”

“Wala kaming sinakripisyo kasi tinayuan pa rin namin ang aming position na itong listahan ng items, ng projects, ay unconstitutional. Maliwanag sa sulat ni SP yan. At in-attach namin para mabigyan ng detalye ang Malacanang, ito ang listahan ng proyekto na sinasabi naming ginalaw nila kinalikot nila even after ma-ratify na ng both houses.”

“Yan ang sinabi ni PRRD, kung illegal ang document di niya pipirmahan. Pero nasa kanya naman ang veto power. Binibigay ng Saligang Batas sa kanya yan. Para di sila mahirapan sa paghanap narito ang detalye ng sinasabi naming illegal. So call ngayon ng Malacanang na piliin o validate nila ang aming listahan na pinadala doon at i-veto niya kung gusto niya i-veto.”

“P75B (ang illegal na amount), ito base sa report sa amin ng LBRMO. Pinag-aralan nila ito. Kaya lang medyo brief nila kami ni SP, may concern sila dahil binago.”

On removal of the unconstitutional component if the P75B is vetoed:

“Sa aming pananaw, naroon ang aming conclusion. Of course ang mag-interpret niyan SC, kung sakaling pirmahan ng Presidente at di niya veto kung sakaling may magtatanong sa SC, sila mag-interpret noon. Hindi kami ang final arbiter kung unconstitutional nga. Yan lang ang aming contention. Binibigyan lang namin ng giya ang Malacanang na ito sa tingin namin pinag-aralan namin ito na unconstitutional. So nasa Pangulo na ngayon kung papakinggan niya sulat ni SP o kaya mananaig sa kanya pirmahan lahat ito. Pero ang P75B maski veto yan di naman mawawala sa budget yan. Pwede pa rin magamit yan sa pamamagitan ng supplemental budget kung saan nasa Kongreso uli yan.”

“Ngayon wala nang urgency tumawag ng special session kasi sa May 20 naman, magre-resume ang session at magagamit na ang budget … ng national government. Hindi na naka-hostage halimbawa ang job order o proyektong wala sa 2018 budget mga new item pwede na pagpondohan.”

“Ang pinagusapan kahapon halos nagkasundo rin pero di yan ang dapat nangyari. Initially napagkasunduan doon magkakaroon ng concurrent resolution dahil nabago nga. Pero sa isang banda nang brief namin si SP at inimbitahan si FMD dahil mas maalam yan dahil abogado para ma-guide kami sa constitutional issues. Malawak ang kanyang experience bilang dating SP. Siya nag-propose kung ang concern mademanda, i-express mo na lang ang reservation mo na ito di kasama sa pinapayagan ko. Parang ang pirma ko saklaw lang nito ang 3T hindi kasama ang 75B.”

“At para di masabi ng HOR na tinalikuran namin sila, kaninang umaga tinawagan ko Rep. Zamora, sabi ko di na meeting, ngayong gabi sana may meeting kami. Hindi na meeting kasi nag-ayos kagabi na pipirmahan ni SP pero mag-express siya ng reservations kung okay lang sa inyo. Sabi niya okay relay ko agad ito at sabihin nyo kay SP kung ano ang mangyari volunteer ako maging defense counsel niya. Ganoon din si Sen FMD, isang No 1 and No 2 sa Bar magkaklase pa. E sabi ko kay SP, isipin mo magiging defense counsel mo kung sakaling mademanda ka, isang No 1 at No 2.”

On ex-policeman Acierto’s claims:

“Dinala niya rin sa akin ang report na yan noong panahong iniimbestiga doon sa magnetic lifters sa Senado under Sen Gordon. Pinakita niya sa akin ang pics. Sabi ko mukhang hindi sapat ito. Kailangan meron ka pang additional. At kung nangyari ito nang nariyan ka sa Drug Enforcement Group, anong ginawa mo noon? Ganyan ang tanong ko sa kanya. Even at the time di ako masyadong kumbinsido sa kanyang pinapakita. Kasi medyo naiipit na siya dahil iniimbitahan siya ng Senado tungkol sa nakalusot na magnetic lifter na nakita sa Carmona.”

“Sabi niya gumawa siya ng report; PDEA gumawa ng report sa Malacanang. Pero siya mismo meron siyang poder at the time nang natuklasan niya diumano ito, gumawa siya ng kaukulang aksyon. Pero yan ang parang kakulangan sa kanyang sinasabi sa akin. At meron pa siyang hindi disclosed na nalaman ko sa ibang source. Pinarating ko sa kanya sabi ko nagre-report ka sa akin, di naman kumpleto pagsasabi mo. Di siya nagdisclose ano nangyari sa magnetic lifters except to say na yan daw ay controlled delivery. Sabi ko kung controlled delivery, dapat na-control, e bakit nakalusot? Ibig sabihin may nangyari riyan na di kanais-nais kasi tinawag mong controlled delivery dapat all the way every step of the way alam mo movement ng drugs dapat hindi nakarating yan sa dapat pupuntahan. Yan ang di niya maipaliwanag.”

“Sa magnetic lifter wala siyang namention kay Yang. Incidentally binanggit niya yan so nagkaroon ako ng pagdududa bakit napahalo ang information kay Yang. Noong mayor pa si Presidente sa Davao sinasabi niya nag-create sila ng lab sa Davao noon lumabas pangalan ni Michael Yang. So maraming butas. Kaya di ako masyadong kumagat. At meron siyang problema noon, tinatawag na siya sa Senate.”

“Nagtataka nga ako dahil bigla siyang sumulpot at nilabas ito. E yan pala ang dami niya na rig napagpakitaan. Mula kay CPNP Bato, marami napagsabihan.”

“Dapat ang Malacanang utusan ang PDEA get to the bottom para maiwasan ang pagdududa rin may pinagtatakpan. Tutal ang PDEA nasa kanila lahat na possible resources, networking with other drug enforcement agencies sa ibang bansa. Pwede gamitin yan nang sa ganoon makakuha sila ng accurate information. Baka mamaya marami Michael Yang pakita ang pruweba na mali talaga.”

On the drug situation:

“Dalawang pwede, depende sa perspective. Pwedeng lumala tulad ng sabi ng Pangulo parang lumalala ang illegal drugs ang problema. Sa akin naman baka di natin nakikita ang ibang pananaw na baka mas efficient ang ginagawa ng law enforcement particular ang PDEA kasi ang dami nilang nahuhuli. Siyempre ang perception basta maraming balitang nahuling droga, lumalala, daming droga. Sa isang banda, kung di nahuhuli pwede isipin ng tao na-solve ang problema ng droga wala tayong nabalitaan, pero di natin alam nagkalat ang shabu dahil di nahuhuli…. Pero ito lalo ang huling nahuli ng PDEA, P1.8B, yan dapat ang focus na bago makarating sa distribution point nadale na nila kasi di tulad ng nakuha sa Ayala Alabang naroon na, ang iba nailabas na delivered na. Mas mainam ang supply constriction o supply reduction, mas madale agad nila. Sa akin mas mahalaga yan kesa demand reduction, user na yan. Pero pagka supply reduction ang focus nila, mas mainam kasi di na umaabot sa dapat gagamit.”

*****