#PINGterview: Security Concerns for PhilHealth Mess ‘Witnesses’

In an interview with Senate media, Sen. Lacson answered questions on:

* PhilHealth officials evasive answers at Senate hearing

* Security concerns of prospective witnesses

* Gen. Morales, misled o co-opted?

QUOTES and NOTES:

* FIRST SENATE HEARING ON PHILHEALTH:

Most Surprising Revelations:

“Ang surprising to say the least ang responses, kasi napaka-irresponsive ng mga sagot di lang ni Gen Morales kundi pati ibang resource persons, meaning sa execom. Nang tinanong ang tungkol sa red flag dahil matagal nang nareport sa kanya ng sarili niyang HEA si Col Laborte, it was revealed alam niya na rin pala. Bakit di niya pinatingnan ang particular procurement na na-award na at hindi siya nagpaimbestiga?”

“Tuwing tatanungin sila, they were beating around the bush, hindi diretso ang sagot.”

“For example sa IRM tinanong namin sila bakit ninyo sinali ang dialysis centers na 1 kumpanya in a matter of 1 week April 22 to May 5 released agad on at least 2 occasions. Ang sagot, di lang mandate ng PhilHealth para sa COVID-19. Ang pinaguusapan natin IRM COVID19-dedicated reimbursements. Di nila sinasagot nang diretso. Kung ako magbibigay ng initial kasi di pa concluded ang hearing, initially makikita mo na hindi talaga sila naging forthright sa sagot nila. Paikot-ikot kami.”

“(Paghingi ng executive session) ni Gen Morales nakita na namin parang gusto lang niya kung ano ang character nina Atty Keith at Cabading. Kung yan lang naman ite-take up sa executive session parang hindi tama. Dahil hindi napagbigyan nilabas na rin niya. Pero sa akin ibang issue yan. Kung may iba silang kaso na dapat harapin sa ibang forum yan. Ang purpose malamang I can only guess, to divert the attention of the Senate and even media na ganoon pala ang witnesses. Yan ang character assassination. We’re not looking at that kung ano background ng taong nagbibigay ng testimonya sa Senado. Ang mas tinitingnan namin ang sustansya ng kanyang sinasabi. Ito ba suportado ng dokumento, validated ng ibang sources, di ang nakaraan niya. Kasi para ungkatin niya yan ano motibo niya? Character assassination.”

“Info namin galing kina Atty Keith and Col Laborte, as early as March 13, kino-conceptualize pa lang ang circular ng IRM for COVID-19 agad-agad I think it was a Friday lumipad na kaagad si Limsiaco umuwi ng Region 8. Pagbalik para sabihan ang ospital doon probably Catarman, mag-prepare ng MOA kasi may lalabas na IRM para sa COVID. Ang problema, ang Catarman di lang accredited may pending violations pa. Hindi lang yan. Wala pang COVID patient. How can you justify prioritizing hospitals na wala pang COVID patients as against say OSMA? Kaya ako naging interested kasi may nabasa akong news item may health worker naglalakad sa ward ng OSMA e kaliwa’t kanan COVID patients natatakot sia wala siyang magawa kasi health worker siya kundi magtrabaho. So naisip ko maraming COVID patients. So tinawagan ko taga-City Hall kung pwede pakialaman kung nakasingil na ang OSMA at kung marami bang COVID patients doon. Lumalabas hanggang kagabi di pa nakakasingil. Bakit ganoon? Govt hospital pa yun.”

“Ang nag-prepare ng master list, sila. Anong basis? Hindi nila masagot yan. Ang sabi lang nila noong una hospital pinaguusapan. Eventually napansin ko sabi ni Morales geographical na. Ang area na yan kaya namin prioritize kasi maraming COVID-19 cases sa areas. Tingnan natin. Region 8, at the time, mga March, zero roon. Bakit nabayaran ang Catarman? Lumalabas sabi nga ni Sen Imee, incorporators pala kamaganak ni Limsiaco.”

Violations of the Law:

“Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Medyo malinaw naman yan. Kasi hindi nila nasagot. Kung nasagot nila maayos ang overpricing baka pwede natin sabihing baka mali ang binibigay na information o mali ang kwento. Pero di naman sinagot eh. Halimbawa sinabi natin unutilized ang 24 units, sagot ni Gabuya di raw totoo sinabi ng COA, sino ba paniniwalaan natin, COA o siya? E siya dine-defend niya ang kanilang procurement. Tapos binayaran mo dialysis center na di kasama sa IRM kasi kung babasahin mo IRM napaka-strict.”

“Ang background nito di lang present dispensation. Panahon pa ni Alex Padilla lumabas na unang circular sa IRM. Kada fortuitous event naglalabas ng circular ang PhilHealth. Iba circular para sa Ondoy, Marawi at COVID-19. Pero kung babalikan natin original intent ng IRM para lang sa fortuitous event to rebuild hospitals meaning nasira ng bagyo, o terrorism sa Marawi. Kailangan para matuloy ang operation bigyan ng pera ng PhilHealth para maka-rebuild. Ngayon in-stretch nila ang interpretation sinama ang COVID-19. Okay. Di tayo mag-argue doon maski mali. Pero limit mo sana sa COVID-19. At sa halip na i-limit pati maternity care providers babayaran mo tapos dialysis center, wala nang kinalaman sa COVID.”

