#PINGterview: Lifting of Taiwan Travel Ban, Lt Col Espenido Issue, VFA Abrogation

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– lifting of travel ban on Taiwan
– issues involving P/Lt. Col. Jovie Espenido
– possible actions after VFA abrogation
– franchise of ABS-CBN

QUOTES and NOTES:

* TAIWAN TRAVEL BAN LIFTING:

On the lifting of the travel ban on Taiwan:

Magandang move yan kasi wala naman talagang ibang pwedeng paniwalaan nating dahilan other than political sa travel ban na na-impose. Look, 154,000 ang ating manggagawa sa Taiwan, 18 lang ang reported coronavirus cases sa Taiwan, among its 23M people. Walang health reason para mag-impose tayo ng travel ban against Taiwan, so I think ill-advised in the first place ang ginawang travel ban kasi ang magsa-suffer ang mga kababayan nating naroon. Pagkatapos, hindi makatwiran. Kaya nga mahirap isipin na hindi political o hindi lobby ng China ang dahilan kung bakit tayo nag-impose ng travel ban.”

Maganda ring indication kasi after all si Presidente rin pala nakikinig sa rational na pag-a-advise sa kanya pagka public opinion ang nagma-matter at public good ang pinaguusapan. Mabuti rin hindi nagtagal ang travel ban. Kung hindi, baka nagsagawa rin ng retaliatory act ang Taiwan, di natin alam yan. Mabuti rin parang 1 araw lang ang travel ban na na-impose kaya parang balewala rin yan. So welcomed ng Taiwan ito so sabihin natin all’s well that ends well.”

“Simple lang naman eh. Hindi naman kailangan masusi at malalim na pag-aaral. Kung titimbangin mo, kung 18 lang ang reported cases ng coronavirus sa Taiwan, 23M ang population, mukhang napakalayo naman para gawing health issue. So dahil nga ang One China Policy ang pinairal, ang One China policy, political yan. Hindi dapat ihalo ang health issue doon. Kasi kung health o kalusugan ng kababayan natin ang tinitingnan natin, hindi sapat na dahilan para mag-travel ban.”

***

* LT COL JOVIE ESPENIDO:

Espenido’s inclusion in narco list:

Nakapagbigay ako ng pahayag na unang una hindi ako makapaniwala. At ang aking impression, ang kanyang pagka-include sa narco list na pinalabas ay bago. Kasi nawalan kami ng contact, except ang mga Bible verses na pinapadala niya, nawalan ako ng contact sa kanya since ma-assign siya sa Bacolod. So unang pumasok sa isip ko baka doon nagkaroon ng pakikipagugnayan o kaya doon siya bumigay.”

Lumabas ngayon ang kanyang pagka-include sa narco list, noong naroon pa siya sa Albuera. Anyway pwede pa i-clarify sa PNP, ano ba talaga ang naging basehan ng pagka-include sa kanya sa narco list. Wala namang alam, sa pagkasabi niya sa akin, si Espenido except yan, at pinadala niya ako ng copy ng report ng adjudication board na kini-clear na siya, ine-exclude siya sa listahan. So hindi rin niya mawari at medyo masakit sa kalooban niya na nasama siya sa isang basehan na napakaluma na at na-resolve na. So siguro kung yan talaga ang naging dahilan at hindi bagong dahilan sa bagong assignment niya, agad-agad dapat i-correct ng PNP ito at wala silang gagawin kundi check ang records kasi si Espenido mismo may hawak ng files niya.”

Kung yan lang ang dahilan dapat i-correct agad ito para hindi mag-linger sa kaisipan ng kababayan in fairness to Jovie Espenido. Kasi nang kasama ko siya, PO1 pa lang siya noon, ang talagang pagkakilala ko sa kanya, lumalaban ito pagka alam niyang tama siya at integridad niya at dedication sa kanyang tungkulin di talaga matatawaran. Yan ang aking personal experience. Ang irony of it all, siya ang naging poster boy laban sa illegal na droga dahil publicly pinagpurihan siya ni PRRD mismo no less. Lahat na assignment na binigay sa kanya talagang maayos ang kanyang performance. Sabihin nating may mga controversy tulad ng sa Albuera, Parojinog at kung saan-saan pa. Pero sabihin nating talagang ginagawa niya ang tungkulin niya in spite of the controversies na talagang may dedication sa trabaho. Kaya sa ranggo niya na Chief Inspector o Major noon isipin mo mismong Pangulo ng PH ang nagbigay ng parangal, personal na parangal. Hindi parangal na nakasulat.”

