PING LACSON's SPEECH at the Lacson-Sotto Miting de Avance

Presidential Elections
cavite

May 6, 2022 - Magandang, magandang gabi sa ating mga pinakamamahal na aking kalalawigan sa lalawigan ng Cavite. Mabuhay ang Cavite!


Bago ang lahat, ay nais ko munang bigyang pugay at pasalamatan ang isang Kabitenyo na talagang isang tapat sa pakikisama at lapat makipagkaibigan. Siya po ang isang tunay na kaibigan na maski talikuran kami ng lahat nariyan pa rin siya sa ating tabi. Ang aking tinutukoy walang iba kundi si Rep. Roy Loyola. Mabuhay si Cong Loyola!


Nais ko ring batiin at pasalamatan ang ating Lacson Sotto Support Group aka BRAVE Movers. Ang ating Pure Love na narito rin sa ating paligid, at ang mga nanonood ngayon sa kanilang mga tahanan at FB Live. Magandang magandang gabi po sa inyong lahat.


89 na araw na ang nakalilipas, kami ay naglunsad ng aming kampanya dito mismo sa ating mahal na lalawigan ng Cavite. At dito rin po kami magtatapos ng aming kampanya. Napakarami na naming pinuntahang lugar: Luzon, Visayas, Mindanao, nguni’t babalik at babalik po ako sa ating lalawigang Cavite.


Hindi ko po kayo nakalimutan. Ikukwento ko lang. Hindi ako mahilig magkwento ng aking nagawa. Noong kaigtingan, kasagsagan ng pandemya, nag-lockdown may isang negosyante may isang malaking korporasyon na lumapit kay SP Sotto at ang Cavite ang ating health workers ang nagtatrabaho sa hospital at nag-aalaga sa pasyenteng na nag-positive sa Covid 1 linggo sila tumanggap ng food packs. Hindi sila kailangang lumabas ng bahay, dinadalhan sila sa ospital sa buong lalawigan ng Cavite sa bayan-bayan.


Pangalawa, nang makalipas ang ilang buwan at lumala na naman ang Covid nagkaroon ng panibagong surge again naalala ako ni SP Sotto. Partner, gusto uli tumulong ng ating kaibigan. Mamili raw tayo ng lugar ng bayan o lalawigan kung saan pwede ipadala ang tulong. Again naisip ko Cavite. Ang pinadala po kasi marami noon nangangailangan ng ventilator. Ang aking pinagbilin bumili ng high flow nasal cannula. Yan ang para makahinga nang maluwag ang pasyente at yan pinadala uli sa ating lalawigan sa Cavite.


Ito po si Sen Pres Tito Sotto, matagal na kami magkasama. 18 years ako sa Senado siya 24 years. At sa tagal ng aming pagsasama nalaman ko kung anong klaseng tao si SP Sotto. Napakainam pong kasama. Napakaraming temptation. Maraming kumakausap sa kanya. Iwanan mo na si Ping gusto ka namin ampunin, sabi niya hindi. Hinding hindi ko iiwanan si Ping Lacson dahil nagsimula kaming lunahok sa laban na ito at matatapos kaming 2 na magkasama. Maraming salamat partner sa iyong pagkakaibigan.


Ang ating lalawigan ay napakamakasaysayan. Ito ay hitik na hitik sa kasaysayan, ito ay tahanan ng mga bayani, tahanan ng rebolusyonaryo na handang sumalungat sa agos ng mga lumang pulitika, lumang patakaran sa buhay. At ganoon sa darating na Lunes May 9 ako ay nag-aanyaya sa lahat ng ating taga-lalawigan sa lahat na ating mga naririto na galing pa sa malayong lugar, Rizal, Laguna, Tarlac, Bulacan, NCR, narito po at nagtitipon-tipon.


Nananawagan ako sa inyo. Inaanyayahan ko kayo na maglunsad tayo ng isang rebolusyon. Hindi po rebolusyon na tulad ng pinaglaban ng ating mga ninuno ng ating mga bayani. Ito po ay isang tahimik na rebolusyon kung saan ang ating gamit ay ang ating mga panulat upang i-shade sa balota ang mga pangalan ng mga dapat at karapat-dapat na mamuno sa ating bansa.


