#PINGterview: Ordinaryong Pilipino, Baka Mawalan ng Gana Magbayad sa PhilHealth?

Nakakapangamba kung mawalan na tuluyan ng gana ang ordinaryong Pilipino na mag-contribute sa PhilHealth dahil sa katiwaliang bumabalot dito, ayon kay Sen. Ping Lacson sa panayam sa DZAR.

QUOTES and NOTES:

Ordinaryong Tao, Nawawalan ng Gana Magbayad sa PhilHealth?

“Sa akin din may nagtatanong, mapu-pull out na ba namin ang premium? Parang di yata pwede. Pero ang nakakapangamba, pag nawalan ng gana ang myembro, baka di na mag-register. Baka mag-opt out. E lalong mababawasan ang contribution, walang equity. So ang lolobo riyan, ang lalaki, ang subsidy ng gobyerno kasi 2 ang pinanggalingan ng PhilHealth, ang resources nila. Ang contribution ng member at subsidy ng gobyerno.”

“Siyempre ina-allow sila sa charter nila mag-invest. Ang ginagawa nila meron silang time deposit, yan hindi pa natin naitinanong. Dapat sa LBP or govt bank lang sila pwede mag-invest sa time deposit. Ito ang govt bonds pwede sila riyan. Ang kukunin natin records ng investment nila para makita natin kabuuan, ang financial status ng PhilHealth.”

‘Catch 22’ for Universal Health Care Budget?

“Noong isang taon nagkaroon kami ng budget deliberation pinadagdag ng Senado yan kasi ang NEP sa mga P67B. Nakita namin kulang na kulang. Ako nakapag-realign, dinagdag namin so naging P74B ang additional pondo. May dating pondo na yan, daang bilyon, tama sinabi mo 200. Magba-budget deliberation na naman tayo para ipasa ang GAA for 2021. Magkano na naman kaya hihingin? Okay lang talagang suportahan natin pero kung kitang kita ng dalawang mata natin nawaldas, mag-aatubili kaming mga senador at pati mga congressmen paano yan? Parang Catch 22 tayo nito. Di natin suportahan, magsa-suffer naman kababayan natin.”

“Talagang dapat may drastic na remedial measures eh. Bukod sa structural, kasi systemic ang hinaharap na corruption dito. Pero hanggang walang nakikita ang nasa loob na makukulong, talagang hindi madadala. Kaya nilang lusutan eh. Sa WellMed hanggang ngayon pending pa, nasa Ombudsman pa rin. Di ba dapat after 1 year dapat nasa Sandiganbayan na sana o may resolution na ang kaso? Systemic din ang mga, of course may due process na sinusunod.”

Core Group Behind Entrenched Corruption in PhilHealth:

Isa lang ang pwedeng logical conclusion pagka ganoon. Systemic at may core group na maski magpalit ng liderato, nariyan ang core group na mangangasiwa at nakakaalam ng corruption. Ang masama kung papasok na bagong president at bagong appoint na board members, kung ma co-opt sila ng sindikato sa loob, walang pagbabago. Mabuti na lamang sa situation ngayon si BM Cabading umalma. At si Atty Keith, job order ng anti-fraud, pati si Col Laborte, HEA, ito mga di makatiis nagsalita, di na raw nila masikmura kaya sila lumabas.”

“Sa mga pumasok na dokumento, pati testimony at pati sagot ng naimbitahan naming resource persons, makikita natin talagang malaking problema at malaganap ang corruption sa PhilHealth. Ang masama pa rito sa gitna pa ng pandemya e di talaga natigil, unabated ang corruption. Parang hindi pinatawad ang health crisis na nangyayari sa ating bansa.”

Yung overpricing isang issue. 3 major issues eh. Yan nga sa IRM at ang pagmamasahe ng financial statement, pinapalabas malusog pa ang financial statement dahil ang mga prior year adjustment. Ang kanilang income or equity dinadagdagan at pina-pad at ang benefits claims na dapat ibayad sa ospital wini-withhold para sa ganoon hindi ma-record.”

“Naimbestigahan namin noong isang taon (ang Case Rate Policy), at noong isang taon, August din nang inimbestigahan namin na tinatawag. Yung WellMed na napakalaking controversy dahil lumalabas na patay na ang nagpapa-dialysis na pasyente, sinisingil pa ng HCIs. So nasa Ombudsman yan, isang taon na nakakaraan. Ang mga nasangkot na taga-PhilHealth, na-promote pa sila.”

Ang (former) president si Roy Ferrer pinatanggal ni PRRD, buong board pina-resign niya. Tapos naroon naman nasa DOH ngayon. May pakialam pa rin sa PhilHealth yan dahil ang ex-officio chairman diyan DOH secretary.”

Napakalaki (ang nawawala sa PhilHealth). Sabi ng PACC estimate mula 2013, P153-154B, mantakin mo.”

Parang (ang laro ng sindikato), sinong maunang mapagod, parang ganoon. E sila, sige mag-imbestiga kayo ng mag-imbestiga makakalimutan yan after 1 month. Kami tuloy lang kami siguro mag-lie low lang kami 2 buwan. Pag nakalimutan ng tao, eto na naman kami.”

Lame Excuses:

“Ito lumalabas sa ating investigation ang saklaw lang dapat ng IRM na pinaiiral nila mula pa noong panahon ni Alex Padilla, sa fortuitous events. Kumbaga Acts of God mga kalamidad at man-made tulad ng Marawi at Ondoy. Pero pinalawak nila, in-include nila ang COVID. Okay dahil alam natin malaking problema yang COVID-19. Pero in-stretch nila papuntang COVID-19 pero hindi nagkasya roon. Bagkus sinama pa ang di COVID-related cases. Tulad ng pag-release ng P226M sa mga dialysis centers at another P45M sa maternity care providers. Malayong malayo na, hindi na related.”

“At napaka-lame ng excuse ang PhilHealth daw hindi lang COVID dapat tugunan kundi pati ibang diseases at health cases. Naroon na tayo pero pinaguusapan natin dito IRM, hindi ibang mandato ng PhilHealth. Dapat meron silang ibang mechanism at meron silang ibang mechanism para tugunan ang dialysis, issue ng maternity care, iba yan pero huwag ihalo rito dahil mas maraming nangangailangan para sa mga COVID-related cases.”

Some Doctors and Hospitals in Connivance with PhilHealth Mafia?

Pero hindi rin naman makakuntsaba ang ospital kung walang pinaghuhugutan ng lakas ng loob sa loob ng PhilHealth. So ang dapat linisin ang PhilHealth kasi ang ospital maghihintay lang yan. Of course some of them in the past sa investigation na nangyari talagang may kuntsabahan ang ilang HCIs, hindi lang hospitals kundi dialysis centers.”

*****

One thought on “#PINGterview: Ordinaryong Pilipino, Baka Mawalan ng Gana Magbayad sa PhilHealth?”

  1. Kaua Sir tumakbo kayong Pangulo. Kailangan namin ang isang lider na totoo. Ayaw na namin sa isang pinuno na magaling lang mangako
    na aaksiyon pag nakaamoy siya ng katiwaliaan pero pag kaalyado na ang nasasangkot sa amomalya kahit pa may probable cause na ay ayaw ng kumibo. We have enough. Starting from the 6.4 billion drug incident in BOC, anomaly in the Bureau of Correction, DOH purchase of test kits and now billion of pesos stolen by thieves in Philhealth .

Comments are closed.