“Hindi ko na nasundan ang bago niyang assignment. Pero kung ang naging basehan ng PNP nga tulad ng sabi ko ay sa Albuera noong 2016, nagkaroon ng resolution as early as May 2017, ang sinasabing pagkasangkot niya, at cleared na siya roon, in-exclude ang kanyang pangalan. So dapat i-correct, i-check ng PNP at kung yan ang naging dahilan, at least magpaumanhin sila o kaya i-correct nila kaagad sa record nila para maging fair kay Lt Col Espenido.

Pero kung bagong report ito sa kanyang pagkatalaga sa Bacolod, ibang usapin yan. Meron dapat ipaliwanag si Espenido. Pero sa kanyang sariling paliwanag sa akin yan ang naging basehan ng kanyang pagkasama sa narco list, ang 2016 pa, ang luma. Yan ang pagkasabi niya sa akin. And he should know kasi pinatawag siya sa Crame.”

Hindi matawaran ang pag-include mo sa narco list, dumadaan yan sa pag-aaral at pakikipag-coordinate sa iba’t ibang intelligence unit, hindi lang PNP kundi pati PDEA, minsan pati ISAFP napapasama sa discussion. Ito ang tinatawag na intelligence workshop. Kaya ang dapat mapaliwanag kung naging basehan sa pagka-include niya sa pangalan ang sinasabi ni Espenido sa akin na ang 2016 report, o panibagong report na naganap nitong 2019 o 2020. Ibang usapan yan at wala akong information tungkol doon except na ang basehan ko, kaya naniniwala ako kay Espenido dahil nakasama ko siya yan ang pagkakilala ko.”

Nasabi ko na rin, ang test ng character ng isang tao lalo ng public official, bigyan mo ng oportunidad magkaroon ng ika nga ang kanyang kamay meron siyang taste sa power at sa pera. At doon mo mate-test, lalabas talaga ang tunay na character at integridad ng isang tao. Kasi minsan mataas ang integridad at maganda ang character kasi di pa napapaharap sa pagsubok. Pero pag nalagay na sa pagsubok lalo na kung napakatindi ng pagsubok at napakalaking pera ang involved at ang power na ibibigay mo ang authority ay talagang matindi rin, doon mo masusubukan if he will stay his course or mag-deviate siya or he will fall out of line at tahakin niya ang landas ng masama.”

***

* VFA ABROGATION:

Will Senate bring the issue before the Supreme Court?

Yan ang umiiral na sentiment pero wala pa kaming formal o informal na pag-uusap tungkol diyan. Palagay ko maguusap-usap kami tungkol diyan at magde-decide kami kung idudulog ba namin sa SC tulad ng ginawa ni Sen FMD na noong nag-withdraw tayo sa ICC, dumulog sila sa SC para humingi ng paliwanag kung kailangan bang 2/3 vote ng Senado ang kailangan para mag-concur sa abrogation. Ang nakasulat sa Constitution malinaw naman 2/3 vote para sa ratification. Pero hindi nabanggit doon kaya lang sinasabi natin dito, it doesn’t make sense na kung 2/3 vote ng Senado kailangan sa ratification, baka kailangan ding 2/3 vote concurrence ng Senado para sa abrogation. At di malinaw yan kasi pending pa sa SC ang unang kaso na ihinain ni Sen FMD. Ngayon kung magkakaroon ng decision doon hindi masasaklaw noon ang usapin tungkol sa VFA. Kailangan meron ding separate petition na i-file unless sa language ng ruling ng SC which is unlikely, sakupin nila ang ibang tratado.