PhilHealth Officials’ Tactics:

“At the very least, organized ang syndicate. Ngayon kung ma-validate natin ang pinangalanan, that’s another matter. Siyempre hindi aandar ang ganoong sistema ng corruption kung di alam ng execom. At least ang board nag-resign si Dr. Susie Mercado. Nagsalita si BM Cabading.”

“Sa isang banda naisip din namin ang finance side, kung hindi nagkaroon ng shouting match at hindi kinwestyon ni Cabading wala tayong kamalay-malay lahat kasi hindi magkaroon ng investigation.”

“Pati (Renato) Limsiaco pati ang tinawag na ayuda ni Gabuya di ko maintindihan. Pati si de Jesus, at one point sabi ko di ko maintindihan sagot niya kasi di sinagot ang tanong.”

“Somebody from PhilHealth had informed us at least ako, mag-ingat kayo Sir ang strategy nila pag tinanong nyo pagkahaba-haba ng sagot para mapagod kayo at para umabot sa oras na mag-a-adjourn na kayo. Tapos di yan sasagot nang diretso. Paiikot-ikutin kayo niyan. Gagamitan kayo ng terminologies na pwedeng di nyo maintindihan. Kaya if you noticed yesterday pag medyo mahaba ang kanilang sagot kina-cut namin. We were made aware ng kanilang strategy. And true enough isang strategy nila they would resort to character assassination. And we were prepared for that in the sense hindi namin pinatulan and rightly so because sabi ko nga ibang issue yan. Bakit natin ihahalo sa issue na pinaguusapan sa inquiry na ito kung anong pinagdaanan ng mga nagte-testify against them? So at least mentally prepared kami doon kaya na-address namin kahapon.”

Lifestyle Check on PhilHealth Mafia?

“Trabaho na siguro ng PACC yan. Mabuti si Comm Belgica may pangunang findings na sinubmit sa Pangulo. Now it bears watching anong gagawin ng Presidente. Kasi sarili na niyang agency yan. It’s no longer the Senate kasi kahapon lang kami nagkaroon ng pagdinig although not too long ago at least 14 of us asked Sec Duque to resign. But PRRD repeatedly said may trust siya kay Sec Duque at may trust siya according to Sen Go, quoting the President, may trust si PRRD kay Gen Morales. But the Senate can only do so much.”

“We can conduct hearings, we can let the public know what is transpiring sa loob ng PhilHealth. At gagawa kami ng committee report para sa aming recommendation and legislative work, ano pwede namin maipasok in the form of legislation para ma-prevent itong pagdagusdos ng pondo ng PhilHealth.”

PACC Commissioner Belgica, COA and DICT Representatives Invited to Next Hearing:

“Yes. Gusto namin siya imbitahin although hindi pa manifest. Kasi baka mas malawak ang kanyang nakuhang information. Gumawa siya ng sariling investigation ang PACC. I think I will suggest to the chairman of COW, the SP, to send him an invitation para ma-brief niya rin ang COW kung anong documents or evidence na kanyang hawak na wala sa Senate para maka-contribute siya.”

“I don’t know about the 31 officials pero malinaw doon na may tao who must be held accountable. At the very least imbestigahan at kung may ebidensya, file-an ng kaso sa korte. But as we speak I’d like to believe the Ombudsman nagsasagawa ng fact-finding investigation. Remember protocol ng Ombudsman di sila diretso nagpe-preliminary investigation. Dumadaan muna sila sa fact-finding investigation. At kung may basehan, nakahanap ng sapat na ebidensya, nagsasagawa ng PI. I hope hindi magtagal.”

“Sa ngayon gusto namin makita findings ni Comm Belgica kasi sa tingin ko mas extensive yan. Kung 31 recommend niya makasuhan siguro mas malawak ang kanyang nakita. At saka in the past sila naman pag nagimbestiga kasi nga exe dept meron silang access sa info from other executive offices. Kaya gusto namin makita ang report ng PACC. At saka ang COA gusto marinig. Kung may bagong revealations I am just hoping meron pang may alam, meron pa kaming hindi natanong sa aming but I’d rather keep it until Tuesday. Kasi hawak namin document and we’re just waiting for a response from them which they did at yesterday’s hearing. I want to confront them with that document and the response that we got.”

“May isang hearing pa. Imbitahin namin ang COA and DICT kasi sila nag-approve ng equipment na ipo-procure na hindi sinusunod ng IT sector ng PhilHealth, nag-deviate sila, P734M ang hindi kasama sa DICT approved. So gusto namin malaman kasi IT hingi kami opinion ng DICT kung may mali o walang mali sa ginawa ng PhilHealth.”

