Interview on DZBB: Walang ‘Pork’ sa 2020 Budget sa Unang Tingin? | Nov. 3, 2019

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– thwarting possible attempts to insert pork in the P4.1-trillion proposed 2020 budget via bicam
– ‘most behaved’ House with P9.5B institutional amendments in the budget bill
– release of funds to address recent calamities

QUOTES and NOTES:

* 2020 BUDGET:

On ‘pork’ in the 2020 budget:

“In fairness dito sa present HOR, ito yata ang sasabihin kong most behaved na counterparts namin sa panahong ito. Kasi ang in-announce nila na P9.5B na talagang institutional amendments naman na ginalaw sa NEP, na kinonvert nilang GAB-1, ang tinatawag naming GAB-1, kasi na-transmit sa amin ang HOR version ang GAB-2. Ang gumalaw lang talaga as announced, ang P9.5B. I don’t know what actually happened, bakit wala ang tulad noong nakaraan na umabot sa P75B mahigit. Pero ngayon talagang ang sinabi nila na nilagyan nila ng pondo ang NFA para sa palay; ang DOH para pag-augment sa Universal Health Care, talagang yun lang.”

“Ang hindi natin alam, ano ang nasa armada pa nila na nakatago para sa BCC. Yan ang madugo. Hindi natin alam kung ano. Pero as far as ang na-transmit sa Senado, talagang P9.5B lang at puro institutional amendments. Sana mag-hold na lang sa ganoon at minor na lang kung ano man ang magagalaw pa sa pagdating sa bicam, mga pang-improve na lang sa ating national budget. In fairness.”

“Marami na rin kasing issue na lumabas. Siguro alam nilang hindi rin lulusot. In fairness to Speaker APC, talagang pinangatawanan nila na ang P9.5B kasi binusisi talaga namin sa opisina talagang P9.5B ang ginalaw.”

On potentially questionable items in the budget:

“Maski sa NEP maski hindi nagalaw ng HOR, may mga napansin din kami na may mga hindi malinaw kung saan dadalhin ang pondo. Nagkakahalaga ito more or less estimate namin, nasa mga P20B. Hindi malinaw. Naka-park ito kung saan-saan. May sa DILG, may as usual sa DPWH. May ganoon at kung iipunin natin lahat yan na sa tingin namin ay hindi ma-implement nang maayos o hindi ma-implement at all, dahil hindi maliwanag o kaya naka-lump sum, nasa mga P20B.”

“Hindi pork. Hindi naman nagalaw. Under definition of pork kasi kung NEP yan, ang implication niyan o assumption, na-vet properly yan ng mga ahensya kasi di ba nagme-meeting lagi ang Cabinet secretary ang mga ahensya, nagsa-submit sila ng kanilang budget para idefend nila sa tinatawag na budget call. So kung nakapaloob sa NEP yan hindi natin pwede sabihing pork dahil dumaan sa pagve-vet although may mga napansin nga kami kung saan gagamitin ito? At nang tanungin namin ang ahensya mismo sa committee hearing kung ‘alam nyo ba kung saan gagamitin ito?’ Ang sagot nila ‘hindi namin alam.’”

“Tulad ng sinabi ko DPWH meron. Sa DILG meron. Ang mga ganoon.”

“Pwede rin yan pero okay lang yan kasi kung pinag-submit sila ng Malacanang, ang assumption pinag-aralan yan at ang assumption may coordination o consultation ang individual congressmen sa kanilang constituents kasi bago nila ipasok ito sa mga ahensya recommendation yan. Pwede rin yan pero walang problema roon.”

“May napansin kaming at least 1 item doon na mukhang copy and paste, dahil ang nakasaad sa mismong item, parang request ng isang infrastructure project sa Cagayan. Paano maimplementa ang request? So ito nakita namin lapse naman ito ng DBM, o kaya ng ahensya mismo kasi mukhang cut and paste nila kung ano ang request kung sino ang representative doon, hindi man lang converted sa actual project na may description. Parang ang nakasulat mismo request eh. Request for repair construction ng isang segment ng kalsada. Maliit lang naman. Kaya lang natawa nga kami nang nakita dahil paano ma-implement ang isang mere request? Nakita pa rin natin medyo either nagmadali o na-overlook. Mas magandang sabihin na lang natin na-overlook sa dami, kasi ang napakaraming proyekto yan, tens of thousands of projects.”

“Hindi ma-implement yan, paano mo implement yan, request eh. Kasi ang pagka makita mo ang item, repair and rehabilitation. O kaya construction and repair.”

“Pero may mga nakita rin kami na siguro sa mahigit P10B sa DPWH lang, na hindi malinaw. Halimbawa P500M repair ng Kennon Road. Saan yan? Hindi natin alam anong gagawin doon. Kailangan may Km so and so to Km so and so, itemized. Pero kung napakalaking bulto kalahating bilyong piso at sasabihin mo napaka-general ng description, o kaya QC o EDSA, di mo alam saan yan so hindi maimplementa yan.”

