#PINGterview: Mahiwagang ‘Addendum’ ng DPWH sa 2021 Budget

September 26, 2020 - Sen. Lacson answers questions in DWIZ interview.

2021 BUDGET: Budget Approved before Yearend?

“Yan malamang ma-approve na yan. Kasi we cannot afford a reenacted budget lalo sa ganitong panahon. Although maraming mga issues na napagusapan na rin natin tungkol sa budget, pero I think by and large ay maiayos naman ang budget.”

DPWH Addendum Issue:

Ang madugo sa diyan sa bicam kasi narinig ko sabi ng HOR appropriations committee, Rep Yap, wala silang ginalaw sa NEP. Pero ang NEP naroon na ang lahat na siningit nila eh. Kasi ginawa ng DPWH, dinala sa addendum. Sinasabi nila di ba point out ko noong una pa, ang mga lump sums, ngayon nag-submit sila I think this was Sept 7, kasi ipinasa ang NEP Aug 25, sinubmit sa Kongreso. Sept 7 napagusapan natin even before that time na may kinukwestyon tayong lump sum at reappropriation. As an afterthought I suppose afterthought ito, nag-submit sila, ang tawag nila addendum. Pero teka muna. Ang NEP dapat naroon na ang mga items, di pupuwede ang NEP lump sum tapos ihahabol mo ang listahan mo. Ang nangyari sa listahan, dahil nag-DBCC kami Sept 9. So Sept 7 pero hindi alam ng LBRMO namin yan, nakita lang nila yan, Sept 14 ang list na ginawa ng DPWH.”

May listahan kami ng lump sums. Preventive maintenance, tertiary roads, secondary roads. Kung anu-ano yan. Pinapatingnan ko na ngayon ang addendum, may listahan na rin kami, may nagpadala sa amin. Tatama ba doon sa mga lump sum? Kasi kung hindi nakatama roon hindi addendum yan. Separate list yan at ang puna ko roon hindi pupwede mag-participate ang executive department lalo na ang isang ahensya like DPWH sa lawmaking. Kasi ang pagsasaayos ng lump sums, P396B yan, dapat ang mag-realign noon, Kongreso, HOR at Senado.”

Ang nangyari nito, ang nag-realign na roon, ang tawag nilang addendum at nagpalabas sila ng listahan at nag-realign, DPWH. E hindi pupuwede yan. Wala silang lawmaking power. Ang lawmaking nasa Kongreso. So kung sinunod ng HOR yan, may problema tayo lalo pa nga kung hindi tutugma sa lump sum na nakalista kasi may listahan ako ng lump sum eh. Di nila kami maloloko roon kasi pag sinabi mong ito ang item na naka-lump sum, tutugma ba ang listahan nila? Halimbawa kung ilang libong items yan, lahat ba yan tatama sa nakalista sa lump sum para sabihin nilang addendum o kaya hinimay nila ang lump sum, in-itemize?”

Ang listahan may nagpadala sa amin maski noon pang hindi pa naipapasa ng Kongreso. Taga-HOR din nagpadala sa akin. Pinauna na noon pa. Ngayon pinapaaral ko. I’ll give credit to my staff. Masisipag talaga at matitiyaga at pag sinabi kong ganito ang gawin, gagawin nila maski hindi sila matulog. Ako nadadamay sa puyat nila kasi pag-submit sa akin, pag-aaralan ko rin. So as we speak, pinagaaralan nila. Sabi ko nga, tingnan nyo mabuti, tugma ba lahat ang listahan na yan sa listahan ng lump sum? Kung malayong malayo, hindi addendum yan. Alam mo na gusto ko sabihin. Kung alien na alien, kasi iilan lang listahan ng lump sum, malaki ang amount pero iilan lang yan. May slide akong pinakita riyan kung ano ang lump sums. Kung hindi tumugma ang listahan na binigay ng DPWH, malaki ang problema nila.”

Problem of DPWH and House:

“Hindi namin makukuwestyon ang HOR dahil ngayon naroon pa sila, finile pa lang ng committee on appropriations ang HOR version ng budget, GAB1. Pagdedebatehan nila. Pag ito approved ito sa plenaryo ang tawag namin dito GAB2, ito ang HOR version na ipapadala sa Senate na aming i-scrutinize. Ikukumpara namin sa NEP kung tugma ba o hindi. Yan ang intricacies ng budget deliberation.”

