Interview on DZMM: Advice to CPNP Albayalde; ‘Ninja Cops’ | Oct. 4, 2019

In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on:
– advice to PNP Chief Oscar Albayalde amid present controversy
– demoralization in PNP due to ‘ninja cops’
– legislative remedies vs rogue cops
– Bilibid inmates’ subsistence allowance

QUOTES and NOTES:

* NINJA COPS CONTROVERSY:

Advice to Gen Albayalde:

“Ang remaining 34 days, is not too long to make amends. Ang unang dapat ipakita niya para mawala ang duda na ang kaso nina Baloyo ay meron siyang kinalaman sa pagtakip man lang, dapat kung pwedeng itong remaining 30-plus days ipakita niyang mabilis maresolba ang reinvestigation na sinasagawa.”

“Tutal wala nang masyadong ebidensyang kailangan doon naroon lahat na dokumento. Madaling i-decide kung nagsinungaling ba si Baloyo at totoo bang 10 a.m. at hindi 4 p.m. ang operation? Totoo bang ang mga SUVs ginawa ng deed of sale sa kanila? Totoo bang may perang nakuha roon? Totoo bang 200 kilos ang shabu? Nariyan na lahat na dokumento, re-review-hin na lang eh.”

“Yan man lang maipakita niya para maialis ang pagdududa man lang sa kanya dahil medyo sa totoo lang ako mismo nagkaroon ng kaunting pagdududa sa kanya dahil although iba ang duda iba ang ebidensya, unless may isang magsalita o si Baloyo mismong magsabi na totoo yan at kasama namin si Col Albayalde at the time, ibang usapin yan. Pero sa ngayon hindi natin pwede akusahan si Gen Albayalde na siya kasangkot dito o siya nagtakip dito.”

“At ang pinakamagandang pruweba para maipakita niyang talagang hindi niya pinoprotektahan sina Baloyo, madaliin niya bago siya mag-retire. Madaliin niya ang pag-review ng kaso at pag-reinvestigate at bigyan ng karampatang parusa ang katulad sa binigay ng parusa sa original decision na dismissal at may criminal case na dapat harapin na talagang hinaharap nila.”

“Parang walang katapusan ang investigation ni Sen Gordon. Mabuti na rin yan at na-extend at nagkaroon ng ibang kaso. Dugtong naman. Kasi unang una gusto nga liwanagin ng committee at ni Gen Magalong, hindi naman siya nagpresenta. Pinatawag siya ng chairman ng committee dahil sa usapan ng recycling, ang direction nanggagaling sa loob. That is another issue altogether, different matter altogether. Nakakulong ka na nga, ikaw pa nagmamando at nagbebenta. Talagang only in the Philippines.”

On Baloyo’s inconsistencies:

“Medyo lantaran na kasi ang pagsisinungaling ni Baloyo. Hangga’t may mga Baloyo sa PNP hindi matatapos ang problema ng PNP at ang drug problem natin talagang hindi maso-solve.”

“Sabi ng mga abogado walang double jeopardy, sa administrative case. Kaya sinabihan ko si Gen Albayalde kahapon kung gagawa siya ng reinvestigation. Dahil tapos na bale, naging 3 months’ suspension sa halip na dismissal at na-implement na rin ang kanyang demotion kaya ngayon suot niya P/Maj ang ranggo. So nang sinabi ng mga abogado noon na hindi naman applicable ang double jeopardy pagka administrative case, nangako si Gen Albayalde na magtatalaga siya ng isang panel para tingnan uli at base sa lumabas na pagdinig, gagawin niya ang dapat niyang gawin.”

“Dapat maitama ang pagkakamali o kung ano ang lapses na nangyari noon, sinasadya man o hindi, maituwid ngayon.”

On lifestyle check vs Baloyo and cohorts:

“Yan isa pa yan.”

On possible conspiracy to cover up:

“Yan hindi natin (masabi) kasi walang nagsasalita sa 13. Pero maliwanag na pwede natin safely i-conclude na ang 13 talaga sa pamumuno ni Baloyo talagang may kalokohang ginawa. At hindi lang administrative kundi criminal ang kanilang na-commit na offense. Napakalinaw noon. Ang pinagtataka lang natin kasi kung babalikan natin ang timeline, di ba Nov 14 2014 tapos na ang administrative case. May rendered nang decision si Gen Petrasanta, dismissal nga. Pero mula Nov 14, 2014 hanggang March 2, 2016, bakit hindi nai-serve ang notice? Hindi ma-implement yan kasi entitled sila mag-file ng motion for reconsideration para makumpleto ang due process. Hindi pwedeng implement yan, talagang entitled maski sino, sa criminal case o administrative kailangan pagbigyan mag-MR. E napakatagal noon. Binilang ni Sen FMD 16 buwan, March 2. Ang pinakamabilis noon ang pag-submit ng MR, kasi March 14, within the 10-day limit na i-file nila kasi pumatak nga ng Sabado at Linggo ang 2 araw. So pagkatapos noon, March 16, ang MR naman ay nabaligtad, naging demotion na lang noong Oct 17, 2017. So ganoon kahaba ang proseso. In the meantime si Baloyo kung saan-saan na-assign, hanggang napalapit ng napalapit, nariyan na sa Tagaytay ngayon, at ibang pulis na nasangkot siyempre na-assign na rin sa kung saan-saang mga units.”