“So baka kinakailangan na kung talagang desidido ang mga senador na idulog sa SC, kailangan talaga maghain ng panibagong petition, aside from the petition already pending na ang pinaguusapan ang issue naman doon ay ang withdrawal sa ICC.”

Some senators including Sen. Marcos said time to ‘move on’:

I think that’s too premature. Kasi ang pinaguusapan dito concurrence lang o participation ng Senado. Di pa natin sinasabing kung dudulog tayo sa SC para liwanagin ang usapin na yan, siguradong ide-deny namin ang abrogation. Di ganoon ang pinaguusapan. Ang pinaguusapan pa lang, ano ang papel ng Senado sa abrogation in the same manner na may papel ang Senado sa ratification. Hindi pa natin pinaguusapan ano magiging boto ng Senado. Malay mo, maski mag-rule, halimbawa may ruling ang SC na kailangan ng concurrence ng Senate, 2/3 vote para ma-abrogate, it doesn’t follow na ide-deny namin ang ginawang abrogation ng Pangulo.”

“Ibang usapin yan. Pwedeng maski may ganoong ruling na may papel ang Senado, kumuha pa rin ng 2/3 vote para mag-concur sa ginawa ng Pangulo. Kaya masyadong premature ang statement na move on, huwag na natin question sa SC. Ang kinukwestyon natin dito ang karapatan ng Senado. Hindi pa naman ang pagboto. Magkaiba yan.”

On US President Trump’s claim that US will save money:

May basehan yan. Alam nyo ba na since 1998 ang ibinibigay na military aid and financial assistance ng US sa PH, umabot na sa US$1.3B. At sa loob ng panunungkulan ni PRRD, 2016 to date, $900M na ang naibigay, di naman bigay lahat yan, ang iba assistance, ang iba may bayad. Pero $900M na kung ikukumpara natin sa suporta sa buong Asia Pacific region, 52% ang napupunta sa atin. Pangalawa, ang tatamaang mabigat sa atin, ang ating air assets. Di masyado sa Philippine Navy kasi medyo pa-decommission na ang barko natin mga WW2 vintage galing sa US. Pero ang bago nating equipment, air assets natin, eroplano, helicopter, karamihan doon under the AFP Modernization Program, ang nag-supply, Amerikano. Paano ngayon ang maintenance noon at paano ang repair? Kung talikuran tayo ng US, wala nang VFA, baka maging wala na, kung magkaroon ng maintenance problem ang mga air assets natin saan tayo pupunta ngayon? Kaya ang basehan siguro ni President Trump, okay lang, makakatipid kami. At saka ang budget ni Trump para sa defense, security and defense, ito ang kasama ang pagtulong sa ibang bansa, sa $2.3T. So mag-spike pa ang dapat mapupunta sa atin.”

“Hindi lang yan. Kasi ang assistance na binibigay, ang technical assistance in terms of intelligence sharing, si Marwan, kaya na-pinpoint ang location niya, dahil sa tulong ng technical intelligence na provided by US. Sa Marawi, tapos ang fight natin against terrorism, maski papano huwag natin sasabihin na kakayanin nating mag-isa.”

No man is an island. Bravado nang sabihin nating tatayo tayong mag-isa sa sarili nating paa. Pero wala namang bansa na ganoon. Lahat ng bansa umaasa maski papaano sa pakikipagugnayan sa ibang bansa lalo na tayo napakaliit at napakahirap, underdeveloped or undeveloped pa, kailangan natin ng tulong ng kaalyado natin. Kaya bravado na lang yan.”

“Alam mo naman si President Trump parang may similarity sila ni PRRD pagdating sa bagay na pagiging macho, ganoon ang kanyang tugon. Pero let’s face it, kailangan din ng US ang PH, not for anything but for our strategic location kasi daanan ng commerce, ang drug interdiction nila, ang kanilang interest sa Asia Pacific region, napaka-strategic ng PH para sabihin nilang balewala tayo sa kanila.”

