Hindi raw inaksyunan ni Sen. Lacson ang Pension and Gratuity Funds ng mga MUPs?

❌KASINUNGALINGAN: “Hindi inaksyunan ni Sen. Lacson ang Pension and Gratuity Funds ng mga MUPs.”

✔️KATOTOHANAN:

1. Sapat at kadalasan ay sobra pa ang pondo para sa mga benepisyo ng ating mga retiradong pulis, sundalo at other uniformed services. Mula 2014 hanggang 2021, may nakalaang budget para rito, pero malaking bahagi nito ang hindi ginamit.

2. Sinikapan ni Sen. Lacson na makabuo ng mekanismo para sa pension ng mga MUPs. Nagtawag siya ng pagdinig sa Senado tungkol dito noong Oktubre 2020Pebrero 2021, at Mayo 2021.

3. Noong 2017, inakda ni Sen. Lacson at Sen. Gringo Honasan ang Senate Joint Resolution No. 1 na pinapataas ang sweldo ng MUPs. Ito ay inaprubahan at pinirmahan ni Pangulong Duterte bilang Joint Resolution No. 1 noong 2018. Sa resolution na ito, tumaas ang base pay at monthly retirement pay ng MUPs. Sa 2019, at par na ang pension sa pay increases ng mga active counterparts nila. Nakinabang sa pension indexation ang 200,000 retirees pero hindi kasama rito si Sen. Lacson, na nangakong hindi mag-avail sa incremental increase sa pension sa 17th Congress.

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.