Interview on DZBB: PhilHealth Mafia, Revisiting Anti-Graft Laws | Aug. 15, 2019

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– PhilHealth mafia and related irregularities
– revisiting existing anti-graft laws

Quotes from the interview…

On Sec Duque’s explanation on conflict of interest:

“Nabanggit ko rin, hindi naman kailangan mag-aral tayo ng rocket science para i-conclude natin na talagang malinaw ang conflict of interest. Kung ibabase natin sa batas sa Code of Conduct 6713, defined doon anong ibig sabihin ng conflict of interest eh. Na-bring up yan kahapon pero may mga tanong pa dapat isunod, kaya lang limitado ang oras. Binigyan kami ng tig-5 minutes para magtanong. Magrereserba ako sa 2nd round sa kasamaang palad hindi umabot sa 2nd round. Pero meron naman susunod na pagdinig, (Aug. 27).”

On the PhilHealth mafia:

“Mismo nagulat nag-crop up ang issue ng mafia kasi nanggaling din yan kay Roy Ferrer nang tanong ni Sen Drilon. Although nang una ayaw niya magpangalan. Nang mapilitan magpangalan nagtanong ako kung naroon sa gallery or session hall. Nang nagtayuan naroon pala talaga. Walang nag-e-expect noon kasi maski si Chairman Gordon ang gusto niya mangyari sa susunod pang pagdinig iharap ang pinaparantangan. Ako nag-insist na narito na rin lang at para parehas ang usapan doon, e marinig na rin namin. Kaya doon na nangyari.”

“Hindi nga ganoon ang definition ng mafia ni Salvador at Ferrer. Sabi niya mafia, ito ang maimpluwensya. Ito ang nagko-control sa itaas. Yan ang definition nila. Kaya nang pinakinggan namin kasi gusto namin marinig ang overview para magkaroon ng common denominator, ano ang common kasalanan nila, administrative kaso or criminal cases. Kaya tinanong ko saan ang fraud? Lumalabas testimony ng 7 kahapon kasi wala ang isa, na mga trivial na kaso. Mga time card, tapos sunod-sunod na suspension, tapos ma-serve ang suspension, may lalabas na bagong suspension. Without sounding biased, ang pagbasehan ko muna bakit ang tinanggal ng Pangulo ang nag-aakusa na may mafia? Alam natin ang Pangulo ang may pinakamalawak na source ng information di ba?”

“(M)ay administrative cases na na-articulate ng mga tao na kung pag-aaralan din natin, nag-aabang ako na may criminal cases na nai-file sa kanila, karamihan kung hindi lahat, administratibo. So administrative case. Walang (fraud). Pag sinabi mong mafia dapat may kinalaman sa pera. E lumalabas mga administrative case na walang kinalaman (sa) pera.”

“Yan din ang gusto naming marinig kina Roy Ferrer, ano ang influence na pinanghahawakan ng grupo. E kung saan-saan sila pinagdadadala, nasu-suspend saan ang influence kung nasu-suspend sila tuloy-tuloy? Ang isa nga mahigit 1 taon na-suspend, nang malapit matapos ang ma-serve ang suspension, nasu-suspend na naman. So hindi ko makita ang influence doon.”

“(Ebidensya) ang hihingin namin. Ang pagkaalam ko meron silang pinanghahawakang ebidensya sa dating board. Natutuwa nga sila nang pinalit ni Gen Morales dahil ngayon nakakalapit sila. Kausap nila ang president, nakapagpulong sila kay Gen Morales ang PhilHealth president, at naisabi na rin nila anong problema sa PhilHealth. Ang sinasabi lalo ng isa roon sa Region 11 na sila ang nagku-crusader for the longest time sinasabi nila walang nangyayari kasi sila nababalikan pag point out sila ng maling gawain sa PhilHealth. So ito ang pagkakataon nila kasi kinakausap sila ni Gen Morales, kaya nasabi nila yan. Siyempre bago si Morales lang, di siya maka-conclude sino ang tama. Darating naman siguro roon kasi kay Gen Morales, nasa … tungkol sa pagpapalakad ng command ng AFP. It won’t make much difference kung ang kanyang mina-manage niya ngayon ang PhilHealth.”