“Yun nga ang malaking problema. Kasi paano matatagalan ang pag-serve ng order, e naroon silang lahat sa Pampanga? Floating status sila roon, tiningnan ko ang processing service, personal eh. Personal service. Ibig sabihin isa-isa binigay sa 13 ang notice na dismissed kayo sa serbisyo. E bakit tumagal nang ganoon naroon lang naman sa Pampanga? Hindi pa hahagilapan kung saan-saan. Parang may nangyayari parang sinadya na ma-delay ng ma-delay. Ang tawag noon summary dismissal, ha. Hindi ito regular. Lalo na ang regular investigation na hindi summary dismissal proceedings. Isipin mo lang gaano katagal yan.”

“Ang legal officer sa RO3 nag-prepare ng charges. Nagpaliwanag naman siya, ang abogada dahil nagtanong din ako sa abogado. Ang pag-file ng MR, individual yan. Hindi pwedeng isang buo sila parang omnibus o lahat sila sa isang MR lang. Mapa-criminal o mapa-administrative, e sabi niya parang lahat-lahat na-consolidate sa isang MR lang. E paano halimbawa, si Lacsamana iba ang depensa dahil sabi niya wala siya roon. Paano mo ma-consolidate sa isa lamang MR? Kaya ang panuntunan sinusunod nila, sabi ng abogado, individual ang pag-file ng MR kasi ang participation di naman pare-pareho. Pero sabi ng abogado nang tinanong ko bakit pinayagan mo? Dahil naroon na. Sabi ko, hindi, pwede ninyo i-reject yan. Sabi niya iba naman daw nag-handle. Doon lumalabas na pag medyo ipit na, magtuturo naman ng iba.”

“(May criminal charges pero) dinismiss yan. Ang nakapag-dismiss naaprubahan ng acting prosecutor general at the time, si PG Catalan. Pero mabuti na lang hindi pa natatapos ang automatic review kasi ang nakasaad sa batas din, kapag dismissal ng kaso ng illegal drugs, violation ng RA 9165, subject ito sa automatic review ng SOJ. So mainam na rin inabot natin na naimbestigahan ito, at nangako si Sec Guevarra sa loob ng 1 buwan ire-resolve ang automatic review. At tinanong ko rin kahapon kasi Usec naroon dahil lumabas si Gen Gaerlan, explosive din ang kanyang sinabi, dahil sabi niya sinungaling lahat na report, o cover-up ang ginawang report nina Baloyo.”

“So tinanong ko kung pwede, sabi naman pag automatic review di lang limited sa pag-review ng dokumento o papeles tulad ng ginagawa ng halimbawa CA o SC na hindi na nagtatawag kasi hindi sila trier of facts. Pero in this case sabi ni Sec Guevarra, di sila limitado. Pwede sila mag-accommodate ng clarificatory statement kung gusto nila kasi may contradicting testimonies. E payag naman si Gen Gaerlan at payag din ang DOJ na dinggin ang additional testimonies para makapag-decide sila nang maayos kung ire-revert nila ang dismissal na ginawa ng National Prosecution Service.”

“Kung ie-examine mo lahat yung documents, makita mo talaga na ang discrepancy, an odds ay stacked against Baloyo and his men kasi una sinabi niya nang tinanong siya sa nakaraang pagdinig, P100,000 withdraw sa finance officer na P1,000 bills. Pero may picture nang pinresent nila, tig-P500 ang bills na presented. Tapos yun nga, parang sabihin natin binugbog ng tanong kasi sabi niya 4:30 p.m., e 2 p.m. dumating ang informant. Yan hindi rin kapani-paniwala kasi pag ganoon kalaking operation, walang impormante na bigla na lang susugod sa kampo. Siyempre kokontak yan ng pinagkakatiwalaan niya kung pwede makausap ang hepe at sa labas mag-usap. Ito experience namin bilang operative dati kaya tinanong ko sina Gen Ferro, Col Caramat kasi ito ang mga sanay sa operation. E wala namang nangyayaring ganoon.”

“Ang purpose ko kahapon inuubos ko oras niya mula 2 p.m. hanggang 4:30 kung paano sila umabot sa raid ng 4:30 e samantalang napakahaba pa noon, casing ka pa, may briefing ka pa, mag-organize ka ng team, sketch ka pa, kapos ang oras niya. Kaya halata mong nagsisinungaling e.”

On ninja cops who have died:

“Hindi ko na nasundan ilan ang namatay. Kasi ang mga taong nababanggit, ang ginawan ng deed of sale, namatay na yan. Yung isang witness, ang caretaker, patay na rin daw yan. Basta may mga namatay, ewan ko sino partida na namatay. So yan din dapat masusing tingnan ng magimbestiga sa PNP ano ang naging background ng mga namatay. Kung sinadya, halimbawa na-ambush, another case yan na pwede imbestigahan.”

