Interview on DZBB: Saan Napunta ang P4B Kaltas sa 2020 Calamity Fund? | Jan. 17, 2020

The Senate sought P20B in calamity funds in the 2020 budget, but the bicameral conference committee approved only P16B. Where did the P4B go?

QUOTES and NOTES:

P4B cut in disaster fund:

“For 2020 ang nakasaad sa Senate version, P20B. Paglabas sa bicam, naging P16B; nabawasan P4B. Tine-trace ko ngayon saan napunta ang P4B, bakit binawasan sa bicam. E yan ang mahirap i-trace kasi pag bicam naguusap lang 2 chairmen. Tapos mag-pool sila, magbabawas kung saan-saan, tapos ito ngayon kung saan-saan napunta.”

“Makikita naman yan. Ang NDRRM fund for 2020 nasa P16B. Pero may provision naman doon na ang lifespan ng calamity fund, hanggang 5 years. Pag di nagamit, ang unexpended napupunta sa special fund na nakalagak din, nakatuon para sa mga calamities and disasters. After 5 years pag hindi pa rin nagamit ibabalik ito sa National Treasury.”

Reviewing the present Disaster Risk Reduction and Management Act:

“Pagbalik namin sa Lunes, ima-manifest ko na lang sa floor kung pwede i-constitute namin sa Senate at ma-coordinate sa HOR na mag-constitute sila nang sa ganoon mapag-aralan ang RA 10121, ang National Disaster Risk Reduction and Management Act of 2011. Overdue na yan.”

Ang daing (ni former executive director Alexander Pama), wala silang tao. Seconded lang sa kanila galing DND. At karamihan casual. E ang organization nila down to municipal, or ang iba regional at provincial. So ganoon kahirap ang trabaho. Bago maka-react sa kalamidad papunta sa rehab and construction, napakatagal.”

Ang problema naman sa department, masyadong bloated ang ating bureaucracy. Ka-create lang natin ng Dept of Human Settlements ngayon pa lang Enero ma-activate talaga at ang pondo ito initially napakaliit. Ang DICT bagong department, ang pondo niyan natatandaan ko dinagdagan for 2020 pero mas malaki pa pork barrel ng congressman sa pondo ng department na yan kasi pondo niya for 2019 mahigit P4B lang. Ang laki ng task ng DICT. So ngayon magke-create na naman tayo ng DRRM, tapos hindi natin kaya pondohan.”

“At siyempre magre-recruit tayo ng tao, secretary, usec, ang ibang department natin minsan 6 usec, may asec pa. May directors pa yan, down to regional may regional offices. Magkano yan just to start up ang isang department, magkano ang kailangan nating pondo? Wala naman tayong ginawa kasi wala tayong balanced budget so augment natin yan sa pangungutang ang utang natin sa P7.9T na, di pa foreign debt at papalo yan ng P8T pagdating ng 2020 kasi may naka-project tayong uutangin na P1.442T ang nakaprograma na uutangin natin for 2020.”

May panukalang batas sa rightsizing at ito ang isa sa unang policy ng PRRD. So there goes the inconsistency sa policy, ano ba talaga gusto natin? Gusto natin mag-rightsize pero gusto nating mag-create ng katakot-takot na department. Meron pa ring mga bills para mag-create ng Dept of OFW. Hindi ko minemenos ang significance or importance ng sector na ito, kalamidad o OFW. Pero pag-aralan nating mabuti dahil in conflict ito sa gusto ng Pangulo na mag-rightsize tayo ng bureaucracy.”

“Mga 1.4M ang ating government employees e sige lang ang dagdag ng sweldo, salary increases. Baka mapunta lang sa sweldo ng national government, walang maiwan para sa development, social services, education, health, lahat.”

Yan ang concern ko na pag-create ng department, magkano ang kakailanganin naman sa national budget para tustusan ang bagong department na kayang gawin ng isang office at ginagawa na rin ng OCD kaya lang walang ngipin? Kasi wala siya, aasa siya sa council na napakaraming Cabinet secretaries na member.”

Need for dedicated office:

Ang talagang problema walang dedicated office, sabog-sabog kasi council eh. Magtawag ka ng meeting ng NDRRMC, lahat yan Cabinet secretaries, napakarami noon. Pero talagang nagtatrabaho riyan OCD na ad hoc, walang tao yan. Ang tao galing sa DND. Ang suggestion nga, mag-create ng permanent office. Ang nucleus ng office na yan ang OCD. Sila na ang dedicated office. Wala nang council. Anyway pag Cabinet meeting naman kinokonsulta ng Pangulo ang iba’t ibang departments involved sa different phases ng disaster management.”

“Nang sa PARR kami, nagawa naman namin ang binigay sa aming mandate, kasi mandate ko noon mag-coordinate lang tapos mag-submit ng comprehensive plan na ginawa namin in a record time of 8 months. Kaunti tulong ng gobyerno noon, wala kaming pondo noon. Ang nakatulong sa amin pati sa pagbalangkas ng CRRP, ang nakatulong sa amin ang pondo ng USAID at UNDP. Yan ang tumulong sa amin. Kaya kami nakabalangkas ng CRRP. At humingi kami ng pondo para sa complete rehabilitation P167B. Ang problema, ang budget ng 2015, ang pondo lang nakalagak na calamity fund, wala.”

*****