Ping, Pilit Isangkot sa Narco-Politics

❌KASINUNGALINGAN: “Si Lacson ang naging protektor ng Chinese drug cartels. Hindi siya kumuha ng kanyang pork barrel allotment dahil hindi niya ito kailangan. Naimbestigahan din siya ng US Drug Enforcement Agency.”

✔️KATOTOHANAN:

1. Kahit kailan ay hindi nagkaroon ng imbestigasyon ang US DEA kay Lacson.

2. Si Lacson ay target ng panggigipit ng Arroyo administration mula 2001, nang inagaw ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kapangyarihan. Ito ay isa lamang sa maraming paratang na ginawa ng Arroyo administration laban kay Lacson.

3. Pinuri si Lacson ni Jeffrey Wendling, ang US DEA agent sa Pilipinas noong panahong iyon, sa isang talumpati sa US Embassy noong May 5, 2003. Pinuri ni Wendling si Lacson sa pakikipagugnayan nito sa kanila laban sa bawal na droga, simula 1993 nang pinuno si Lacson ng Task Force Habagat ng Presidential Anti-Crime Commission. Nanatiling matatag ang kooperasyon ni Lacson sa US DEA noong hepe siya ng Philippine National Police at ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force.

Nasa US Embassy noon sina noo’y ISAFP chief Victor Corpus at ang namayapa nang NBI Director Reynaldo Wycoco. Napahiya ang dalawa nang pinuri ni Wendling si Lacson. Si Corpus ay nagmadaling umalis.

4. Noong Hunyo 2003, inimbita si Lacson sa dinner-meeting kasama ng foreign police attaches sa Manila, kasama ang deputy country attache ng US DEA in Manila; at attaches ng Taiwan, United Kingdom, Australia, at Japan. Sina Mark Connell, acting US DEA country attaché, at Daniel Cruz, US DEA resident criminal investigator, ay kasama rin sa pagtitipon. Kung sangkot si Lacson sa kriminalidad, bakit pa siya naimbita sa dinner meeting na ito?

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.