Huwag po natin kalimutan, 5-9, May 9, 5 Ping Lacson, 9 Tito Sotto. Of course ang aming mga kasama. Huwag natin kakalimutan ang aming kasama na sa loob ng napakahabang panahon sa kampanyang ito lagi naming kasama, hindi tumitiwalag.


Minguita Padilla. Dra Padilla na nakaharap nyo kanina at kinusap din kayo.


Gen Guillermo Guillor Eleazar na dati ring CPNP, siga sa Senado at sana bigyan natin ng pagkakataon dahil ako ay aalis sa Senado, siya sana ang papalit sa akin para bumangga sa nag-aabuso sa Kongreso at iba pang mga sangay ng pamahalaan.


Of course ang aking isang inidolo sa maikling panahon naming pagsasama. Itong tao ito di kami matagal magkasama. Katunayan nagkasama lang kami sa kampanya. Pero tuwing siya ay magsasalita ako po ay laging nakikinig. Ang dami kong natutunan sa kanya, ang tawag ko sa kanya walking encyclopedia pagdating sa agrikultura: Sec Manny Piñol.


Ikukuwento ko bakit ko hinahangaan ang taong ito. Siya ay dating secretary ng DA. Napagbintangan siya ikinwestyon siya sa kanyang isang transaction sa gobyerno. Hindi siya nagatubili sabi niya in-assault nyo ang aking integridad pumunta siya sa PACC sa AMLC at siya nagboluntaryo buong lakas loob na nagsabi magpapasailalim ako sa isang lifestyle check para malaman kung ako ba ay may kasalanan o wala. The only Cabinet secretary who did that. Katunayan may kumausap sa kanya dini-discourage siya wag mo gawin yan at baka maging trend, pati kami ma-subject sa lifestyle check. Ang sagot niya, pinagbintangan nyo kasi ako, kailangan itayo ko ang aking dignidad, kailangang protektahan ko ang aking integridad. At siya sumailalim, 7 months exhaustive extensive. Walang nakitang maski ano. Yan po si sec Manny Pinol.


Of course huwag natin kalimutan JV Ejercito. The better one. Hindi po the good one. Ang tawag ko sa kanya, the better one, the more competent one, always the better one. Wala akong binabanggit kung sino basta’t better one si JV.


At panghuli at hindi ito pinakahuli, ang aking mistah ang aking classmate sa PMA, Sen Gringo Honasan, isang EDSA authentic hero. Siya po ang naglunsad ng EDSA Revolution noong Feb 1986. Mistah, good luck and sana ipagpatuloy mo ang ating trabaho sa Senado dahil wala na kami roon ang iyong ka-macho bloc. Kaming tatlo, SP Sotto ang inyong abang lingkod at Sen Gringo kami ang tinaguriang macho bloc sa Senado. Macho bloc kasi kaming 3 mga masunurin  kami sa aming mga asawa, mga macho.


Uulitin ko, nananawagan po ako. Sa May 9 sa Lunes kapag tayo ay naglakad papunta sa ating mga polling precincts at tayo ay nagsimulang pumili ng ating mga kandidato, huwag na huwag po tayong magkamali. Ang nakasalalay po rito ay buhay ng ating mga anak at magiging anak ng ating mga anak, ang susunod na henerasyon ng Pilipino. Sa kanila po natin ialay ang ating boto.


Kapag tayo po ay nagkamali at ang ating naiboto ay isang magnanakaw, 6 taon tayong pagnanakawan. Kapag tayo ay nagkamali at ang ating ibinoto ay manloloko, mapaglinlang mapagkunwari, 6 taon tayong lolokohin. Huwag natin payagan na ang ating kabataan ang susunod na henerasyon ay mawalan ng pag-asa sa ating bayan.


May pag-asa ang Pilipinas. May pag-asa ang Cavite. May pag-asa ang Carmona. May pag-asa ang bawa’t sulok sa ating bansa basta pumili tayo ng tama.


Again maraming maraming salamat sa ating mga kababayan, sa aking mga kalalawigan, sa lalawigan ng Cavite. Maraming salamat po at magandang magandang gabi sa ating lahat.


*****

pinglacson.net uses cookies to give you a better navigation experience on our site. As soon as you continue the tour, we assume you accept the cookies policy. Learn more about the cookie policy we use here.