Ping, Gumalaw Na Para Mabusisi Rin ng Publiko ang Pambansang Badyet

sb2219 Peoples Participation Bill
Senate Bill 2219 discourages ‘pork’ insertions by getting the public directly involved in the preparation of the national budget.

Mas maraming mata, mas madaling mabibisto ang tangkang pangungupit ng mga makakapal ang mukhang mambabatas na nais magpakasasa sa kaban ng bayan.

Ito ang pangunahing adhikain ng Senate Bill 2219 na inihain ni Senador Panfilo M. Lacson, na nagpapahintulot sa publiko na makapanood nang personal at makasali sa talakayan ng mga mambabatas sa pambansang badyet.

Layunin ng panukala na magkaroon ng karapatan ang publiko na malaman ang ginagawa ng mambabatas sa badyet mula sa komite ng Senado at Kamara hanggang sa bicameral conference committee.

“Now is the time for Congress to recognize the importance of the direct participation by people’s organizations and non-government organizations in the budget deliberation,” paliwanag ni Lacson sa kanyang panukala.

“We should institutionalize the practice of legislature-civil society collaboration in order to achieve a people-oriented budget as well as establish transparency and accountability in the budget process,” dagdag ng mambabatas.

Related: Stronger Safeguard vs Pork: Lacson Bill Encourages Public to Help Guard Budget Process

View Fullscreen

Si Lacson ang nangunguna sa Senado sa pagbusisi sa mga nakatagong pork barrel sa pambansang gastusin taun-taon. Ito ang naging batayan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-veto sa mga kuwestiyonableng nilalaman sa 2019 budget.

Masyadong naantala ang pagkakapasa ng pambansang badyet para sa 2019 dahil sa pagkalikot ng ilang kaalyado ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa badyet kahit nairatipika na ito – maisingit lamang ang mga proyektong pinagkokomisyunan kahit malinaw na labag ito sa Saligang Batas.

Paliwanag ni Lacson, gastusin para sa publiko ang pambansang badyet kung kaya’t nararapat lamang na magkaroon ang mga ito ng pagkakataon na makapahayag ng kanilang mga saloobin at mungkahi.

“The vital role it plays in the operations of our government, and ultimately in the life of every Filipino, demands that there should be mechanisms in place that will enable citizens to participate in the budget process so as to correct spending priorities and to ensure transparency in the appropriation of valuable taxpayers’ money,” diin ng mambabatas.

Dagdag ni Lacson, ang partisipasyon ng mga civil society organization (CSO) ay magiging “component in the preparation and authorization of the annual national budget.”

Ayon sa mambabatas, ang national government agencies (NGAs) at government-owned and controlled corporations (GOCCs) ay magbubuo naman ng mekanismo para sa “active participation” ng mga CSO.

Sa ilalim ng Senate Bill 2219, binibigyan ng karapatan ang mga CSO gaya ng NGO at professional and faith-based groups na magmasid sa mga public consultations at magsumite ng kanilang mga position papers.

Ang mga grupo na magkakaroon ng accreditation matapos dumaan sa proseso ay bibigyan ng karapatan tulad ng pagmasid sa budget deliberation at sa bicameral conference; at karapatan ng mga kinatawan na makasali sa talakayan bilang resource persons.

*****