Senate Committee of the Whole Hearing on Tongpats, Food Security and ASF

Senate Resolutions

Mr. Senate President and Chairman of the Committee of the Whole,

I could not think of an act more cruel than beating to death somebody who is already dying. Such is the fate of our 80,000 local backyard hog raisers – sa kamay ng dapat sana ay ang kanilang pangunahing tagakalinga, ang Kagawaran ng Agrikultura, after their plea was ignored with the signing of Executive Order No. 128 series of 2021 last Wednesday.

Ang unang tanong, bakit sa halip na mag-isip ang Kagawaran ng Agrikultura ng mga paraan upang matulungan ang mga hog raisers na dumaranas sa matinding pagsubok dahil sa Covid-19 at African Swine Fever ay importasyon kaagad ang kanilang inihahaing solusyon? Don’t they realize that such inconsiderate course of action has far-reaching implications on our country’s food security and even on our national security? Think about this, Mr. President: the 80,000 backyard hog raisers have hundreds of thousands of farmhands, including their families and even those who indirectly depend on the hog-raising industry for their daily meals, could become vulnerable and convenient targets for recruitment by the CPP-NPA. Did they even bother to consult the Cabinet security cluster, Mr. President?

Ang naturang EO 128 ay nagdidikta ng pansamantalang pagbabawas ng taripa sa pag-angkat ng mga produktong baboy. Sa una hanggang tatlong buwan, naging 5% na lamang para sa 54,210 metric tons “in-quota” importation mula sa umiiral na 30%, at naging 15% na lamang mula 40% para sa lalagpas sa quota. Sa susunod na 4 hanggang 12 buwan naman ay magiging 10% ang taripa sa “in-quota” at 20% sa “out-quota”.

Ang pangunahing dahilan, ayon din sa executive order, ay ang African Swine Fever (ASF).

On behalf of the hog raisers, we urgently appeal to the President to reconsider and recall such executive order. Let me cite my reasons for this appeal:

Mula 2018 hanggang 2020, ayon sa mga datos na nakalap mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), 1,850,000 metric tons ng karneng baboy ang average o karaniwang kinokonsumo sa ating bansa sa loob ng isang taon. Sa kabilang dako, 2,250,000 metric tons naman ang average o karaniwang lokal na produksyon ng baboy. So where is the shortage, Mr. President? Hindi man malinaw na higit pa sa sapat ang supply mula sa local na production upang matugunan ang pangangailangan ng ating bansa? Ito ay sa kabila ng umiiral na African Swine Fever (ASF) na nagsimulang nakapasok sa bansa noon pa mang Agosto 2019 na siyang ginawa nilang pangunahing dahilan sa pagkumbinsi kay Presidente Duterte upang pirmahan ang nasabing EO 128.

To further prove my point, ayon na rin sa datos na aming nakalap mula sa Bureau of Customs, ang inangkat nating produktong baboy ay higit 265,000 metric tons noong 2018; 250,000 metric tons noong 2019; at 76,000 metric tons naman noong 2020. Lumalabas na hindi nga kailangang mag-angkat kahit isang kilo na kukunin sa 54,000 metric tons “in-quota” na MAV dahil ang official records ng gobyerno mismo ang nagsasabing sobra-sobra nga ang lokal na produksyon ng baboy ng humigit-kumulang – listen to this Mr. President – 403,000 metric tons kada taon upang matugunan ang pangangailangan ng bansa. Bakit, ino-obliga ba tayo sa ilalim ng WTO na mag-angkat ng kaukulang quota kahit hindi na natin kailangan? We checked, Mr. President, mukhang hindi naman. So, can we conclude that it is only because of the penchant and whim of the Department of Agriculture to import that made them do it? Maybe the bigger question is why? Or, magkano?