On possible insertion of pork as bicameral ‘amendments’:

“Kung hawak-hawak nila yan (pork as amendments), baka gagawin nila yan pagdating sa bicam, doon nila ipapasok. Yan ang delikado. Yan ang malaki.”

Mali sa legislative procedure (ang amendments after third and final reading ng budget bill). At hindi lang yan, pati sa Constitution. Kasi ang sinasabi ng Constitution hindi ka na pwede gumalaw o mag-amyenda pag pasado na sa 3rd reading.”

“Doon kailangan bukas ang aming mga mata. Pero alam mo, small group lang yan. Hindi naman lahat ay member ng bicam. Pinepresent ang BCC report sa plenary para ratipikahan. Hindi lahat, karamihan doon of course minority and majority leader, lahat na vice chairmen at ang finance committee chairman.”

“Kung magpapabaya kami roon, doon maipapasok lahat ng, kung totoo man na meron silang kanya-kanyang hawak o naisumite na sa finance committee chairman nila, sa appropriations committee chairman nila, ang listahan ng mga gustong proyekto ng mga kongresista; malamang sa hindi sa BCC nila yan ilalatag o ipapasok. Yan ang delikado. At yan ang kailangan bantayan ng Senado, at least ng magiging member ng BCC.”

“Ang BCC doon pwede pa rin talagang baguhin kasi ire-reconcile ang Senate and HOR versions kung may pagbabago, kung may pagkakaiba. E paano ma-reconcile yan kung di paguusapan sa bicam? Ang tanong, pinapayagan naman yan sa practice na hindi lang ang Senate and HOR version ang tinatalakay. Ang nangyayari pagdating sa BCC, labas doon sa HOR version na ipapasok pa roon. Kaya tawag doon 3rd chamber and most powerful chamber. Kasi maski hindi napagusapan sa plenaryo ng HOR at plenaryo ng Senado pwede isaksak doon. Yan ang nakakakaba. Ito ang kinu-question ko noon pa. Bakit kailangan mag-submit pa ang individual congressmen ng kanilang proyekto, samantalang naipasa na nila on 3rd reading? So isa lang mapupuntahan noon, ang BCC.”

On thwarting possible attempts to insert pork in the bicam:

“Sa budget isang pinagaaralan namin na-discuss ko kay SP at kay Sen FMD, isasangguni namin kay Sen Angara na para mas mabilis ipasa ang budget at kung walang masyadong maraming issues at pwede patawarin ang di kaya ma-implement ang sinasabi kong nasa P20B at pwede ito ipaubaya sa DBM kung papaano mare-realign o magagamit ng ahensya, pinakamagandang gawin dahil sa nakita namin P9.5B lang na institutional amendments, baka mas magandang gawin namin, i-adopt na lang namin ang HOR version. Pagka ganoon, nganga ang may hawak na amendments para sa bicam.”

“Kasi siyempre wala nang BCC pag in-adopt ang HOR version. Siyempre ito aasa tayo sa cooperation at approval ng aming mga colleagues. Pag pumayag sila napakadaling maipapasa ang budget at gagawin lang namin adopt namin ang HOR version, wala nang BCC, tutal wala kaming nakiang pork doon at malinaw na P9.5B lang. Only, we have to convince my colleagues, the leadership and my colleagues, para pagbotohan namin na pwede.”

“Under consideration ni SP at Senate minority leader. Sabi niya pag-aralan nating mabuti. Siyempre gusto nila makita sa sariling mata kung talagang P9.5B lang ginalaw at walang masyadong issue na nakapaloob sa NEP kung ia-adopt lang namin. Pero kung ganoon ang gagawin namin, yun ang November pa lang, enrolled bill na ang budget at wala nang gagalaw pa. Kung meron silang nakatago na ilang bilyon in terms of further individual amendments, wala na yan, di na pwedeng ihabol yan. Saan mo dadalhin yan wala nang BCC dahil in-adopt ang HOR version?”

On suggestions to ask Speaker Cayetano and HOR appropriations committee to confirm nothing up their sleeves at bicam:

“Hindi namin sila pwedeng utusan na gawin nila yan pero in the spirit of transparency mas mainam ipakita nila sa publiko i-announce nila ito ang aming mga individual amendments pa na hindi naisama sa 3rd and final reading at nai-transmit na kopya sa Senado para sa ganoon maaral na rin namin para pagharap namin sa BCC, preparado rin kami. At malaman din ng publiko ang mga nakaamba pa nilang further amendments na ipapasok nila sa BCC pag nagharap kami. Mas mainam yan pero di namin sila pwede utusan kasi nga authorized naman, legal naman yan although strictly speaking, pag nagharap kami ang paguusapan lang dapat doon disagreeing provisions.”

