Kinain ba ng badyet para sa bagong gusali ng Senado ang pondo para sa pandemic response at ibang mahalagang proyekto?

❌KASINUNGALINGAN: “Ang bilyon-bilyon na pondo para sa pagtatayo ng bago at sariling gusali ng Senado ay kumain sa badyet para sa pandemic response; sa mga pagamutan, paaralan, kalsada at mga tulay; at para sa suporta para sa sundalo nating nagbabantay sa ating EEZ sa West Philippine Sea.”

✔️KATOTOHANAN:

1. Ang pork barrel ang pangunahing dahilan ng pagkaantala ng mga pagawaing bayan kagaya ng mga tulay, kalsada, mga paraalan at pagamutan dahil inuna ng liderato ng Kamara ang pagpondo sa mga proyekto ng mga kongresistang kaalyado nito.

2. Napatunayan sa malalimang pag-aaral sa 2019 national budget na kinaltasan ng liderato ng Kamara ang ‘Build, Build, Build’ projects ng administrasyong Duterte, partikular ang Final Major Output (FMO) ng DPWH sa halagang tumataginting na P72 bilyon. Ang halagang ito ay kung ilang beses na malaki sa P8.5 bilyon na inilaan ng Senado sa pagtatayo ng bagong gusali.

3. Walang ugnayan ang pondo para sa Senate building at sa pondo para sa pandemic response.

4. Wala ring ugnayan ang pondo para sa Senate building (na sinuportahan ng mga senador sa ika-17 Kongreso) at sa pagsuporta sa ating mga sundalong nagbabantay sa ating EEZ sa West Philippine Sea. Si Sen. Lacson din ay nagpakita ng kanyang buong suporta para sa DND sa pamamagitan ng pag-sponsor sa taunang badyet nito. Panoorin ang mga video kung saan in-sponsor niya ang badyet para sa 201820192020, at 2021.

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.