Mr. Chairman, the basic economic principle applies: when there is surplus in the local supply of pork in relation to the local demand, why are we importing? At ito ay sa kabila ng pagmamakaawa ng libo-libong lokal na hog raisers sa hindi makatarungang kompetisyon laban sa mga importers ng pork.

Botcha o double-dead ang epekto ng EO 128. Bakit? Patay ang lokal na industriya ng baboy; patay din ang koleksyon ng taripa ng gobyerno. This brings me to the next point, Mr. Chairman.

Ayon sa estimates ng Bureau of Customs, ang inaasahang kita ng bansa mula Abril hanggang Disyembre taong 2021 ay P6.1 billion mula sa taripa ng imported na produktong baboy kung mananatili sa 30% tariff rate for “in-quota” importation, at 40% sa “out-quota” importation. Ngayon dahil sa EO 128, babagsak sa P2.5 billion na lamang ang makokolektang buwis sa bagong paiiralin na 5% to 10% at 15% to 20% tariff rates. Ito ay kung susundan natin ang mga datos sa mga nakaraang buwan. Samakatuwid, dahil sa pagbababa ng taripa, nasa P3.6B ang inaasahang mawawala sa gobyerno. Base pa rin sa isang ‘simulation’ na isinagawa ng Bureau of Customs, maaaring tumaas pa sa P5.4B ang mawawala sa loob lamang ng 9 na buwan.

Hindi dito natatapos ang isyu na dapat natin resolbahin Mr. Chairman. Kasabay ng pagbaba ng taripa base sa EO 128, tila minadali ring itaas ang volume ng allowable importation ng pork products sa bansa. Let me be clear: the policy to increase the volume of imported pork requires legislative action, as provided under Section 6 of RA 8178 otherwise known as the Agricultural Tariffication Act, and I quote:

“In case of shortages or abnormal price increases in agricultural products, whose quantitative restrictions are lifted under this act, the President may propose to Congress revisions, modifications or adjustments of the minimum access volume (MAV): provided, however, that in the event Congress fails to act within fifteen (15) days from receipt of the proposal, the same shall be deemed approved.”

Here’s the rub, Mr. President. On March 26, 2021, the Senate received the recommendation of the President to increase the Minimum Access Volume (MAV) for pork importation by 350,000 MT, in addition to the current MAV of 54,210 MT for this year. This is equivalent to a six-fold or 650% increase in the allowable volume of pork imports at present.

Following the provision of the law, the 15 days provided to the Congress to act on the recommendation may have already lapsed, and hence, the proposal to increase the MAV for pork is already deemed approved. Pray tell, Mr. President. How can Congress take plenary action when we cannot hold sessions since we are on recess? Did the President even attempt to call for a special session of Congress so we can act on this recommendation increase or adjust the MAV? Hindi ba kaduda-duda na isinumite ang nasabing rekomendasyon sa Senado noong March 26 – ang huling araw ng sesyon sa Kongreso bago mag Semana Santa, at walang session hanggang May 16?

Granting without accepting that the recommendation was already in effect, is it not absurd that the policy, which will flood our market with imported pork, will not be a product of deliberations by the members of the two Houses of Congress, but rather, a result of devious machinations by those who want to trespass and usurp the power to legislate?

This is not by any language mercy killing, Mr. President. Rather, it is ‘merciless killing’.

Hindi mahirap isipin na dahil sa bagong policy sa importation, mas lalaki pang hindi hamak ang kikitain ng mga tiwali at korap na opisyales sa “tong-pats” sa importasyon ng karneng baboy na ayon na rin sa ilang reliable and highly-placed sources sa loob mismo ng kagawaran ay pumapalo sa ngayon sa P5 to P7 kada kilo sa umiiral na 30% at 40% tariff rates.

