Gawa-gawa ni Faeldon na Kwentong 'Boy Semento' Matapos Ibuking ni Lacson ang Katiwalian sa Bureau of Customs:

faeldon bucor

❌KASINUNGALINGAN: “Sangkot sa cement smuggling ang anak ni Sen. Lacson.”

✔️KATOTOHANAN:

1. Ang paratang ay galing kay ex-BOC Commissioner Nicanor Faeldon, isang araw matapos siyang banggitin ni Lacson sa kanyang privilege speech na nagdedetalye ng katiwalian sa BOC.

2. Ang semento ay hindi subject sa Customs tariff at duties. Ayon sa Tariff Commission, zero tariff ang Portland cement sa ACFTA, na free trade area sa China at ang 10 ASEAN member states kasama ang Pilipinas.

3. Taliwas sa kanyang pinagmamalaki sa media, walang naipakitang ebidensya si Faeldon, at wala siyang sinampahang kaso sa anak ni Lacson. Lumalabas dito na nililihis lang ni Faeldon ang atensyon ng publiko sa katiwalian sa BOC.

4. Si Faeldon ay isa sa mga sinampahan ng reklamo ni Lacson sa Ombudsman sa kasong economic sabotage, base sa isang kaso ng rice smuggling sa Cagayan de Oro noong 2017.

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.