Bakit Malaki ang Tapyas sa 2021 Badyet ng PDEA at DDB?

Kung hindi pa isinasantabi ng administrasyong Duterte ang gyera sa ilegal na droga, bakit binawasan ang mga kahilingan o proposal ng DDB mula P520.4 milyon to P344.5 milyon; at ng PDEA mula proposal na P4.911 bilyon to P2.731 bilyon sa NEP?

Habang nag-issue ang Pangulo ng EO 66 noong 2018 para magkaroon ng multi-agency approach ang gobyerno sa pamamagitan ng PADS (Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy) kaya pinasumite ang 61 ahensya ng budget para suportahan itong strategy, apat lamang ang pinabibigyan ng pondo ng DBM ng P2.053 bilyon sa ilalim ng NEP.

Pati ang mga augmentation na ginawa ng Senado para sa kanilang 2020 budget ay isinama sa “FLR (For Later Release)” at hindi ni-release: P81.9 milyon sa DDB at P106.1 milyon sa PDEA, ayon sa DBM Circular 580. Dahil dito, nadiskaril ang kanilang mga nakalinya na at umiiral na mga PAPs tulad ng ICT training at pambili ng ICT equipment.

Tuloy dapat ang laban sa illegal drugs, may COVID man o wala. Kaya naiintindihan ko ang hinaing at pakiusap ng DDB at PDEA sa pagdinig kahapon tungkol sa 2021 budget nila kung pwedeng madagdagan ng Senado ang kanilang tinapyas na budget.

May kasabihan tayo: Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Iyan ba ang nangyayari ngayon sa laban sa ilegal na droga sa kabila ng libu-libong napatay na mula noong 2016 pa?

*****

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.