Ping: ‘Nakahiligang’ Pangungutang ng Gobyerno, Saan Napupunta ang Pondo?

Utang dito, utang doon, pero ano ang kinahinatnan ng perang inutang?

Ito ang tanong ni Senador Panfilo Lacson kasabay ng pagsasabing maaaring kailangang manghiram ang pamahalaan para manatiling nakatayo ang ekonomiya ng bansa, pero dapat na nakikita ang kaakibat na resulta ng sangkaterbang salapi na inuutang.

Ang mga serye ng pangungutang ng pamahalaan ay lalong natambad kay Lacson nang una siya naging senador noong 2001.

“When I first became a senator in 2001, our national government’s outstanding debt was P2.88 trillion. Over the Arroyo, Aquino and Duterte administrations, it has ballooned to P10.027 trillion as of October this year, from P8.2 trillion at end-2019,” banggit ng mambabatas sa panayam ng Radyo 5.

Related: Sad Reality: Lacson Scores Government Penchant for Borrowing

Kaya nadidismaya ang mambabatas sa binanggit ng tagapagsalita ng Malakanyang tungkol sa gastusin sa bakuna laban sa COVID-19.

“Thus it is hard to accept the Palace spokesperson’s statement that we will look for funds to acquire vaccines,” dagdag ni Lacson.

Sa nakalipas na siyam hanggang sampung buwan ng Duterte administration, sumirit ang pagkakautang ng gobyerno, kung saan sa pinakahuling tala ay nadagdagan ng P1.8 trilyon.

Binanggit pa ng mambabatas na bagama’t ang utang ng Estados Unidos ay umabot na sa $27 trilyon, nakikita naman ng publiko kung saan napupunta ang pondong hiniram ng kanilang gobyerno.

“In our case, we have expressways and skyways but they are provided and maintained by the private sector. Tayo, utang ng utang, toll naman ng toll,” nalulungkot at nababahalang banggit ni Lacson.

*****

One thought on “Ping: ‘Nakahiligang’ Pangungutang ng Gobyerno, Saan Napupunta ang Pondo?”

Comments are closed.