Ping: Frontliners, Naghihintay Kung Kailan at Paano Mababakunahan

Image Courtesy: Bloomberg

Dapat na alam ng mga frontliner ang detalye ng vaccination plan ng pamahalaan – kung talagang may ganoong plano.

Ipinunto ni Senador Panfilo Lacson na isa ito sa pagtutuunan niya ng pansin sa pagdinig na isasagawa ng Senado sa pamamagitan ng Committee of the Whole sa Lunes.

Ayon sa mambabatas, mga frontliners ang nasa bungad ng panganib sa pagharap ng Pilipinas sa pandemya ng COVID-19 kung kaya’t tama lamang na maimpormahan ang mga ito sa mga galaw ng pamahalaan tungkol sa bakuna.

“The frontliners deserve to know because they are the ones who go to the morgues, they are the ones who attend to COVID patients. They deserve to know if they would be prioritized in the vaccination program. There is no reason for the officials concerned to ask for an executive session on this because there is nothing confidential or classified about it. Wala namang kalaban dito; ang kalaban natin dito, sakit. Hindi naman yan sasagot,” banggit ni Lacson sa panayam sa DZBB.

Related: Lacson: Frontliners Deserve to Know Details of Overall Vaccination Plan

Ayon pa kay Lacson, naghihintay ang frontliners kung kailan at paano sila mababakunahan.

“Do we have a clear vaccination plan? Based on our conversations with doctors and frontliners, it appears we don’t. But frontliners are waiting to know when they would be prioritized in the vaccination program,” tanong ng mambabatas sa panayam sa kanya.

Uungkatin din ng mambabatas ang dalawang beses o mahigit pang pagkakawala ng oportunidad ng bansa para sa prayoridad ng suplay ng bakuna, una mula sa US-based Pfizer at pangalawa sa China-based na Sinopharm.

Sa mga impormasyong naglalabasan, kawalang-aksiyon sa bahagi ng kalihim ng Department of Health (DOH) ang nakikitang dahilan kung bakit nabigo ang bansa na mapabilang sa unang marereserbahan ng bakuna ng mga nabanggit na kumpanya.

Sa bahagi ng Sinopharm, nag-alok pa umano ang kumpanya ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pharmaceutical firms para sa pagsasagawa ng clinical trials at technology transfer para dito na lumikha ng bakuna pero walang nangyari.

Mukhang hindi natugunan yan kaya di natuloy yan,” banggit ni Lacson.

Ang pagkakatenggang ito ay nagbunga umano ng espekulasyon na maaring may ilang taga-gobyerno na β€œnaghihintay” sa kalabang kumpanya na Sinovac.

“Why did we miss at least two opportunities to procure vaccines? We had set aside more than P70 billion for vaccines for 2021, and we have entered into loans for the purpose, so the money is available. The problem is that someone dropped the ball on the paperwork. Now, even Bangladesh is ahead of us as far as getting vaccines is concerned,” banggit ng mambabatas.

“At least 25 Filipinos die and 1,300 are infected by COVID every day. There should be a sense of urgency. But why are we not seeing it?” ayon pa kay Lacson.

Pahabol pa ng mambabatas, maari din umanong matalakay sa pagdinig ang pagbabakuna sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) pero ang talagang dapat na pagtuunan ay kung kailan darating ang bakuna para sa mga Pinoy.

*****

One thought on “Ping: Frontliners, Naghihintay Kung Kailan at Paano Mababakunahan”

Comments are closed.