* SECURITY CONCERNS:

‘Threat’ to Col. Laborte:

“A few weeks ago nag-signify si Col Laborte nakipag-contact sa office namin gusto mag-audience. So set up ko ang meeting sa amin but last minute nagpasabi siya hindi siya tutuloy kasi under threat siya at magre-resign na lang siya so di natuloy ang aming meeting. This was 2-3 weeks ago.”

“Si Atty Keith and Col Laborte, as of 2 days before hearing kahapon, may paguusap kami na mag-attend sila. But again last minute sabi nila natatakot sila kung pwede mag-Zoom sila. Si Col Laborte nag-login pero subsequently nag–leave ng meeting di nagpasabi after the meeting nagpasabi through a common contact na kung pwede beg off na lang siya. Hindi siya mag-testify for several reasons, among them for physical security.”

“Sinabi niya (Col. Laborte) noon first time nag-attempt siya makipag-audience sa akin na di natuloy may naramdaman siyang may mga sumusunod sa kanya. Yan lang sinabi niya. Alam mo galing din sa military yan, Marine officer yan nag-early retirement kasi nag-aral sa AIM at Ateneo. Kaya nang naghahanap si Morales ng makakasama makakatulong sa MWSS, he was first appointed sa MWSS bago naging PhilHealth, nag-apply raw siya.”

“Tinanong ko siya dati na ba kayo magkasama? Sabi nya nag-apply ako and kinuha ako. Siguro kasi kapwa PMAer at kinuha siya. He was doing his job until nagkaroon siya kaunting doubts, dahil nga may instance na naroon silang 2 ni Atty Keith nag-uusap si Limsiaco at Gen Morales. Parang nagbibiruan sila na wala nang pondo, paubos na pondo ng PhilHealth pero kanilang impression, both of them, di pondo ng PhilHealth ang pinaguusapan. Kasi kung dapat seryoso ang usapan at gloomy ang atmosphere kung pondo ng PhilHealth ang pinaguusapan. Parang context ng usapan na narinig nila mawawalan ng kita kasi paubos na pondo ng PhilHealth. Clarify ko anong context ng sinabi at bakit nagtatawanan? E nagtatawanan ang dalaw parang ang biro nila paano yan di na tayo kikita niyan? Parang ganoon. But I am not saying yan ang conclusion. Nang tinanong ko, yan ang impression ng dalawa, Laborte and Keith. Laborite was more conservative. Sabi niya di ako maka-conclude ng ganoon. But si Atty Keith very candidly sabi niya ganoon talaga Sir yan, bakit sila magtatawanan paguusapan nila ang masamang financial situation ng PhilHealth.”

“Sabi niya meron siyang naramdaman sumusunod sa kanya. And anyway nag-resign na rin siya so he wanted to leave it at that but ito before the hearing nariyan siya uli, sabi niya he’s willing. Nag-join siya sa aming Zoom meeting, virtual meeting along with Atty Keith and BM Cabading. Disappointing na bigla siyang logout, nakalogin siya una, pero biglang hinahanap namin wala na, leave na, hindi na nakatapos.”

“Hindi niya (Laborte) sinabi sa akin (ang dahilan); malaking kawalan yan (sa investigation)… Wala siyang affidavit, nagbigay lang siya document. Meron siyang pending ibibigay na document.”

“Medyo marami siyang alam. Nagwi-withhold siya even before he decided to testify. Kung mag-all out siya marami siyang sasabihin. Noong una nga unang attempt niya excited, he really wanted to give it all so to speak. Kasi siya enthusiastic, di mo siya kilala. Siya ang nag-contact sa amin then sabi ko ready. Set up ko ang venue tapos last minute sabi ng staff ko nagpasabi may naramdamang siyang sumusunod sa kanya at magre-resign siya kasi mag-schooling siya. So may event na nag-intervene. And yesterday baka ganoon din. The power of text messages. Di natin alam baka may naka-text sa kanya baka pwede mag-logout ka na.”

“Dadalhin niya sana noon (dokumento) pagkikita namin sige tutal cavalier naman sabi ko dalhin mo docs gusto ko makita bago man lang ako gumawa ng anong aksyon kung magkakaroon ng Senate investigation or mag-file ng resolution. Pero ito nang after that may mga docs na pumasok coming from PhilHealth, doon na kami nag-draft ng resolution that we adopted as COW resolution. Share ko with SP kaya kami muna parehong author ng resolution. After that co-author lahat na iba then I shared the documents we had at the time kasi may pumasok pa, kaya nasa kasamahan ko rin bulto ng docs na meron kami. Nariyan din at least sa staff nila, kung binasa nila o hindi, di ko alam yan.”

“Meron siyang nabigay at may pending ibibigay sana as of the other night nang nag-ano kami collate namin ang document, sabi niya meron pa siyang isa-submit na document. Sabi ko sa hearing na niya ipakita.”

