‘Fugitive from Injustice’: Ang Dacer-Corbito Case

KASINUNGALINGAN: “Si Lacson ang mastermind sa pagpaslang noong 2000 sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito. Tinakasan niya ang kaso laban sa kanya.”

✔️KATOTOHANAN:

1. Pangunahing target ng pandadahas ng Arroyo administration si Senador Lacson mula nang maupo si Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacanang noong 2001. Ang mga asunto laban kay Senador Lacson ay buhat sa mga kuwento ni ex-Police Col. Cezar Mancao II na tahasang pinabulaanan ni Senador Lacson dahil pinilit lamang umano si Mancao ng Office of the President na pirmahan ang reklamo.

2. Ibinasura ng Court of Appeals ang murder charges laban kay Senador Lacson noong Pebrero 2011 sa kadahilanang “not a credible and trustworthy” witness si Mancao. Noong 2015, inamin ni Mancao na siya ay “pressured” lamang ng Arroyo administration para idiin sa kaso si Senador Lacson. Humingi ng tawad si Mancao kay Senador Lacson at umamin na wala siyang personal na impormasyon sa mga naging paratang laban sa kanya.

3. Hindi tinakasan ni Lacson ang kanyang kaso nang siya ay lumabas ng bansa noong Enero 2010 bago pa man ilabas ng gobyerno noon ang warrant of arrest laban sa kanya, na bahagi pa rin ng pang-iipit sa kanya. Pinagbatayan ng mambababatas ang desisyon ng Korte Suprema sa kasong Miranda vs Tuliao (nasa pahina 64 ng desisyon ng CA) na nagsasaad na ang isang akusadong nakakalaya pa rin sa kabila ng ipinalabas na warrant of arrest ay uubrang makapaghain ng petition for certiorari and prohibition, para maikatawan siya ng kanyang mga abogado sa pagdinig sa kaso. Si Lacson ay lumayo sa nakararami sa loob ng 13 buwan bilang fugitive from injustice dahil sa masamang tangka sa kanya ng administrasyon at bumalik sa Pilipinas noong Marso 2011.

4. Kinatigan ng Kataas-taasang Hukuman ang naunang desisyon ng Court of Appeals na nagbabasura sa double murder case na isinampa laban kay Lacson. Nobyembre 2011 nang ibaba ng pinakamakapangyarihang hukuman sa bansa ang pinal nitong desisyon na nagbabasura sa motion of reconsideration ng mga Dacer.

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.