Ping: Pagbabakuna, Seryosong Ikampanya para Tiwala ng Publiko Tumaas

Balitang Ping , Covid

Mayo 2, 2021 - Habang hinihintay ang pagdating ng maramihang suplay ng bakuna sa bansa laban sa COVID-19, dapat nang maglunsad ng malawakang kampanya ang Department of Health (DOH) para mapalakas ang tiwala ng publiko sa mga ito.


Ito ay ipinaalala ni Senador Panfilo Lacson na nagbabala na maaaring masayang ang dumating na bakuna dahil maraming Pilipino ang walang tiwala rito.


“What our officials including Health Sec. Francisco Duque III should do is improve the public’s trust in vaccines, instead of just announcing when the vaccines will arrive. Besides, if very few Filipinos are willing to be vaccinated, the vaccines that actually arrive may go to waste,” banggit ni Lacson sa panayam ng DZRH radio.


Ayon kay Lacson, bagama’t ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maipasok ang mga bakuna, baka masira lang ito dahil maraming Pilipino ang ayaw magpabakuna.


Dagdag ng mambabatas, kailangan mag-focus ang DOH sa “prevention and cure” at hindi lang sa pag-ulat ng mga nag-positive at namatay sa COVID-19.


“Lagi natin tinitingnan araw-araw, binibilang natin ilan natamaan ng COVID, ilan namamatay. Hindi ba dapat forward-looking tayo? Kausapin natin ang mga kababayan natin, magkaroon tayo ng information campaign. Magtiwala kayo sa bakuna kasi sa ngayon wala tayong ibang makakapitan kundi ang bakuna,” dagdag ng mambabatas.


*****

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.