“As of yesterday after hearing nagpasabi siya beg off na lang siya. Meron kaming kultura sa PMA ang squealing and kailan ano ang dividing line ng squealer at pagtulong sa investigation. Sa kanya parang nananaig, nabanggit niya sa akin ayaw kong sabihin ng upperclassmen ko na ako nag-squeal. Sabi ko sa kanya kung tama ang pinaglalaban mo di squealer ang tawag diyan, advocacy yan. Gusto mo itama ang mali tumutulong ka. Kanya-kanyang pananaw. So I leave it up to him magdecide kung attend siya next hearing.”

“But then of course meron kaming subpoena power. Ayoko humantong sa ganoon i-subpoena siya and compel him to testify dahil hindi naman hostile ang pakikitungo niya sa amin in fact siya nag-volunteer sa amin 3 weeks ago pa siya nag-volunteer gusto ng audience na di natuloy.””

“Pwede talaga kung sabihin ni SP I want to hear his testimony pwede i-subpoena but as much as possible I want to maintain that goodwill with him. We’ll discuss it with him in the coming weeks. I’ll try to talk to him ang kanyang pag-testify sana wag balewalain.”

“I’d like to believe tutulong pa rin siya kahit di siya mag-testify. Tutulong pa rin siguro.”

Security and Legislative Immunity:

“May request si BM Cabading na magkaroon ng legislative immunity. At the very least pwede namin ibigay. Ang physical security malalayo sila, dapat lilipad si BM Cabading kahapon, physically present ang usapan namin. Dahil nagkaroon ng MECQ nag-alala siya baka maipit siya sa Manila at hindi siya makabalik ng Zamboanga at marami siyang inaasikaso roon so naging virtual na lang ang naging attendance kahapon.”

“I’ll push for that (legislative immunity for Keith and Cabading) para lang maging freewheeling. Ang legislative immunity naman, ang advantage doon, they can talk during the legislative inquiry without sinabi nila na magagamit against them. Yan lang ang advantage doon. Kung under oath pwede gamitin against them. Dati na namin ginagawa para mas tumibay ang loob ng witnesses binibigyan namin ng legislative immunity. But that’s up to the COW to decide as a body. Ako tutal di bago ito I’m inclined to push for the granting of legislative immunity at least sa 2 and whoever is willing to testify.”

“We can provide security kasi wala sila rito. BM Cabading sa Zamboanga, Keith di namin alam saan siya ngayon. But if they request meron kaming security unit sa Senado na pwede mag-provide ng physical security sa kanila, and I think they deserve to be physically secured.”

Other Sources of Information:

“We are not only relying on testimonies of resource persons. Marami tayong dokumento na galing mismo sa PhilHealth at pati ginawang research ng staff ko sa COA at sa ibang agencies. They have a complete list of hospitals na nakatanggap. Ang inaalam namin ngayon kaya nakita natin ang Braun Avitum dialysis center nakatanggap ng P45M ang 5 branches in spite of not catering to COVID19 patients. Kaya tinanong natin, irrelevant or irresponsive or impertinent ang sagot. Kasama sa mandate nila lahat na klaseng sakit, e hindi natin kinu-question ang mandate nila. Ang topic natin ang issue at hand ang IRM.”

“May matibay na kaso kung ifa-file against those who should be held criminally and administratively liable. Malinaw yan. Hindi lang sa testimonies kundi pati sa documents na at least hawak namin because some documents late dumating pero lahat na documents na meron kami… share ko ito with my colleagues kasi nag-request sila kung pwede. So I gave them the documents that were available at the time.”

“I can only understand their apprehension, their reluctance to testify openly. May ibang nakikiusap huwag kami sumali sa hearings pero continuously we’ll provide the information. Ako pag nagsasabi silang information unang hinihingi ko nasaan ang dokumento? I don’t want to be parang ma-trap ka sa say-so ng isang official maski nasa loob, maski halos totoo ang sinasabi pilit ko pa rin bigyan nyo kami ng dokumento kasi di ko yan maita-take up o maisasama sa usapan kung walang hawak na documents. Just like you sa media napakaingat kayo, naghahanap kayo ng pangsuporta sa isusulat ninyo. So pareho lang situation natin.”

“Marami kaming dokumento na pwede ma-check agad ang sabi ni Cabading. Not everything; kasi ang nangyari sa board meeting hihingi namin, sabi ni Sen Pia hingin natin ang minutes ng meeting malalaman natin ano nag-transpire. Sa palitan nila ng sulat ni Gen Morales, sumulat si Gen Morales sa board, sabi niya alam niya may mga issues. By his own admission sabi niya may issues. Ako ba pinagiisipan nyo ako complicit ako rito? Sumagot si Cabading sa kanya ang letter niya I think May 19, ikaw repeatedly ine-endorse mo IT in spite of issues we already raised. Anong implication noon?”

