
Dapat na alam ng mga frontliner ang detalye ng vaccination plan ng pamahalaan – kung talagang may ganoong plano.
Ipinunto ni Senador Panfilo Lacson na isa ito sa pagtutuunan niya ng pansin sa pagdinig na isasagawa ng Senado sa pamamagitan ng Committee of the Whole sa Lunes.
Ayon sa mambabatas, mga frontliners ang nasa bungad ng panganib sa pagharap ng Pilipinas sa pandemya ng COVID-19 kung kayaβt tama lamang na maimpormahan ang mga ito sa mga galaw ng pamahalaan tungkol sa bakuna.
“The frontliners deserve to know because they are the ones who go to the morgues, they are the ones who attend to COVID patients. They deserve to know if they would be prioritized in the vaccination program. There is no reason for the officials concerned to ask for an executive session on this because there is nothing confidential or classified about it. Wala namang kalaban dito; ang kalaban natin dito, sakit. Hindi naman yan sasagot,” banggit ni Lacson sa panayam sa DZBB.
Related: Lacson: Frontliners Deserve to Know Details of Overall Vaccination Plan
Continue reading “Ping: Frontliners, Naghihintay Kung Kailan at Paano Mababakunahan”