Interview on DZBB: Galawang Ninja? Ping Details How Pork is ‘Hidden’ in 2020 Budget | Dec. 15, 2019

In an interview on DZBB, Sen. Lacson detailed how pork items that violate the Supreme Court’s 2013 ruling outlawing pork are ‘hidden’ in the 2020 budget.

QUOTES and NOTES:

Highly questionable projects in 2020 budget bill:

“I-highlight ko ang talagang highly questionable para madali. Ang kabuuan ng flood control projects nasa P3.179B. Ang nakakamangha rito, 8 sa flood control projects na yan bakit pare-pareho tig-P60M magkakaibang lugar? Pare-pareho ba ang mga ilog doon at gagawin?”

Meron pang repair, reconstruction o rehabilitation, nakalagay doon isang buong bayan. Halimbawa Nasugbu Batangas. May P25M nakalagay roon repair ng kalsada sa Nasugbu. Saan sa Nasugbu? Ia-identify pa lang ng kongresista saan sa Nasugbu ang ipapa-repair na kalsada. E di post-enactment din ang identification.”

“P50M asphalt overlay Catbalogan City. Ano ia-asphalt overlay sa laki ng Catbalogan City? Asphalt overlay, various roads QC, P25M. Saan yung various roads? Tapos concreting, rehabilitation of roads in Alaminos City Pangasinan, P15M, saan yan? Ito ang mga ipo-point out kong maliwanag na pork kasi may post-identification ng project, ayon na rin sa ruling ng SC. Pero remember hindi lang yan ang definition ng pork barrel sa ruling ng SC. Ang sinabi basta lump sum at walang malinaw na description ng proyekto, considered pork yan. Saan mo implement yan? Ia-identify pa lang ng kongresista ang proyekto pagkatapos i-enact ang budget measure so maliwanag na pork.”

Construction of works … Candaba Pampanga P22M, saan sa sa Candaba? Saka pa lang ia-identify kung anong kalsada sa Candaba iko-construct. Construction of roads Apalit Pampanga P18M, saan sa Apalit? Concreting widening of roads Tumauini Isabela P30M, saan sa Tumauini, ang laki-laki ng Tumauini? Hindi lang vague, talagang lump sum.”

Sa halip na detalyado, ginawang vague pa. Halimbawa, asphalt overlay isang buong siyudad P50M, ang tanong anong io-overlay mo? Saang lugar sa isang siyudad io-overlay mo?”

Source and List Files in the USB Drive:

“May mga hinugot sa P83B. May portion na wala sa P83B pero pumasok sa P16B so may pinanggalingan pa ring iba yan. Walang preliminary explanation na ginawa ang HOR basta pinadala ang USB drive. Sana may introduction ito ang P83B, ito ang source file na pinadala sa aming mga kasamahan, pumili sila riyan kung anong pwede nila ipapasok sa BCC report. So assumption lang namin kasi ang contextual meaning ng source at list, doon namin hinugot na pwede doon kumuha. Pero just the same hindi lahat sa list file nanggaling sa source file. Yan ang masama.”

Violation of Supreme Court’s 2013 Ruling:

“(Dapat may detalye), pati ang halaga. Yan ang sinabi ng SC ruling. Doon na tayo pupunta sa usaping pork barrel. Sinabi ng SC ruling bawal ang post-enactment identification ng projects. Kasi before nang di pa declared na unconstitutional ang pork barrel, ang ginagawa, may tig-P70M ang bawa’t kongresista at tig-P200M bawa’t senador at pagka naipasa ang budget sana ia-identify ang project. So yan ang pork barrel, maliwanag. Kasi yan open yan o pronta, grave abuse of discretion… Hindi na nakapaloob sa expenditure program o GAA na pinirmahan ng Pangulo.”

Now, anong kaibahan ng P50M na asphalt overlay sa 1 buong siyudad na hindi natin alam kung saan doon, sa post-enactment identification na sa ruling ng SC e pork barrel at unconstitutional? Pareho rin. Kasi post-enactment identification din ang proyekto, although nakasaad na asphalt overlay sa 1 siyudad sa Pilipinas, pero hindi natin alam kung saan ia-identify ng kongresista ang io-overlay. Alangan ba namang buong city ang asphalt overlay mo. Hindi kakasya ang P50M.”