“Kasi ang nag-testify 3 lang pero nagbibigay sa akin ng info from inside PhilHealth marami. Ayaw lang nila magsalita. Some of them were present sa inquiry yesterday. Hinihintay lang namin magkusa, ayaw namin sila ilagay on the spot, for obvious reasons, baka mapaginitan kasi marami sa kanila takot sa sinasabi nilang mafia. Kasi easily pwede sila ipatapon, pasuspindi, kasuhan. Nangyari yan last time na investigation and déjà vu. Almost 1 year, anniversary na kasi Aug 8 kung natatandaan nyo nag-investigate ang BRC and Justice ng Senado. Ito ang issue, iba lang schemes at mechanism. Pero pareho lumalabas na issue. WellMed patay na pasyente pero binabayaran pa. Ito di kasama sa COVID-19 bakit nakasingil ng P45M? Di lang P45M, isang korporasyon lang yan. Ang total sa dialysis cetners P226M. Kaya question ko, OSMA hawak ko pa dokumento, ang tagal nila naniningil. As of March naniningil sila sa reimbursement nila sa COVID19, wala silang nasisingil sa PhilHealth. Bakit ganoon?”

Documents to Stand in Court?

“I think so based on the documents that I have in my possession. Ako mismo bilang investigator even in my previous life na tatayo ang documents. Ibang usapan kung ia-appreciate ng korte kasi marami tayong finile. Ang secondhand helicopter pending pa, fertilizer scam na-dismiss pa. Depende sa appreciation ng korte. So many factors to be considered but on its face confident ako base sa document na hawak namin, tatayo.”

***

* EXTENT OF CORRUPTION AT PHILHEALTH:

Gen. Morales Misled or Co-Opted?

“Ako nagsabi sa kanya red flag ka na ng HEA mo, di ka nababahala? Sabi niya di ako IT di ko alam which figures ang tama. Di pa ako nakarinig ng ganoon ka lame na reasoning. Parang kailangan ng prosthetic ang reasoning na ganoon, so lame it cannot stand on its feet. Walang pinagbabasehan.”

“Ayoko ko sa lahat ang tinatanong ka parang si Sec Duque, turo ng turo. Kaya tinatanong mo ikaw ang top diyan ikaw ang honcho. Tapos tuturo ka sa tao mo ikaw sumagot diyan ang tinatanong ikaw eh. So doon pa lang makita mo weakness ng leadership.”

“Bakit hanggang ngayon walang ginagawa isang taon ka na riyan? Kung potentially P10B nawawala may basehan ka roon. Being CEO and president ng PhilHealth di ba incumbent upon him to immediately conduct at least an inquiry? May antifraud officer siya Atty Keith job order lang yan. Ang maganda sa next hearing I will ask him anong effort gagawin niya, lagi tanong niya hindi ako IT expert. At saka hindi rin siya, basta hindi kapanipaniwala. Ang responses niya minsan nakakainis na eh.”

“Sa akin lahat tayo nagkaroon ng managerial experience in my case sa military and police, ang leadership mo, pumasok ka sa isang ahensya, mandato mo isang natatandaan ko sabi ni PRRD, linisin mo ang PhilHealth. Kung 1 taon ka na riyan nariyan pa rin corruption at parang walang nangyayari, 2 lang ang possibilities dito. Either you are being misled and you continue to be misled by your people; or co-opted ka na.”

“Sabi niya ‘I have not finished my job.’ Kailan mo matatapos ang job mo kung ayaw mo tapusin? E corruption ang dapat mo harapin, sagot mo I have not finished my job? When do you intend? Di ka pa nga nag-start eh. Kaya tatanungin natin what have you done to start your job of weeding out corruption in PhilHealth? Kasi sabi mo I have not finished my job. When did you start? Or have you even started? Apparently he has not started.”

“Nagsabi na rin siya pag graduate sa PMA di na applicable Honor Code. Hello, di ako fa-follow roon. Di lang kami madi-dismiss for honor violation pero kaya pinagaralan namin 4 years practice namin 4 years very strict implementation noon para i-prepare ka pag officer ka na hanggang mamatay ka na dapat inculcate sa mind mo. Para sabihin mong di applicable sa akin yan that is wrong. Applicable pero depende na sa iyo kung apply mo o hindi, pinagaralan mo 4 taon regimented bawal mag-lie, cheat, steal or tolerate, nasa iyo na yan. Depende na yan. Para sabihin mong openly di applicable sa akin parang inamin mong meron kang ginagawa at di applicable sa iyo ang Honor Code.”

“Ito tinanong ko kay Atty Keith at BM Cabading nang pre-conference kami. Sa tingin nyo ba opinion lang nila. At least 2 of them sabi nila tingin nila talagang co-opted ng sindikato si Gen Morales. I think it was Col Laborte na may mga reservations lang siya, sabi niya ayaw ko mag-judge. Sabi ko in your own personal opinion, dahil sa nangyayaring ganito, di siya sumagot nang diretso. So kung ako magsasabi dahil kung ako magbibigay ng opinion, I think he’s been co-opted particularly by execom. Common knowledge na rin ito sa PhilHealth pag kinausap na.”