***

* ABS-CBN ISSUE:

On Sen. Poe’s plan for a Senate probe on ABS-CBN’s alleged violations:

“Unang una ang sub judice Latin word yan apply yan sa jury system. May ruling ang SC, sabi roon hindi lang ito para sa estado na may jury system kasi pag sinabi nating sub judice, ibig sabihin, matters under judicial consideration. Yan ang ibig sabihin noon. Meron silang jurisprudence lalo sa kaso ni ex-CJ Sereno. Ang sabi nila ang saklaw ng sub judice mga litigants, abogado, officers of the court, at public in general. Tama yan, hindi kami pwede i-censure ng SC kasi co-equal branch. Hindi rin kami pwede pagsabihan o i-contempt dahil nagsagawa kami ng investigation sabihin natin in aid of legislation. Pero ang pag-uusapan namin sa public hearing na isasagawa, mismong meat and substance ng quo warranto petition ng SolGen, which is alleged violations ng ABS-CBN. Now pag nag-imbita kami, mga senador walang problema, lusot kami roon, talagang hindi gagawin ng SC na i-censure kami. Ang mangyayari pag nagimbita kami halimbawa inimbitahan si SolGen Calida tinanong namin at sabihin nila, I cannot comment because baka ma-contempt ako ng SC, ano ang gagawin namin? Iko-contempt namin si Calida at ikukulong namin? Maghahain ng habeas corpus yan, mas malamang sa hindi matatalo kami dahil may sub judice rule na umiiral.”

Pag sinabi kong sub judice rule na pwedeng ma-violate, hindi ko sinasabing Senado. Ang sinasabi ko ang mga resource persons na iimbitahin namin. Ano, iimbitahin namin ang ABS-CBN, magpapahayag sila, baka masasaklaw sila ng sub judice rule at pwede sila i-contempt ng SC. Kami hindi kami mako-contempt kasi co-equal branch. Pero ang tatanungin namin hindi kami pwede mag-usap na kami kami lang kasi kailangan namin ng resource persons. Ang resource persons ang saklaw ng sub judice rule kaya humihiling ako kay SP pagusapan muna natin ito bago tayo magpadalos-dalos agad-agad tatawag tayo ng hearing. Tama si Sen Poe na may jurisprudence ang Kongreso di papakialaman ng SC.”

Paano ang aming resource persons? Yan ang saklaw ng sub judice rule na pwedeng parusahan ng contempt, ipakulong ng SC.”

On claims of conflict of jurisdiction:

“Sa tingin ko kasi ito hindi naman conflict ng jurisdiction kasi ang jurisdiction ng SC maliwanag sa Art 8 Sec 5 Par 1 ng Constitution sabi roon, may original jurisdiction ang SC sa petition ng quo warranto, habeas corpus, certiorari at kung anu-ano pa, kasama ang quo warranto. So wala silang ine-encroach na jurisdiction sa pagdinig nila sa quo warranto. Kami naman wala silang jurisdiction sa legislative franchise kasi exclusive jurisdiction naman yan ng Kongreso. Pero ang nangyayari, inuupuan ito sa HOR at hindi gumagalaw. So maski may kaso sa SC, hindi rin kami pwede pigilan kapag legislative franchise ang paguusapan namin.”

Pero huwag din namin pigilan ang SC dahil di rin sila nag-e-encroach sa jurisdiction namin kasi these are 2 separate jurisdictions. Ang sa amin legislative franchise. Sa SC dinidinig nila, quo warranto. Halimbawa murder case, kami ang gumawa ng batas na nagpaparusa ng murder. Pero sino nagde-determine kung sino nag-violate ng murder? Korte yan. Alangan pang Kongreso pa magsabing ikaw guilty ka sa murder. Korte yan. Pero kami nagsagawa ng batas. Kanya-kanyang jurisdiction.”

So it is wrong to say kasi narinig ko ibang mambabatas sinasabi na may conflict sa jurisdiction, nag-encroach ang SC. Mali yan. Maski hindi ako abogado marunong ako magbasa ng Constitution at marunong ako magbasa ng batas, at marunong ako magtanong sa mga abogado.”

*****