Pag napirmahan ng Pangulo ito, post-legislation na yan. Pero hindi pa identified ang project. Parang niliitan mo lang nang kaunti pero pareho pa rin kasi ia-identify pa lang ang i-asphalt overlay mo pagkatapos na mapirmahan ang budget.”

Huwag tayo maging masyadong literal. Ang interpretation ng iba siguro for convenience din o para pangdepensa o pang-argue na hindi pork barrel yan kasi nasa budget yan. Tama yan. Pero ganoon pa rin ang implication kasi pagkatapos maipasa ang budget, saka lang ia-identify. Pareho before na saka pa lang ia-identify ang proyekto. Ito lang, medyo limitado sa isang bayan o siyudad o distrito pero hindi identified ang project. Di ba pork din yan?”

May isa pang definition ng pork, all informal practices of similar import and effect that the SC deemed to be tantamount or subject to grave abuse of discretion pork pa rin yan. Tulad ng Tulong Dunong, pinatanggal ko yan, ewan ko kung naibalik sa bicam, di pa namin na-examine. Ang TD, ito scholarship program ng kolehiyo. E bakit kailangan pa natin may free tertiary education? Pinatanggal ko TD, pinalagay ko sa CHED. May parameters yan may qualifications. So pag TD saka pipili ng scholar ang kongresista, ang tanong anong competence nila pumili ng sino scholar? Baka anak ng leader nila yan. Samantalang kung CHED di lang mahirap ang qualification kundi deserving. So meron silang ginagawang exams, qualifying test, kung ano man yan, pabayaan natin sa CHED. So ito ang may informal practices kung saan pwedeng maabuso ang discretion. Sabi ng SC pork din yan.”

On arguments that the projects being questioned had been discussed in the Senate:

“Hindi napagusapan ito. Ang napagusapan ang naipasok namin sa Senate version at ang napagusapan sa HOR ang naipasok nila sa HOR version. Itong submitted sa USB drive, hindi kasama sa napagusapan. Kaya gusto ko i-correct ang impression ni Sen Imee na napagusapan nang matagal yan. Paano napagusapan e Martes ng gabi pinadala at Miyerkules pinagpirmahan na?”

Informing the President:

Ayoko rin kumontra. In fairness to Sen Angara sabi niya pwede na ba mag-proceed? Sabi ko hindi na ako pupunta riyan. But please go ahead kasi kung ia-argue ko pa riyan baka mag-stalemate tayo at baka ma-delay at ma-reenact ang budget. We were looking at the higher interest.”

Sabi ko may last hope na idedetalye nating mabuti ito at ipapadala sa Pangulo, at irerekomenda natin kung pwede i-line item veto, at bibigyan namin ng explanation. Kung pakinggan ng Pangulo maraming salamat at umaasa ako dahil nagawa niya ito noong 2019. At kung sa tingin ng Malacanang naraapat isama yan, e di fine, ok lang kasi prerogative ng Pangulo yan. So kaya pumayag na rin ako kesa magdebate pa kami sa bicam at ma-delay na naman ang budget, kasi nagbibilang na lang kami ng araw bago kami maka-submit ng enrolled bill.”

“Ang last chance namin itong papasok na linggo kailangan mapirmahan ni SP ang enrolled bill. E magiimprenta pa.”

“(Ang isa-submit naming list sa Pangulo), line by line.”

“Kaya nga point out ko na lang, bahala na ang Pangulo, kung paniwalaan ang aming explanation na ito ay pork at kailangan matanggal. Ganyan din ang sinabi ni SGMA, ganyan din sinabi ni Rep Andaya, ganyan din ang sinabi ng ilang kongresista sina Fredenil Castro kung sino-sino na pork-free, walang lump sum at walang abuso. Pero sa pag-aaral ng Malacanang at pag-aaral namin, lumalabas na pork talaga yan, kasi veto ng Pangulo. So bayaan natin ang Pangulo, kanya-kanyang pananaw at kanya-kanyang argumento.”