“Wala tayong argument doon (na kailangan ang IT para labanan ang fraud), tama naman yan kasi pag 19-kopong-kopong ang IT mo napakaraming issues and challenges. Ang tugon para ma-address mo kaya nagpasa tayo ng National ID para mas madali transaction sa govt at private institutions para mapabilis at mabawasan ang corruption. Tama yan kailangan ma-enhance ang kanilang IT system nila pero huwag daanin sa overprice procurement. Gusto namin sila tulungan para ma-address, di kami nag-a-argue doon.”

“Pinaguusapan namin dito bakit kayo mag-procure ng sobra sobrang overprice? Minsan tayo bumaba kaligayahan natin makakita tayo ng overprice na 20% even 50% parang sige na nga, at least kasama sa sistema although hindi dapat. Pero pag nakakita tayo ng overpricing ng P6K against P3M, papayag ba tayo nang ganoon? Tuloy-tuloy ba tayong parang pagkibit balikat na lang, e pera natin yan?”

“”Kayo, mga bata pa, kami senior citizens kami hindi na kami nagko-contribute na, nakikinabang na kami pero taxpayer pa rin kami. Lahat naman tayo. Maski sabihin mo hindi ka individual taxpayer hagip ka pa rin ng VAT kung bibili ka may 12% na idadagdag eh. So huwag natin sabihin ang hindi kumikita at walang ITR na fina-file hindi tatamaan nito. Ang subsidy ng gobyerno sa PhilHealth napakalaki, P77B nakukuha sa contribution sa members tapos pati OFW gusto pa kanain.”

“May tinatawag na sin of commission and omission. Kung ibabase ko kahapon ang sagot niya, at the very least meron siyang omission dahil bilang president and CEO ng PhilHealth may pinarating sa iyong red flag, ang sarili mong HEA na ikaw talaga, position of trust yan. E di mo paniwalaan. Sagot niya di ako IT di ko alam anong figures ang tama. Check mo man lang kung tama ang 320 against 6200. Mahirap ba gawin yan mag-GMG ka lang makikita mo na yan eh.”

Morales’ Claim of Presumption of Regularity:

“(Morales’ claim of assumption of regularity) May nakausap na abogado yan. Parang subliminally ini-invoke na niya Arias vs Sandiganbayan, jurisprudence na iniisip niya. Parang thinking ahead pag nagkakaso ito ang defense ko. Arias vs Sandigan ginagamit ng ibang lawyers yan dahil jurisprudence yan. Ang head ng agency, I think this was first invoked in the case of former Sec Perez. Invoke din ni PGMA ang head ng agency nagre-rely ka sa studies and due diligence ng staff mo. Existing jurisprudence yan na laging ginagamit na defense sa kaso na hinaharap. Natawa ako sinabi niyang ganoon naisip ko agad may nakausap na abogado ito. Parang subliminally nag-i-invoke ka na ng defense mo sa korte.”

“Nag-i-invoke na nga siya. Thinking ahead ito depensa ko dahil ito sinubmit sa akin ng execom ako tagapirma lang ako may lusot ako under existing jurisprudence. Kaya natawa ako lumingon ako sa abogado ko sabi ko parang Arias vs Sandiganbayan ang ini-invoke nito.”

Test of Character for Morales:

“Remember when he was appointed I also issued a statement he was a very good choice as PhilHealth president kasi reputation niya precedes him as far as yung circle sa military. Pero ang real test of character ng tao wealth and power. Bigyan mo ng power doon mo makita tunay na character. Harapan mo ng pera magbabago ba ang character? Pag wala pang ibang opportunities na ganoon di pa yan test ng character, pero pag confront mo sa akin in my book yan ang real test of character. Pag nagpatong ka ng pera sa ibabaw ng table niya, doon mo makikita ano ang character ng tao. Yan lang masasabi ko. Tapos bigyan mo ng power, how he will handle the power that is given to him. Hanggang hindi nakatikim ng power masasabi mo ba anong character noon? Di pa niya natikman ang power at di pa napapaharap sa daang milyon. Pero pag napaharap sa milyon milyon doon mo makikita. Sa akin ha in my book.”

“Para kunin siya (Laborte) ni Morales, ang conclusion ko the fact that he was taken in kasi nag-apply siya and he presented his resume para kunin siya ni Gen Morales, sa umpisa I can conclude safely na maganda ang intention ni Morales kasi normally pag may gagawing kalokohan magbibitbit ka ng sarili mong tao di ka kukuha ng strangers.”


“Pag position may power ka at may opportunity para sa money. Doon mo makita. Yan lang masasabi ko. I’m not judging him. Sa akin theoretical ang usapan natin. Marami riyan nasisira. Minsan pagkatino-tino kasi walang opportunity. Maski mga pronouncements ok itong tao na ito. Pero pag nakakita ng opportunity for both or either money and power doon magkaintindihan.”

