Ping: Anong Klaseng Kaibigan ang China?

Image: CTTO

Ito ang nagtatakang tanong ni Senador Panfilo Lacson bunga ng patuloy na pangangamkam sa sakop ng teritoryo ng Pilipinas, pang-aagrabyado at pagkibit-balikat ng China sa mga protestang inihahain ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa mga ginagawa nito sa West Philippine Sea (WPS).

Bunga ng mga naturang pangyayari, iminungkahi ni Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense, na muling pasadahan ang mga nilalaman ng diplomatic ties ng dalawang bansa.

Sa kanyang Twitter post, nanawagan din ang mambabatas sa mga kasamahang senador na suportahan si DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pagpalag nito sa isa sa pinakahuling ginawa ng China sa mga Pinoy na nasa WPS.

“Maybe a review of the country’s diplomatic relations is timely and called for. All the diplomatic protests that the Secretary of Foreign Affairs filed have been ignored as if nothing was filed at all. The continued incursions and bullying finally got his goat. The Senate must support him in this regard,” banggit ni Lacson.

Related: Lacson Pushes Review of PH-China Diplomatic Ties

Sa naunang tweet ay maanghang na salita ang ginamit ni Locsin dahil sa inis ang puwersang Tsino na nasa WPS kasabay ng pagsasabing umalis na ang mga ito sa lugar.

Sa Senado, isiniwalat din ni Lacson na “virtually accepted” ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang dalawa niyang amendments sa resolusyong inihain para sa pagpalag ng Mataas na Kapulungan sa ginagawa ng China.

Ang mga amendments ni Lacson na tinanggap ni Drilon ay ang pagpapalit ng mga salitang “strongly objecting” na unang nakasulat bilang “condemning” sa resolusyon.

“To condemn means some sort of eternal divine punishment. Hence, no matter how unlikely, in case China eases up on its aggressive stance, our condemnation cannot be taken back,” paliwanag ni Lacson.

Ang pangalawang amendment ay pangungusap na “urge the Department of Foreign Affairs to consider a review of the long existing diplomatic relations between the Philippines and China in order to send a clear message that the incursions into our Exclusive Economic Zone (EEZ) in utter disregard of the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and the rule of law is totally unacceptable.”

Muli ring binigyang-diin ni Lacson na hindi dapat iugnay ang nangyayari sa WPS sa usapin ng mga bakunang donasyon ng China sa bansa. “We should have a united stand on the West Philippine Sea, and this should not be connected to any other issue except sovereignty and territorial integrity,” paalala ni Lacson.

Sa mungkahing muling pasadahan ang Philippine-China diplomatic ties, idiniin ni Lacson na dapat ay maging “innovative and creative” ang Pilipinas sa pag-aaral dahil hindi na epektibo ang diplomatic protests. “There are so many possibilities to explore,” banggit ni Lacson.

Kasabay nito ay dapat din umanong kumilos na ang Pilipinas para sa pagpapalakas ng alyansa sa mga bansang may malalakas na kakayahang pangmilitar gaya ng Estados Unidos, Australia, Japan at mga kasapi ng European Union para sa pagmantini ng balance of power sa WPS.

Tatlong insidente na ng pangangamkam ng China sa loob ng Philippine EEZ ang naitatala ng mambabatas, na kinabibilangan ang Mischief Reef, Scarborough Shoal, at ang huli ay ang Julian Felipe Reef.

*****

One thought on “Ping: Anong Klaseng Kaibigan ang China?”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.