Magkano na kaya ang magiging kalakaran sa lagayan kapag 5% na lamang ang dating 30% sa in quota at 15% na lang ang dating 40% sa out-quota importation at least sa loob ng 3 buwan? Ang talamak na smuggling ay pinatunayan na mismo ni Sec. William Dar. Aniya, ang mga nasabat na smuggled pork kamakailan ay positibo sa ASF. Sa kabila ng mga ipinatutupad sana na regulasyon ng DA, may mga nakuhang datos ang aking opisina tungkol sa hayagang pag-angkat at pagpasok sa bansa ng pork products mula sa ilang bansang may kumpirmadong naitalang kaso ng ASF.

May mahaba ring listahan ng modus operandi ang sindikato ng smuggling at misdeclaration ng agricultural products sa pamamagitan ng pagsasabwatan sa loob at labas ng kagawaran ang isinumite sa atin ng isang unit sa loob ng kagawaran.

Systemic ang problema ng pork importation sa bansa. Kasabwat ang ilang mga importers na mabilis at magaling na nakakapagpalusot ng kanilang mga kargamento gamit ang modus operandi na tinatawag nilang (RTC) o Ready To Close enterprises at mga C4H o consignees-for-hire sa pagnenegosyo nila sa iba’t-ibang ahensya ng DA. Katunayan, isa sa nahuling ready-to-close company noong 2020 ay ang Mafroque Trading na pagmamay-ari ng isang nagngangalang Mateo Malasique. Ayon sa report, nabigyan ang Mafroque Trading ng 847 sanitary-phytosanitary import clearances (SPSICs), isang kritikal na dokumento para makapagpasok ng agrikultural na produkto sa bansa. Nang bisitahin ng mga awtoridad ang registered address ng opisina ng Mafroque Trading sa Diego Silang, Sampaloc, Manila, isang residential house na mas maliit pa kesa sa isang adjacent na laundromat ang tumambad sa kanila. Wala rin doon na Mateo Malasique at wala ring Mafroque Trading.

Itanong natin mamaya kung may masugid bang imbestigayson na ginawa ang Kagawaran o katulad din ng lantaran at paulit-ulit na pagsuway sa official written memorandum ng 2 kalihim na huwag mag-angkat ng pork galing sa mga bansang may ASF. Ang aking pinatutungkulan ay ang katakot-takot na SPSICs na inaprubahan simula 2018 sa pamumuno ni dating DA Secretary Pinol hanggang 2020 sa panahon na ni Sec. Dar. Sa kabila ng pinalabas na mga memorandum na huwag mag-angkat ng produktong baboy mula sa bansang kumpirmadong may ASF tulad ng Hungary, Germany, Belgium at China to name some, ayun nakapasok na nga ang ASF sa PH noon pang Agosto 2019 na siya namang ginawang justification sa sinasabi nilang shortage sa supply maski taliwas sa opisyal na datos ng gobyerno na gobyerno rin ang pinagmulan.

Mr. Chairman, usaping baboy pa lamang ito. Malawak din ang isyu ng outright at technical smuggling at “tong-pats” schemes sa iba’t-iba pang agricultural products, kasama ang manok, isda at gulay.

At the proper time in today’s hearing, with your permission Mr. Chairman, I would like to recognize a resource person who will present in detail what he calls – “the 8 toll gates of agricultural smuggling along the expressway of economic sabotage”, which will open our eyes to the systemic and institutional weaknesses that continue to lead the agricultural sector to perdition if not corrected in time.

Mr. Chairman, in the midst of the obvious botched job in resolving the problems of the agricultural sector, we need to address these compounding issues point by point. We need to know the crux of the problem. We need to identify those responsible for the “mass murder” of 80,000 backyard hog raisers, their employees and support groups, and the rest of the tens of thousands of poultry growers as well as the millions of small vegetable famers who continue to suffer big-time only because a few shenanigans shamelessly stuff their pockets using their bloodied hands.

Thank you, Mr. Chairman.

pinglacson.net uses cookies to give you a better navigation experience on our site. As soon as you continue the tour, we assume you accept the cookies policy. Learn more about the cookie policy we use here.