Ping: Pagpapawalambisa sa UP-DND Accord, Puwede Ipagpaliban

May mga pangyayari na puwedeng pagbatayan para ipagpaliban muna ang pagpapawalambisa sa 1989 UP-DND Accord.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang listahan ng mga estudyante ng University of the Philippines na diumano’y naging miyembro ng New People‚Äôs Army (NPA) at napatay sa pakikipagsagupaan sa militar ay isa sa mga pangyayaring dapat na tingnan.

“I think it is prudent now for Secretary Delfin Lorenzana to at least suspend the termination of the UP-DND accord and hold a dialogue as he already mentioned he would do,” paliwanag ni Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, sa panayam ng CNN Philippines.

Ayon sa mambabatas, lumalabas na base sa maling impormasyon ang naging basehan ng DND para i-terminate ang kasunduan, dahil ang mga nasa listahan nila na diumano’y nahuli o napatay ay buhay at malaya pa pala.

“They based their decision to terminate the UP-DND accord, signed way back, on what appears now to be false information. They included personalities that they said were captured or killed in action by the military, but turned out to be alive and not captured at all,” banggit ni Lacson.

Related: Lacson: Prudent to Suspend UP-DND Accord Termination

Sa panig naman ni Lorenzana, binanggit ni Lacson na ang paghingi nito ng paumanhin ay dapat bigyan din ng kredito.

“It takes a lot of humility particularly for Sec. Lorenzana to publicly apologize for the AFP’s blunder,” ayon pa kay Lacson.

Paliwanag ng senador, sa militar, kadalasang ang ang tagumpay o kabiguan ng implmentasyon ng plano ay nakadepende sa desisyon na hinantungan na dapat ay batay sa mga beripikado at detalyadong impormasyon.

“At the very least, the one responsible for submitting that kind of information and the one who made the announcement should be sanctioned. They should be made to explain and they should really be sanctioned by the AFP leadership if not the DND – not only for putting the defense establishment in an awkward and embarrassing position but more so, the possible dire consequences that could occur because of such irresponsible and imprudent act,” banggit ni Lacson.

Isiniwalat din ng mambabatas na dahil sa naturang pangyayari, muli nilang babalikan ang mga nakuhang detalye sa ginawang imbestigayon ng kanyang komite sa red-tagging noong nakaraang taon.

“We will have to ask the military to submit additional documents to validate reports on the personalities which they claimed during the committee hearings we conducted were killed, and if they were actually students of the universities mentioned by Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. and the other witnesses presented by the AFP,” ayon sa mambabatas.

“Naiba ang complexion based on these recent developments. Without these new developments, the committee would have relied on the testimonies and presentations made by the AFP which were not specifically rebutted by the other resource persons,” dagdag pa ni Lacson.

May mga nakikita ding batayan si Lacson para ikonsidera para i-criminalize ang red-tagging.

“Possible consequences could have been disastrous on the part of these people and even the military for that matter, since the troops on the ground could rely solely on the decision being made in headquarters based on false intelligence information,” pahabol ng mambabatas.

*****

One thought on “Ping: Pagpapawalambisa sa UP-DND Accord, Puwede Ipagpaliban”

Comments are closed.