On the case of Perpetual Succour Hospital:

“Ang masaklap doon, ang talagang hindi pwedeng matanggap doon, di ba nag-appeal sa Court of Appeals, nag-final judgment ang CA nagkaroon ng entry of judgment, sa libro ng entry of judgment ng CA, ang ginawa, sumulat sa PhilHealth board. Binaligtad pa ng PhilHealth board ang CA di pwede mangyari yan dahil may hierarchy of courts. Ang PhilHealth board may quasi-judicial powers yan.”

“Binaligtad ng PhilHealth. Ang dating board nag-recommend, in-uphold nila ang recommendation ng arbiter, ang arbitration panel na naroon kasama roon si RVP Chavez. Ang problema, nagbago ang board, ni-reverse nila pa ang CA. Ang katwiran kasi sumulat sa akin si Gen Morales. Siguro feedback nakuha niya sa legal nila, may doctrine na immutability of final judgment. Pero yan pwede mag-apply kung may supervening event at ang pwede baligtarin pero sa level ng korte na naglabas ng decision. Halimbawa ang SC minsan alam natin ang SC binabaligtad ang sariling decision kasi may supervening events. Yan ang doctrine of immutability of final judgment. Ito hindi pwede i-apply kasi lower ang category ng PhilHealth board kasi ang level niya parang RTC. Saan ka makakita ng RTC ire-reverse ang CA?”

On PhilHealth’s claim it is no longer in the red:

“Ito isa pang issue na hindi ko na-raise kasi walang time. Medyo minasahe nila ang kanilang financial statement na ngayon ayaw tanggapin ng COA. Sabi nila kasi malaki ang lugi nila, nasa parang bilyon. Tapos nagkaroon ng upsurge for 2018, Restated income tawag nila, biglang nag-positive P237 million sila. Ang ginawa nila, binago ang policy. Dati ang payment date ang pinagbabasehan biglang nang may bagong accountant, iniba, ginawang (claims?) payment. Hinahanap namin kasi biglang meron silang upturn, may gain na P237M. Nagkaroon ng upturn sa income kasi dati net negative loss, tapos biglang nag-upturn na P237M positive. Pero may nawawala roon kasi pinalitan nila ang petsa. Ang pinagbasehan nila sa halip na claims paid, pinagbasehan na bigla ang payment date. So ililipat pa rin yan, between 2007 and 2018 hinahanap namin saan napunta dapat may pupuntahan yan kasi petsa ang move mo. Ang basehan mo ng pag-compute ng numero mo ang 12 taon. So may mapupuntahan ang losses noon hindi namin mahuli, sa hinahanap pa namin. Conclusion ng COA although hindi pa conclusive dahil aakyat pa ito sa kanilang Commission proper, hindi nila ina-acknowledge yan kasi hindi naging malinaw ang naging kwenta ng PhilHealth.”

“Binanggit ko rin kay Gen Morales ito sabi ko mukhang meron pa kayong isang problema dahil mukhang minasahe ang mga numero para lumabas na kumikita na ang PhilHealth samantalang mali.”

“Nag-extrapolate ang COA, ito rin lumabas sa privilege speech ko. Last 5 years, 2013-2018, hindi pwedeng ma-audit ng COA ang 1,900 health service providers so nag-random sila. Nakita nila ang pattern sa mga 20% ang overpayment at saka fraud. So nag-extrapolate sila base sa kanilang findings, ang iba 2500% ang overpayment, private and public hospitals. Sa 20% lang, ang estimate nila nasa P102B sa loob ng 5 taon. Pero meron pang World Health Index na may 10% nakikita na gawa ng fraud and inefficiency so naging 30%, umabot ng P153.7B ang dumudugo sa PhilHealth sa loob ng 5 taon, although hindi absolute ang number na yan pero yan ang base sa extrapolation na ginawa ng COA.”

