Ping: Ilang Buwis-Buhay na Kalsada sa CAR, Mababahaginan sa P75-B na Kinaltas sa DPWH

Ekonomiya

Maaaring maging tagapagligtas ng mga motoristang dumadaaan sa Baguio-La Trinidad-Itogon-Sablan-Tuba-Tublay (BLISTT) Road project ang bahagi ng P75 bilyon na tinanggal ng Senado mula sa 2019 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, na nakabisto sa naturang singit na pondo, isa sa kanyang tinitingnan na paglilipatan ng bahagi ng pondo ay ang slope protection sa BLISTT.

“If my other colleagues will allow … we might give part of the P75 billion to the DPWH for slope protection work in Cordillera,” pagbubunyag ni Lacson.

Sa mga kalsadang sakop ng BLISTT project, karaniwan nang problema ng mga motorista ang mga landslides dahil hindi naging maayos ang paglalagay ng slope protection sa mga ito, dahilan para gumuho kahit sa hindi kalakasang pag-ulan.

Upang masigurado na magiging maayos ang gagawing slope protection, magiging bahagi ng proyekto ang pagkonsulta sa Mines and Geosciences Bureau, kasama ang pag-estimate kung magkano ang kakailanganin para sa slope protection.

“We will not allow bloated estimates similar to that in Nueva Ecija, where the DPWH spent P44,000 per square meter for slope protection when civil engineers calculate the cost to be just P28,000 per square meter,” mahigpit na paalala ni Lacson.

Bukod sa BLISTT, maghahanap pa umano ang Senado ng mga proyektong dapat mabigyan ng pondo o kaya ay maayudahan upang masiguradong hindi malulustay ang P75 bilyon.

Nguni’t iginiit ni Lacson na kailangang matiyak na hindi magiging estilong “pork to pork” ang paglalaan sa pondo upang ganap itong magamit sa kung ano mang itinakdang paggagamitan.

“We will look for programs that need funding. But for me, the bottom line is that the ‘transfer’ of the P75 billion should not be from pork to pork,” banggit pa ni Lacson na nakatakdang magpatuloy sa kanyang interpelasyon sa badyet ng DPWH.


pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.