Pagsasayang lang ba ng pondo ang pagtayo ng bagong gusali ng Senado?

❌KASINUNGALINGAN: “Pagsasayang lang ng pondo ang pagtatayo ng bagong gusali ng Senado.”

✔️KATOTOHANAN:

1. Kung hindi pag-iisipan, sa unang tingin, malaking gastos ang pagtatayo ng bagong gusali ng Senado pero kung susumahin sa katagalan, mararamdaman ng lahat ang kahalagahan nito bilang ligtas, makakalikasan, samu’t-saring pakinabang at simbolo ng lehislatura ng Pilipinas.

2. Mababawi ang mga nauna at kasalukuyang ibinabayad bilang upa sa GSIS at parking area sa SSS. Habang tumatagal ang gusali, mararamdaman ang maiipon na pondo na dapat ay nakalaan sa pagbayad ng upa sa nabanggit na mga institusyon.

3. Mula noong 1996 hanggang sa kasalukuyan ay nagbabayad ng upa ang Senado sa GSIS at SSS. Mayo 1, 1996 nang umupa ang Senado sa GSIS at SSS. Kung susumahin, ang naibayad sa mga ito ay umabot na sa P2.24 bilyon. Kung hindi magtatayo ng sariling gusali ay lalo itong lalaki dahil taun-taon, nasa P171 milyon kada taon ang upa ng Senado sa GSIS.

4. Magiging inspirasyon ng mga susunod na henerasyon ng mambabatas ang gusali dahil ito ay sisimbulo sa dignidad ng lehislatura ng Pilipinas.

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.