“Pero ang nangyari maski sa ordinary bill, maski wala naman sa HOR version at Senate version, naipapasok pa rin.”

“Iba ang ginawa ng para sa 2019 budget. Tapos na ang BCC, naratipika na namin naratipika na nila, binago pa nila nang print nila ang enrolled bill. Yan talaga ang talamak, yan ang sabihin na nating napakagarapal. Kasi isipin mo nag-usap kami sa BCC, nagkasundo kami at niratipikahan na, napirmahan na ng SP napirmahan na ng mga senador, pinagbotohan namin pinagbotohan nila, at yan ang sneaky at yan ang talagang may treachery. Dahil labas sa aming naratipikahan, nang print nila kasi ang nagpi-print ng enrolled bill ang HOR, yan talaga ang sneaky. Hindi rin lumusot kasi nga noong tiningnan namin ang enrolled bill nakita namin may pagbabago, iba ito sa pinagusapan namin at niratipikahan namin. Remember pag ni-ratify namin yan may kopya kami at ang kopya namin nasa amin. Kaya nang pinadala ang enrolled bill, minabuti naming busisiin kung may pagkakaiba ba ang enrolled bill kasi ma information kami na binago nila ang niratified na BCC report.”

On ‘most commendable’ House leadership if there is no hidden pork:

“Most commendable pagdating sa national budget. Talagang yan na yan nakita namin, at least sa research team na kasama naming nag-research. Ito na siguro sabi ko nga most behaved HOR by far, at least simula nang nagbusisi ako ng budget, ito pinaka-behaved kasi nga as announced ang P9.5B na institutional amendments, yan talaga nakita namin sa HOR version.”

***

* CALAMITY FUNDS:

On releasing funds to address recent calamities:

“May pondo talaga at kung hindi man sapat authorized ang Presidente na mag-augment. At ang bawa’t LGU, meron silang calamity fund na kinukunan nila sa IRA … may certain portion ng IRA. E malaki naman ang IRA. Bawa’t LGU probinsya man, pero sa kanilang localities lang yan. Ngayon ang tinamaan ang Mindanao I’m sure makakahanap ang Pangulo sa Special Purpose Fund kasi isang bahagi ng national budget, 3 bahagi ng national budget, regular budget na discuss namin; at of course ang SPF ang purpose noon i-augment anuman ang kakulangan ng ahensya na pangangailangan nila sa budget year na iimplementa ang national budget.”

“So ang Pangulo naman, authorized mag-augment basta hindi siya lalabas sa executive branch dahil ito ang SC ruling walang cross-border realignment. Kaya pwedeng kumuha ng pondo ang Presidente mula sa SPF para idagdag pa sa nakalagak na disaster response (fund).”

On speeding up release of funds:

“Implementation na yan, call ng executive branch yan. Mabuti rin naman hindi lang sa executive branch nanggagaling ang tulong. Ang publiko mismo, ang philanthropist na tinatawag, nagpadala na rin doon. Kami mga senador at congressmen nagpadala ng tulong sa mga probinsyang inaakalang nangangailangan ng pangmadaliang tulong tulad ng tent, pagkain. May mga ganoon naman doon.”

“Ang isang kamalian pag nagkaroon ng disaster pursigido lamang ang gobyerno sa unang linggo, unang buwan, tapos nakakalimutan na. Ang Yolanda for example bilang OPARR, nang ako ang PARR sa Haiyan, ang nirekomenda kong pondo at in-approve ni PNoy, P167B. pero tuwing napapansin ko pag naglalaan ng pondo ang DBM even after 2014 kasi 2014 naisubmit namin ang kaukulang budget, napakaliit ng pondo. Minsan P1-2 o 10B. Paano ma-rehab ang Yolanda, sa Tacloban o kaya sa 171 cities and municipalities kung di mapondohan ang inaprubahang P167B?”

“Nangyari uli yan sa Marawi. Sa umpisa pa lang, napakaraming gusto tumulong, yan gobyerno, ito lahat naka-focus doon. Pagkatapos ng 1-2 buwan nakakalimutan. And I hope itong sa Mindanao, Davao, Cotabato, huwag naman sana uli ganoon kasi ito ang sakit ng gobyerno. Pursigido lang habang pinaguusapan at pagkatapos kinakalimutan na. Although sa Marawi noong tinanong namin sa budget hearing ng DND, ang sabi nila hindi sila makagalaw nang mabilis dahil may unexploded bombs pa roon. So ayaw nila malagay in harm’s way ang mag-implement ng rehab at reconstruction. Reasonable naman yan kasi nilillnis pa ang Marawi City para siguradong ang unexploded na bomba hindi sumabog accidentally o kaya sumabog habang may sumasagawa ng rehabilitation doon. Ganoon din sa Yolanda. Sa Tacloban may nahulog na bomba roon sa dagat na hindi pa nag-explode at hindi pa na-retrieve.”

*****

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.