PAGHINGI NG TAWAD NI EX-ISAFP CHIEF VICTOR CORPUS

Noong Abril 2017, nagsalita si Corpus sa isang programa sa Global News Network at inamin niyang nalinlang siya ng “star witness” niyang si Angelo “Ador” Mawanay. “This grievous mistake that I have committed maligned the reputation of Sen. Panfilo Lacson. With this grave error on my part, I humbly and sincerely offer my public apology to Sen. Lacson and his entire family,” banggit ni Corpus. Bago nito, matagal nang binawi ni Mawanay ang mga paratang niya laban kay Senador Lacson.


Kasama sa mga paratang ni Corpus kay Lacson ang pagkakasangkot sa ilegal na aktibidad tulad ng narco-politics, at pagkakaroon ng nakaw na yaman. Mariing itinanggi ni Lacson ang mga paratang na ito.


Tinanggap ni Lacson ang paghingi ng tawad ni Corpus, at kinilala ang kanyang pagpapakumbaba. “In the spirit of fairness and balanced reporting … it is but proper and decent for those who relied heavily on their statements, as the central characters responsible for incessantly maligning my reputation to follow suit, or at least make amends, not pecuniarily, but simply to restore the moral damage they have done to my dignity and honor,” dagdag ng Senador.

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.