Ping: Hinihinging Pondo para sa Bakuna ng Kabataan, Puwedeng Kunin sa mga Nautang Na

Balitang Ping , Covid

Hunyo 18, 2021 - Maaaring hugutin mula sa P57.3-bilyon na nautang na ang P25 bilyon na hinihingi ng pamahalaan para pambili ng bakuna para sa mga kabataan, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, P30.462 bilyon lamang ang kakailanganin para makapagbakuna ng 68.2 milyong adult Filipinos ngayong taon, ani Lacson.

“Figures from the PSA as of March 28 this year shows the Philippines’ midyear population will reach 110,198,654 by July 1. Of this, 62 percent or 68.323 million are adults. If we multiply this by P446 per dose, including logistical costs, we will need about P30.472 billion to inoculate our adult Filipinos. Thus the difference of P26.83 billion is more than enough to cover the P25-billion requirement to procure the vaccines for our minors,” paliwanag ni Lacson.

“Based on these figures, we may not need to look for an additional P25 billion since it is amply covered by the ‘excess’ in borrowings,” dagdag ng mambabatas.

Ayon kay Lacson, kahit pa umabot sa 83.8 milyong adult Filipinos ang babakunahan base sa datos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa halagang P446 bawa’t dose kabilang na ang logistical requirements, aabot lamang sa P37.374 bilyon ang kailangan na mababang mababa pa rin kumpara sa P57.3 bilyon na nautang na.

Maliban dito, binanggit din ng mambabatas ang pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na may 68 milyong doses na libreng bakuna ang bansa, kung saan 44 milyon ay mula sa COVAX facility habang ang 24 milyon ay mula sa dalawang iba pang kumpanya.

“Every peso counts and must be accounted for, especially during these difficult times. That said, the IATF and DOF should further clarify the figures that they presented during last Tuesday’s Committee of the Whole hearing,” apela ni Lacson.

Sa Senate Committee of the Whole hearing sa vaccination program ng pamahalaan noong Hunyo 15, isiniwalat ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na sa P88.6-bilyong badyet na pambili ng bakuna, P57.3 bilyon ang inutang sa mga multilateral partners ng bansa.

Sa naturang pagdinig ay idiniin din nina Lacson at Senate President Vicente Sotto III na sapat na ang pondo para magkaroon ng herd immunity laban sa COVID-19 sa taong ito, at kailangan na lang tutukan ang rollout ng mga bakuna.

Papasadahan din ng Senado ang dagdag na pondong hihilingin ng mga ahensiya ng ehekutibo bilang pantugon sa pandemya kabilang na ang P66 bilyon na inihihirit ng Department of Health (DOH).

“First, they will have to account for P660.1 billion which, according to the Department of Budget and Management, has been released to the agencies concerned for the overall COVID-19 response over the last 15 months or so,” banggit ng mambabatas.

Kailangan umanong masigurado na ang bawa’t sentimong lumalabas sa kaban ng bayan ay nagagamit nang tama sa ganitong panahon ng krisis at kagipitan.

“During these times when the country is almost neck-deep in debt with an unprecedented P11 trillion in foreign and domestic borrowings, not to mention an alarmingly low revenue collection, every peso that comes from the treasury should count and made sure to be put to good use,” ayon kay Lacson.

Muli ring ipinaabot ng mambabatas sa pamahalaan ang panawagang isulong nang masinsinan ang kampanya sa pagbabakuna upang mas tumaas pa ang tiwala ng publiko lalo na ngayong nagpaabot na rin ng tulong ang Australia sa pamamagitan ng P480.2 milyong ayuda para sa karagdagang doses ng COVID-19 vaccines.

“We are very thankful to Australia for its gesture, which will go a long way for us Filipinos to ‘get the jab done’ and be vaccinated from COVID-19. But more importantly, this should be an added motivation for the government to ‘get the job done’ by maximizing the use of our limited resources to promote public trust in the vaccination process. This includes using our resources wisely by getting the most accurate facts and figures possible,” komento ng mambabatas.

Nitong nakaraang Huwebes, inanunsiyo ni Australian ambassador to the Philippines Steven Robinson na nangako ang kanilang pamahalaan ng AUD13.72 million (P480.2 million) para ipambili ng bakuna ng gobyerno ng Pilipinas.

Ayon sa opisyal, ito ay bukod sa pagsuporta ng Australia sa pamamagitan ng COVAX facility, kung saan sila ay nakapaglagak na ng AUD130 milyon. Nakatanggap na ang Pilipinas ng 5,025,870 doses ng bakuna buhat sa COVAX facility.

Umaabot na rin aniya sa AUD7.52 milyon sa pamamagitan ng vaccine delivery support ng UNICEF at WHO ang naipaabot na ng Vaccine Response Plan ng Australia sa Pilipinas.

*****

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.