PingBills | Ping: Presidente, Gov’t Officials Ekis na sa Bank Secrecy Law

Papayagan na ang awtoridad na silipin ang mga bank accounts ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan, kabilang na ang Pangulo, sa oras na maisabatas ang panukalang inihain ni Senador Panfilo Lacson.

Layunin ng Senate Bill 26 na amyendahan ang ilang nilalaman ng Republic Act 1405 o ang Bank Secrecy Law bunga na rin ng pagiging “madamot” nito sa publiko kaugnay sa mga detalye ng bank accounts ng mga mga opisyal at kawani ng pamahalaan.

Ang bahaging nagbabawal sa mga bangko na isiwalat ang mga bank accounts ng mga opisyal, halal man o itinalaga, at mga kawani ng pamahalaan ang nais ni Lacson na mabago batay sa nilalaman ng kanyang panukala.

Related: PingBills | Nowhere to Hide: Lacson Bill Removes Bank Secrecy Act Protection for Gov’t Officials, Employees

View Fullscreen

Sakop ng panukala ni Lacson ang opisyal at empleyado ng pamahalaan mula Pangulo hanggang sa may pinakamababang ranggo na empleyado, pati na rin ang mga kawani ng government-owned and controlled corporations (GOCC) at mga militar at pulisya.

Ang Bank Secrecy Law ay umpisang ipinatupad noon pang 1955.

*****