#PINGterview: Balitaan at Kumustahan

In an interview on Politiko, Sen. Lacson answered questions on:
* Possible veto of questionable items in 2021 budget
* Efforts to procure COVID vaccines
* Calls for reimposition of death penalty
* Hope for the New Year

MORE DETAILS:

* 2021 BUDGET:

Possible Veto of Questionable Items in 2021 Budget:

I just hope pagdating sa Dec 28 makikita na ma-veto ang ilang questionable na appropriations hindi lang sa DPWH kundi pati sa ibang ahensya. But mostly DPWH kasi doon lumobo umabot ng P694B ang pinasa ng Kongreso.”

Kung hindi na-veto sa 1 taon papalo na naman ang napakalaking unutilized sa budget… kakulangan ng participation ng DPWH sa pagpaplano ng proyekto kasi ito siningit ng legislators. Ang average unused appropriation ng DPWH since 2011, annual unused appro, P82B, halos P83B. Ito ang halaga on the average na di nagagamit kasi hindi sila kasali sa pagpaplano ng proyekto. At may proyektong nasimulan at hindi natapos kasi hindi kasama sa planning.”

***

* COVID VACCINES:

Sec. Duque’s Dropping the Ball:

“He dropped the ball and then he picked up a stick tapos nagsusukat ng distansya. Ano yan? Ang importante vaccine, di ang stick na pangsukat. At trabaho ng pulis yan. Trabaho ng law enforcement ang magsukat at ang mag-violate pwede pagsabihan at arestuhin. Hindi trabaho ng SOH kukuha ng patpat para sukatin ang distansya ng tao.”

***

* DEATH PENALTY:

Author ako ng isa sa mga bill sa reimposition ng death penalty. Ang experience ko noon, si Leo Echegaray ang unang nahatulan sa lethal injection. Ang nangyari, televised ang lethal injection. Pagkatapos ng lethal injection na sinagawa kay Echegaray dumagsa ang nag-complain sa presinto ng rape… Dumami nag-report kasi mga report na natanggap ng presinto, 5-8 years before execution. Na-encourage sila mag-report. Ito ang isang example ng napatan ng hustisya ang pag-rape.”

Sa tingin ko naging deterrent ito o encouragement sa biktima ng krimen. Ako isa sa authors ng bills… Ang version na file ko lahat heinous crimes pati plunder, sinama ko. Kasi deterrent ang habol natin. Sa atin importante ma-deter ang commission ng krimen. Kasi wala tayong nakikitang namamatay sa plunder pero alam ko maraming namamatay sa gutom.”

***

* HOPE FOR NEW YEAR:

“Ang panahon ngayon pandemya, aside from many other problems besetting our country, sana bigyan ng priority ang dapat bigyan ng priority. Ang wish ko sa holiday season, sana makatawid tayo rito at sana maging normal ang buhay natin. Huwag ang new normal na may pandemic kundi normal in the normal sense of the word. I just hope makatawid di lang bansa natin kasi apektado tayo buong mundo ito. Makatawid man bansa natin at ibang bansa may ganyan, ganoon din ang buhay natin. I just hope matawid natin lahat ito.”

***

* BEHIND THE CAMERA:

Napakasimple, simpleng tao lang. walang maraming requirement sa buhay. Gusto ko lang maayos ang aking paglilingkod. Wala itong bola. Ito unang lalabas sa bibig ko pag tinanong mo ako. Di ako kumplikado, talagang simple. Ang nakakakilala sa akin sasabihin sa iyo yan si Ping Lacson sa likod ng camera.”

Pag may nabalitaan ako in dire need of help di ako para lapitan pa, pinapahanap ko talaga. Turnoff sa akin ang inoobliga ka na, short of saying inuuto ka, parinig. Kilala ako ng staff ko, maski ng kakilala mo. Kung nakabalita ako at nangnagailangan maysakit at di kumikibo pinapahanap ko.”

*****