“Meron kasing legal theory ang abogado, falsus in uno falsus in omnibus, sinungaling sa isa sinungaling sa lahat. Sabi ni SP even before the hearing pag sa media ka nagsinungaling blatantly wala ka nang kapaga-pagasang paniwalaan isusulat na yan at ieeere na yan. Di mo mabawi unless habulin mo teka muna, mali. Pero ito diretsahang tinanong, simpleng question lang, kung naroon siya sa Zoom meeting. Yet yesterday pilit pa siyang lumulusot na iba ang context. Ang liwanag ng context, I myself heard that interview. Malinaw na sinabi niyang wala siya sa Zoom meeting. And ang reference Zoom meeting. Tapos walang position na anti-fraud yun pala meron. Doon you can more or less gauge. Test na ng integrity yan test ng character yan.”

IRM Circular:

“Ang IRM that’s a circular. They kept talking about a board resolution they adopted. Pag may circular dapat may ilalabas na SOP, meaning IRR. Malaki question namin doon kasi may nilabas silang SOP na unique kasi walang date. Lahat na previous issuances na ginawa ni Morales under his signature may date. Namumukod tangi itong SOP na nilabas nila kaya tinanong ko kahapon. Walang date pero ang dissemination niya na-disseimnate one month later, April 22. Kasi ang date ng circular March 20. Ang sinasabi nila may SOP na nag-take effect March 21. Now they kept repeating maski del Rosario sabi nila covered ng board reso yan. That’s why I asked saan kopya ng reso because what we have now is an unnumbered board resolution. They admitted, they cannot back out from that anymore, ang kopya namin ng unnumbered board reso yan ang parang sinasabing implementing guideline sa IRM. The question is, there’s already a date, March 31. Ang question dito kung implementing guidelines ang how to implement the IRM lumabas lang noong March 31 after circular na March 20, bakit kayo nag-distribute as early as March 23, and thereafter nakapag-distribute kayo ng pera? Anong parameters anong basis anong guidelines? Ang guidelines wala pa, March 31. Pero sinasabi nila may nilabas sila na SOP na March 21. Anong basis ng SOP na March 21 para sa March 20 circular ang 2020-0007 kung board reso mo ratifying the implementation which should be the mother document of the allegedly March 21 SOP na disseminated na April 22, di ba ang board reso? So lumalabas walang basehan ang releases nila sa Catarman at kung saan-saan pa. Yan ang kukuwestyunin natin now that you asked.”

PhilHealth Collapse, Doctoring of Financial Statements:

“Ang problema bakit nila dinuduktor lagi, taon-taon financial statement, ang observation ng COA kaya laging may disclaimer ang COA pag nagsa-submit ng findings. Di nila maintindihan, there’s no basis for the restatement of financial statements. Nangyayari ito taon-taon inaangat nila income. Ito pa isang issue. Ang nagsa-suffer mga hosptals and eventually mga pasyente. Why? Because benefit claims hino-hold, hindi nire-release. Pero pinapasok na contributions agad-agad nasa libro. So hindi sila nagre-release. Hinihintay nila.”

“Kasi may investment din sila, derive income from govt bonds and time deposit. Sabi nila may P70B time deposit. Di ba dapat ang pag-manage ng investment dapat ang maturity mag-adjust sa pangangailangan ng No. 1 client nila, mga pasyente, tayo. Ang nangyayari maghintay kayo riyan kasi di pa mature ang aming time deposit. Di ba mali yan? Dapat mina-manage mo maturities ng investment mo sa pangangailangan, sa bayarin sa hospitals. Kung hindi ang nangyayari lumalabas ang debt to equity ratio nila afloat pa sila pero kung aalisin mo findings ng COA nag-restate sila bloat nila tapos binaba ang benefit claims ang computation ni BM Cabading nasa 14B ang difference. Kaya sabi niya di lang debt to equity ratio kasi estimate namin 1 is to 0.99, Sabi niya di ganito estimate, 1 is to 0.67 ang debt to equity ratio. Meaning utang kung 100, ang equity nasa 67 na lang. So talagang papunta sa bankruptcy ang PhilHealth.”

Delicadeza:

“That’s their call. Sa akin lagi ang pag-take ng leave or resignation, it’s always a personal decision. Depende sa delicadeza ng tao. Kung may sense of propriety anong level ng sense of propriety mo doon ka magde-decide. Kung ang intestinal fortitude mo napakatibay huwag ka mag-resign or leave. Pero kung sense of propriety mo malakas nasa sa kanila yan. It’s not for me or the Senate to tell them. Kami as a collegial body we decide to adopt a resolution calling for resignation of SOH Duque na di nangyari.”