“Noong unang imbestiga namin sa nakaraang Kongreso di ba sa Antipolo may asset ng pulis nagkakamatay. At may testimony pa na mismong nagbabalot sila ng shabu naroon ang pulis, pagkatapos mamamatay ang ano dahil na-Tokhang. Ibig sabihin naglinis sila, maraming incident nang pagpasok ng bagong administration na ang ninja cops na tinatawag at masasamang elemento ng pulis naglinis sila at ginawa pang accomplishment ang kasalanan noong nakaraan para patayin ang pwedeng mag-ugnay sa kanila. Maraming insidenteng ganoon. Hindi masyadong natingnan yan.”

***

* DEMORALIZATION IN PNP:

“Actually ang overwhelming sentiment kasi nadadamay sila, mahigit 100,000 sila tapos makakita ka ng 13 or 20 rogues, damay na rin lahat sila kaya nagsa-suffer minsan sa perception ng tao ang kanilang katayuan dahil sa kagaguhan ng iilan. Ang iba nga sabi mo nga at alam natin nagtitiis sila, talagang sumusunod sa regulation at nagtatrabaho nang maayos, sinusugal ang buhay nila, pagkatapos damay din sila kasi ang tingin nila pulis din sila. Alam mo sa society natin naha-highlight talaga ang kasamaan. Of course that’s normal kasi normal lang naman na dapat tuparin ng pulis ang katungkulan at hindi sila dapat purihin ng purihin. Pero ang napapansin nga, ang iilan na masama ang ginagawa, nadadamay ngayon ang karamihan.”

“So ang overwhelming sentiment, ang demoralization is more on bakit nangyari na naman sa pulis ito, nangyari ito noong Nov 2013, hanggang ngayon nariyan pa rin sila sa serbisyo.”

***

* LEGISLATIVE REMEDIES vs ROGUE COPS:

“Meron pa ngang PLEB eh. Nasa PNP law yan. Kahapon kasi tinuloy namin ang pagdinig sa budget ng PDEA at DDB, inimbitahan namin ang SC CA Marquez, Justice Peralta, naroon ng Solicitor General, ang PDEA at DDB. Sort out namin dahil lumabas ang usapin na recycling nakakatakot dahil P22B worth of drugs naroon sa stockroom ng PDEA. Paano natin mapapadali na masira ang mga yan? Kaya kahapon sort out sa halip na agad-agad mag-amend ng batas pwede i-revise ang IRR. Yan ang napagkasunduan namin kahapon at binabalangkas ngayon ng DOJ sa tulong ng Prosecutor General at DDB at PDEA, kung paano na hindi lalampas sa provision ng batas na pero mababago ang sistema ng destruction.”

“Kasi ang daing nila, medyo nakalagay sa batas dapat may ocular inspection ang huwes at dapat mag-utos i-destroy. Pero halimbawa 1 gram lang ang ebidensya, e daang libo ang kasong hinahawakan ng huwes, mauubos ang oras. So sino-sort out nila, paano pwede sirain ng PDEA maski walang court order at may naka-stock diyan na wala naman talagang kaso sa korte so walang judge na mag-order ng destruction. So vulnerable yan susceptible ngayon ang droga sa evidence room na pwede ma-pilfer. Tulad ng abandoned na lumulutang sa dagat, walang kaso yan. Ang issue roon, paano kung subsequently may maaresto, paano kung sinira mo na ang ebidensya? Yan ang pinag-aaralan ngayon.”

***

* BILIBID INMATES’ SUBSISTENCE ALLOWANCE:

“Tulad kahapon, P39 pero P60 ang nilalaan ng gobyerno. Ang sagot ng OIC si Buenafe ginagamit sa (ibang event). E di ba technical malversation yan? May ganoon pero sabi ng COA may pagkakataon sinasauli sa Treasury kasi … mas mababa kesa sa P60 na nasa GAA. Kasi ang budget noong 2018 nasa P1.028B. E P60, ngayon P70 na. E pagkatapos pa pagkain ng preso P39. Ang isa pang nakakagulat, 5,000 pala ang namamatay taon-taon.”

“Bakit kailangan may caterer pa, nagluluto naman daw ang mga preso? Di ba pwede by administration na lang yan, magtalaga ng mess officer parang sa Army detachment? At ang P60 sila na mamalengke at magluto, mas sasarap kaunti ang pagkain ng preso. Sila rin naman lahat, sila nagluluto, nagsasangkap. Di ko makuha bakit may caterer pa yun pala may P1M para sa director, buwan-buwan. Babawasin pa ito, talagang walang kakainin ang preso.”

*****

One thought on “Interview on DZMM: Advice to CPNP Albayalde; ‘Ninja Cops’ | Oct. 4, 2019”

  1. Tanong ko kay Gen. Albayalde: Kung hindi mo alam yung raid o buybust na ginawa, bakit noong ma received mo after incident report, HINDI KA NAGALIT SA KANILA? Hindi ka man lang nagtanong kung bakit nila ginawa yun na wala kang approval? Bakit wala silang disciplinary action na ginawa ka sa kanila?

Comments are closed.