Senate Action if Addendum does not Match Lump Sums:

Tatanggalin namin kasi illegal yan. Hindi tama yan. Pag sinabi mong lump sum pag sinabing hinimay, yan ang mother item, di ba? Hihimayin mo yan, lalabas ngayon ang anak at apo niya. Kung halimbawa ang lumabas doon hindi naman mukhang Pilipino, mukhang taga-Mars? Anong tawag mo roon, e di alien yan. Paano namin papayagan yan? Pwede na nga namin stretch ang aming understanding na kinapos kayo sa oras kaya lump sum nyo muna, nagpadala kayo ng addendum. Pero kung mukhang Martian ang marami roon sa sinasabing hinimay na lump sum, hindi kami papayag.”

Possibility that DPWH and Congressmen ‘Discussed’ Details in Addendum:

Maliwanag naman yan. In-adopt nila ang NEP. E bakit di nila i-adopt, kanila na nga yan eh. Kaya di ba may alingasngas na lumabas sila-sila nag-aaway bakit hindi pare-pareho ang pork?”

* OMBUDSMAN’s POLICIES: Ombudsman Martires Stopping of Lifestyle Checks and Limiting Access to SALNs, Supposedly Due to ‘Extortion’:

How I wish in-expound niya pa kung saan siya nanggagaling. Kasi pwede lang natin speculate o isipin meron siyang information na natanggap na nangyari talaga yan kaya siya nag-decide ng ganyan. Sana nag-cite siya ng mga specific information o kaya mga incident na talagang nangyari yan para mas maunawaan ng tao kung ano pinanggagalingan niya. Pero kung wala siyang sina-cite at haka-haka lang, iba rin yan. Ako I’d like to believe na may nag-report sa kanya na hindi lang 1-2 kundi ilang cases din na nangyayari ang sinasabi niyang nagbungsod sa kanya para mag-decide ng ganoon.”

Value of Lifestyle Checks, SALN in Previous Investigations:

Tulong yan pagdagdag para sa information na pwede makalap. Kung matatandaan mo, I hate to mention this kasi tapos na at namatay na ang tao, ito rin ang natalakay sa impeachment trial ni dating CJ Corona. Lumabas ang SALN, pagkatapos ang properties at lahat. Ayoko sana ungkatin pero for lack of a better example na pwede natin pagusapan, yan ang pwede nating masasabi na nakatulong sa pag-decide ng mga senador, mga impeachment judges, kung papaano sila bumoto.”

Although hindi rin conclusive yan (lifestyle checks). Kung lifestyle ang titingnan, dapat laliman pa rin ang investigation. Siyempre kanya-kanya namang hilig ang tao, at kung halimbawa walang prohibition ang tao sa gobyerno mag-engage in legitimate business, basta walang conflict of interest sa kanyang pinaglilingkuran sa gobyerno. So halimbawa kung mahilig siya sa kotse o ano ang luho sa katawan at di niya ninakaw ang pera kundi galing sa legitimate na negosyo o pwede namana niya at dati namang mayaman ang magulang, hindi talaga outright pwede sabihin just because lifestyle niya medyo magara o maluho, may conclusion agad na ang taong ito corrupt.”

Minsan yan ganoon din kamalian natin, parang ine-equate natin ang honesty sa poverty, at ang pagiging corrupt sa pag nakakariwasa. Para sa akin, medyo parochial ang ganoong kaisipan. Dapat kung iimbestigahan mo ang isang tao, dapat tingnan mo ang ginagawa niya, ano ang mga kamalian niya, kung may ginawa siyang masama na ginamit ang kanyang katungkulan sa pamahalaan. Kung hindi naman, mali rin yan, just because sabi nga ni Ombudsman Martires, nakabili ng BMW, e yan priority niya mahilig sa kotse, sacrifice niya halimbawa umuupa siya sa apartment pero dahil priority niya ang kotse inuna niya ang kotse. Ibig sabihin noon sa lifestyle check bagsak na agad siya?”

Ang masakit nito, di lahat na makakapanood o makakarinig o makakabasa ng unang pag-akusa sa kanya di lahat yan mababasa kung ano ang kanyang explanation at paano siya na-clear. So unfair yan. Halimbawa nabasa ni Pedro, Juan at Maria, at sino pa. Tapos di nila nabasa na napagalaman kung ano ang naging justification. So ang taong yan nasira na kay Pedro, Maria at Juan. Yan ang sinasabi nating unfair. Kung ganoon ang situation.” (30)

pinglacson.net uses cookies to give you a better navigation experience on our site. As soon as you continue the tour, we assume you accept the cookies policy. Learn more about the cookie policy we use here.