** EFFECTS OF CORRUPTION ON UHC:

Concerns on Funding for PhilHealth in 2021 Budget:

“Sa bankruptcy gobyerno ang may problema. Meron tayong GAA na pinapasa taon-taon. I remember ang deliberation namin sa budget for 2020 last year, ako nagpadagdag ng pondo sa UHC Act kasi nga kulang na kulang, nasa phase 1 ang kaya ipondo pero dapat nakaangat na tayo sa phase 2. May level ito dapat ito papasok ka hanggang sa barangay eh. Pero hindi ganoon ang nangyayari kasi nga kulang ang pondo ng gobyerno. Ok yan nakakapangutang tayo, pwede natin dagdagan sa susunod na budget deliberation for 2021. Pero gagawin ko pa yan knowing pinaglalaruan lang nila ang pondo ng PhilHealth para sa UHC? Remember PhilHealth ang Office of Primary Responsibility pagdating sa UHC under DOH.”

“Of course may pahayag ang Malacanang na di pababayaan ng national government. Ang tanong saan kukuha ng pera? And before that resolve natin issue ng corruption. Kasi bubuhusan mo ng pondo tapos makakita ka overpricing between P320,000 at nakaraang procurement ng 24 units ng network switches.”

“Hindi na nga whiff of corruption ito. Napaka-obvious. Maski hindi na kami, kayong nakasaksi sa hearing, agad-agad maka-conclude kayo something is very corrupt sa PhilHealth, at least sa 3 major issues na lumalabas so far. Yun lang sa IRM napakalinaw. Pati pagduktor ng financial statement. Lagi nilang binobloat ang equity pero ang benefit claims binabagsak nila kasi ang kanilang consideration pag accounts payable hindi nila pinapasok sa libro. E obligasyon na yan, accounts payable. So ang nagsa-suffer dito ang mga hospital na di nakakasingil kasi meron silang operating expenses na tinutugunan. And then eventually ang magsa-suffer ang pasyente kasi pass on yan. Di ba kung check in ka, member ka ng PhilHealth magbabayad ka muna eh.”

* ACTIONS vs CORRUPTION:


Senate Actions ‘Limited’:


“Ang Kongreso hanggang budget, kami nagpa-pass ng budget. Pero sabi ko nga kanina marami sa kasamahan namin mag-iisip nang maraming beses kung susuportahan ng daang bilyon ang UHC na ipapaubaya sa PhilHealth kasi wala tayong magagawa. Talagang PhilHealth ang mangangasiwa sa pagpapatupad ng provisions sa UHC. Pag-uusapan namin yan paano mapapatibay ang check and balance pagdating sa pag-disburse ng pera ng PhilHealth under UHC program.”


“Sabi kong subsidy from govt, GAA yan. Doon may hand ang Congress. Ibibigay ba namin yan na ganoon na lang? So probably kahapon SP was whispering to me, anong magandang gawin dahil budget lang poder ng Senado para sa check and balance, at least may oversight function and this is part of our oversight function. So yan paguusapan namin. May additional funding and appropriations ang UHC kasi taon-taon yan. Kaya lang sustentuhan ng govt ang UHC.”


“Pagiisipan namin paano magkaroon ng mas matibay o mas malakas na check and balance sa pag-handle ng pondo… Tapos ang UHC anong gagawin namin para talagang ma-ensure na protected at least pondo ng govt, subsidy ng govt na provide by way of GAA na pinapasa namin? Yan ang paguusapan namin.”


“Kahapon nga offhand sabi ni SP clip kaya natin ang powers ng board. Pero sa tingin ko wala sa board ang problema. Ang problema sa execom. Mula’t sapul maski noon pa yan ang nanggagaling na info from inside PhilHealth, napaka-powerful ng execom, sila naka-promote. Aminin man nila o hindi. May kaso sa WellMed napo-promote pa. And then si Morales initially sabi niya walang kaso. Kanya-kanya kaming Google naglabasan case number eh.”


“I think may nag-float idea I think from HOR na i-convert into a commission ang PhilHealth sa halip na govt corporation, parang i-convert into an executive office. I don’t know if it will solve the problem. GOCC ang PhlHealth pero meron silang governing body, GCG, governed sila noon kaya ang board nagre-renew taon-taon sa GCG ng renewal o reappointment.”


Action Needed from Executive:


“In the middle of all these controversies, anomalies, accusations, allegations ng corruption ganoon na lang ba dahil may UHC? Kasi nagsalita ang Malacanang through Sec Roque. Sabi niya di papabayaan ng govt na mawalan ng pondo ang PhilHealth and rightly so. Pero teka muna gumawa naman sila ng paraan para di masayang ang pera na taon-taon binibigay natin on top of the contributions that you, yan ang nagsusustento.”


“Whether it’s P1B, P10B or P15B, the fact there is corruption that is going on and continues to go on sa PhilHealth, dapat may drastic step na gawin ang Malacanang. Di na pwede ang trust and confidence na blanket. Tulad ngayon PACC na mismo nag-submit ng report. Gusto natin malaman at makita anong gagawin ng executive dept tungkol dito.”

pinglacson.net uses cookies to give you a better navigation experience on our site. As soon as you continue the tour, we assume you accept the cookies policy. Learn more about the cookie policy we use here.