Rep Ungab’s denial that the budget is pork-riddled:

Respeto na lang, ako malaki tiwala ko kay Rep Ungab. Unang impression ko sa kanya bilang HOR appropriations committee chair nang wini-withdraw ng liderato, sina Speaker Cayetano at L-Ray Villafuerte ang NEP na kinonvert nilang GAB para pagdebatehan nila, ang nangyari gusto pa-withdraw sa kanya at lagyan agad ng amendments. Hindi siya pumayag. He stood his ground. Sabi niya, hindi, kasi ang NEP, ang GAB-1, yan ang faithful reproduction ng NEP. Kokopyahin lang yan at pagdedebatehan sa floor at doon manggagaling ang GAB-2 kung saan yan ang isa-submit sa amin. Yan ang may mga amendments na ipapasok ng congressmen. Pero nang pina-withdraw nila kay Sid Ungab ang GAB-1 pa lang na faithful reproduction ng NEP, tumanggi siya, sabi niya hindi pwede ito dahil ito ang pagdedebatehan. Gusto nila saksakan agad ng pagbabago o amendments doon pa lang sa GAB-1 ma-deliberate nila para palabasin siguro galing sa Malacanang ang mga proyekto na ito. Pero kung natuloy yan at bumigay si Rep Ungab masama lalabas na budget. So doon pa lang, maganda ang impression ko sa kanya.”

So kung anuman ang kanyang pananaw na pork-free at walang lump sum nasa sa kanya yan. Pero iba ang nakita ko sa sinubmit nilang USB drive. At di nagsisinungaling ang records. Hindi ito prarang hinugot ko sa hangin. May detalye nga rito.”

On whether to petition the Supreme Court to ‘define’ pork:

Walang katapusang petition yan. Noong 2015, ganyan din ginawa ko panahon ni Presidente Aquino kasi may violation kaming nakita. Although wala na ako sa Senado noon, pero tuloy pa rin out of curiosity, maski wala ako sa Senado kasi graduate ako 2013, ganoon pa rin. May nakikita kaming mga abuses and indiscriminate insertions. Hinimay-himay namin, nag-file kami ng petition sa SC. Di tayo titigil na kape-petition.”

Malinaw naman yan ang ruling ng SC. Gusto ko lang liwanagin para malinaw ang perspective kung saan ako nanggagaling. Hindi ito only for the sake of questioning ang mga pork barrel sa ating national budget.”

Budget reform:

“Kung pinagaralan natin ang poverty incidence nationwide, bawa’t rehyon, may direct correlation sa low fiscal capacity, ang capacity na gumastos ang bawa’t rehyon, gastusin ng NG agencies sa particular region, may direct correlation sa gross regional domestic product, economic growth ng region, at pati na rin sa poverty incident. Bakit may mga region na patuloy napakataas ng poverty incidence kumpara sa ibang rehyon na consistently mataas ang poverty incidence? Nang pinagaralan namn ang data may direct correlation. Pag low fiscal capacity o capacity na gumastos para sa isang region, mataas ang poverty incidence. Halimbawa ang ARMM sa 2017 ito ang latest data sa DBCC, 55%, tapos CARAGA and Region 12, 28%, ang tataas. Pero pag tingnan mo NCR kasi gastusin focused sa NCR, wala pang 5% ang poverty incidence. Regions 4, 4A and 3, ito rin ang mabababa ang poverty incidence. So ang pinaghuhugutan natin kaya ako matiyaga ring nag-aaral ng budget para magkaroon ng equitable distribution ng resources, kasi nagiiyakan ang LG officials napansin mo sa Senate kayo lagi, pag budget deliberations puno ang hallway natin, karamihan doon barangay officials, governors, mayors, councilors. Hindi ba dapat doon sila sa lugar nila dahil ang kanilang sinubmit na LDP na-adopt sa NEP, hindi na sila magmamalimos. Ang nangyari ito kinwestyon ko sa general principles, bakit ang RDC PAPs na binalangkas nila sa kanilang LDPs na submit ng LDCs all the way hanggang sa regional, ang member ng RDC ang chair nito DBM, tapos nariyan ang NEDA at governors. Pero pagdating sa NEP 25% lang ang na-adopt, at 75% ang agency-initiated.”

“Napagusapan namin ni SBM Avisado ito, sabi niya iko-correct niya. Sabi niya sa 2021 hindi niya ipapasok sa budget call at hindi niya ipapasok sa NEP kung walang endorsement ang RDC. Ang sabi ko sa kanya, ‘Maraming salamat, Secretary. Yan ang tamang direction na dapat natin tinatahak.'”

*****