Mga Inaasahan sa Huling SONA ni Pangulong Duterte, Isiniwalat ni Ping

Ayon Kay Ping

Hulyo 1, 2021 - Ano ang kalagayan ng programa ng gobyerno sa pagbabakuna laban sa COVID-19, at ang pakikipaglaban sa katiwalian? Mas bumuti ba ang buhay natin ngayon mula nang mag-umpisa ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016? Ano pa ang puwede niyang gawin sa nalalabing panahon ng kanyang termino?

Ilan ito sa mga katanungan ni Senador Panfilo Lacson na inaasahan niyang masasagot ng Pangulo sa panghuling State of the Nation Address (SONA) nito sa Hulyo 26.

“After five years, where are we now, or what is the situation in the many aspects of his administration such as peace and order, fight against illegal drugs, corruption, economy, and foreign policy, particularly the West Philippine Sea? We want to hear what happened in the last five years – and moving forward for the last year of his administration, what can still be done?” banggit ni Lacson sa isang media forum nitong Linggo.

Sa kanyang mga katanungan ay binigyang diin ng mambabatas ang programa sa pagbabakuna.

“But it is critical to update us on the government’s response to the pandemic. This includes the status of the government’s vaccination program. This is important because many Filipinos still do not trust the vaccine. In the meantime, the government must continue its campaign to gain the people’s trust in vaccines, based on science,” ayon pa sa mambabatas.

Bukod sa mga ito, sinang-ayunan din ni Lacson ang panawagan ni Senate President Vicente Sotto III na bigyan ng karagdagang atensyon ang drug prevention at rehabilitasyon ng mga nabiktima, bukod sa pagsawata sa suplay, sa usapin ng kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Bilang pagpapahalaga ay binalikan ng mambabatas ang ginawa ng dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada na pakikipag-ugnayan sa Los Angeles-based DARE International (Drug Abuse Resistance Education) para magsanay ng mga pulis na magpapaliwanag sa mga estudyante sa masasamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

Isiniwalat din ni Lacson na nakipag-usap na siya sa mga eksperto na naikwento sa kanya kung paano nakinabang ang mga bansa tulad ng Estonia at Ukraine sa digitization, pati sa kanilang agrikultura.

“Digitization will vastly improve revenue collections and make more effective and efficient monitoring of public expenditures,” diin ni Lacson.

Malayo na ito kung ikukumpara sa Pilipinas kung saan ang Bureau of Customs, bagama’t computerized na ay wala pa ring automated process, at kung saan may hindi maipaliwanag na pagkakaiba ng datus sa pag-import at pag-export natin at ng mga trade partner tulad ng China.

“We should consider these. In this age of modern technology, we should be in the process of digitization. It is not too late, but we should act soon,” ayon kay Lacson.

Mahalaga umanong marinig ng taumbayan ang sasambitin ng Pangulo sa mga bagay na ito.

“To recap, what we need to hear from the President is what has been done in the last five years. Are we better off than when he stepped in as President on June 30, 2016?” pahabol ni Lacson.

*****

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.