Pag Inabuso ang Anti-Terrorism Law, Ping Sasama sa Martsa

Ayon Kay Ping

Hunyo 14, 2020 - Kung naging mapanuri na siya noong tinatalakay pa lamang ito sa kanyang komite sa Senado, mas maigting na pagbabantay ang gagawin ni Senador Panfilo Lacson oras na maging batas na ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Tiniyak ito ni Lacson bilang tugon sa mga nagpapahayag ng pagkabahala at pagkatakot sa magiging uri ng pagpapatupad ng mga awtoridad oras na ganap nang maging batas ang panukala.

Ayon kay Lacson, hindi biro ang pinagdaaanan sa Senado ng naturang panukala para lamang matiyak ang paglagay ng safeguards, kaya hindi niya papayagan na masalaula ang implementasyon nito.

“The Anti-Terrorism Bill is the wrong tree to bark up. I vow to join those who are concerned, genuinely or otherwise, about the proposed law’s implementation to be as vigilant in monitoring each and every wrongful implementation by our security forces, even to the point of joining them in street protests, just like what I did before during the time of former President Gloria Macapagal-Arroyo,” mariing pahayag ni Lacson.

Sa pinal na bersiyon ng Senado, tiniyak ang safeguards tulad ng 10 taong pagkakakulong at permanenteng ban na makapagtrabaho sa alinmang sangay ng pamahalaan sa alagad ng batas na hindi agad magbibigay-alam sa pinakamalapit na huwes at Commission on Human Rights na sila ay may hinuli.

Ayon kay Lacson, kung may mga ganitong pangyayari ay agad na pangungunahan niya ang imbestigasyon upang maitama ang maling nagawa dahil taliwas ito sa mithiin ng batas na pinagpaguran nila sa Senado.

“I assure them that I will be the first to stand on the Senate floor and call out those responsible for abuse at the top of my voice in privilege speeches and Senate inquiries, if and when it comes to that, as I have done so before and during this current administration,” banggit ni Lacson.

“Regarding the abuses, we’ve seen them, we’ve investigated them. The cops responsible for the murder of Kian de los Santos were convicted, largely because of our Senate inquiries. We need a tough anti-terror law but with tougher safeguards to fight and defeat both,” pagbabalik-tanaw pa ni Lacson.

*****

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.