Pondong kinaltas sa TESDA, ibabalik

Ekonomiya

Hindi sinasadya ang nangyaring mababang antas ng paggasta ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa kasalukuyang taon kung kaya’t kailangang ibalik ang tinapyas na pondo ng ahensiya para sa susunod na taon.

Ito ang naging paliwanag ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang hakbangin na ibalik sa ahensiya ang tinapyas na tinatayang P4.861 bilyon dahil umano sa nabanggit na pangyayari.

Sa pagsasalita sa plenaryo ng Senado sa budget deliberations ng TESDA, ipinaliwanag ni Lacson kung ano ang dahilan ng mababang paggastos ng ahensiya sa kasalukuyang taon.

“In 2018 they received the budget from the Commission on Higher Education in September. So there was little time to obligate. That is the reason why they have a very low obligation rate in 2018, only 58 percent,” paliwanag ni Lacson.

Magkakaroon umano ng sapat na pagkakataon ang TESDA para magamit ang pondo nito sa kasalukuyang taon, kung lumabas sa tamang panahon ang pondo nito.

“I suppose the low obligation rate is the justification for not giving them enough money because they could not absorb the money. But it’s not their own doing. Had they received their portion of the budget earlier, they could have obligated much larger portion of their budget,” dagdag pa ni Lacson.

Kung atrasado umano ang paglabas ng pondo ng mga proyekto, natural lamang na mauubusan ng panahon ang ahensiya sa implementasyon nito kapag inilabas kung kailan malapit nang matapos ang taon.

Sa dokumentong ipinagkaloob kay Lacson ng TESDA, nasa 2.7 porsiyento lamang ng mga target nitong mabigyan ng serbisyo ang naitala sa loob ng nakalipas na tatlong taon.

Nangako naman ang mambabatas na maghahanap pa siya ng ibang pondo na puwedeng maibigay sa TESDA upang tumaas ang antas ng mga nabibigyan ng serbisyo ng ahensiya.

“I’d like to reiterate my appeal on behalf of TESDA, give back the P4.8 billion,” dugtong pa ng mambabatas.


pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.