“(Ang All Case Rate), circular yan, nilabas ng dating president si Alex Padilla noong 2013 e series 2013 yan, yan ang nakikita ngayong dahilan kung bakit nagkakaroon ng overpayment. Ito pa isang dahilan nila na although 20% ang nakita nilang overpayment, ang katwiran nila may (60%?) na underpayment. Pero sabi ng taga-PhilHealth hindi talaga underpayment ang tawag doon kundi undervalue, in-undervalue nila ang babayaran. Hindi rin matatalo ang hospital ang matatalo ang pasyente kasi mag-aabono ang pasyente pag nag-undervalue ang PhilHealth sa pagbabayad sa claims. So mali rin.”

“Mukhang na-acknowledge nila na may mali sa All Case Rate. Ang dati kasi ang actual expenses pero mukhang nahirapan sila sa accounting sa actual expenses so masyadong matagal. So naglabas sila ng bagong policy na all-case rate. So pwede pag-aralan baka pwedeng mix ng actual expense or sa all case rate. Pwede ito pagaralan sa policy kasi internal yan. Kasi nagpasa tayo ng UHC, napakalaki ng pondo noon P257B for 2019, sabi ng PhilHealth sa kanila ang P150B at ang P100B plus sa DOH. So lalong nakakatakot yan pag na-mismanage ang pondo, lalong mahirap para sa atin yan.”

On private hospitals not being paid:

“Ang Chinese General Hospital, lahat kami sinulatan, singil nila sabi nila bakit ang fraudulent na paniningil tulad sa WellMed ang bilis, bakit kami noon pa kami naniningil P200M di kami binabayaran? Noong Agosto nang tinatawagan namin gusto namin kausapin si Dr James Dy, biglang sabi binayaran kami bigla.”

On having ‘outsiders’ investigate the case:

“May ganyang panukala na magtayo ng isang anti-fraud task force na sa labas. Pwedeng composite team ng NBI, PNP or any law enforcement agency pa, o ike-create para tumingin sa internal problem ng PhilHealth. Sa US may ganoon. Pwede i-pattern doon.”

On ‘gift-giving’:

“Ang experience ko noon ang mga nare-rescue namin mga KFR victims talagang bumabalik at nag-o-offer ng reward. … Nang nasa serbisyo ako totoo yan ang na-rescue naming KFR victims ang pamilya bumabalik talaga, nag-o-offer. Hindi biro, milyon-milyon ang offer. Pero policy ko doon, walang tatanggap ng reward money. Ang dahilan ko noon napakasimple, baka maging discriminating ang tauhan ko at pag may gusgusin na dudulog sa opisina magcomplain baka sabihin wala tayong pagasa sa reward money rito, tatamarin. Yan ang aking katwiran noon. At bukod pa sa may umiiral na batas, pag ginampanan mo tungkulin mo, yan na tungkulin mo; duty namin yan. Bakit kami tatanggap ng reward money?”

On need to define ‘nominal’ in anti-graft laws:

“Dapat din i-revisit ang 6713 and 3019 kasi walang definition kung ano ang nominal kasi ang nominal sa isang tao pwedeng of value sa ibang tao. Halimbawa ang lechon na araw-araw o linggo-linggo nakakakain ng lechon nominal yan. Pero sa hindi namamantikaan ang nguso hindi nominal yan. Kaya dapat i-define din. Kasi ang batas natin sa Code of Conduct and anti-graft hindi adaptable sa kultura natin. Sa ating mga Pilipino, value na minana natin sa ninuno natin ang utang na loob. Ito value yan, hindi masama na tumanaw ng utang na loob. At kung minsan ang tumanaw pag tinanggihan mo sumama ng loob noon baka sabihin OA ka. May ganoon eh. Pero sa western countries iba naman ang pananaw nila riyan. So mas maganda i-adopt natin ang batas natin sa kultura natin.”

“Napaka-rigid ang batas natin. E Pasko lang punta ka sa Senate at HOR puro basket ng prutas at groceries naroon. Kulong kaming lahat. Pumunta ka sa korte makakita ka rin ng ganoon. May nagreregalo ng lechon dahil Christmas party, wala talang lulusot. Mauubos ang tao sa gobyerno walang maiiwanan kung susundan natin sa letter ang batas.”

*****