Ping: May Mas Klarong Paraan ng Charter Change

Iniakda na Resolusyon , Ayon Kay Ping , Balitang Ping

Enero 27, 2021 - Dapat nakabukod o hiwalay ang botohan ng Senado at Kamara de Representantes sa pagtalakay ng pagbabago sa probisyon o bahagi ng ating Saligang Batas.

Ito ang nilalaman ng Senate Resolution 623 na inihain ni Senador Panfilo Lacson bilang tugon sa mga galaw na baguhin ang ilang probisyon ng 1987 Constitution.


“My resolution when adopted will clarify unequivocally that voting to revise or amend certain provisions of the 1987 constitution will be done separately via 3/4 votes of the respective members of the Senate and House of Representatives, each voting in plenary,” paliwanag ni Lacson.


Ayon sa senador, ginagawa na ito ng Mababang Kapulungan bagama’t nasa lebel pa lang ito ng committee.


“Whereas, said proposition would not in any way diminish the amending process to the nature of an ordinary legislation, considering that in the exercise thereof, the members of Congress become a component element of a constituent assembly whose authority is derived from the Constitution as ruled by the Supreme Court in the case of Tolentino vs Comelec, G.R. No. L-34150, Oct. 16, 1971,” banggit ni Lacson.


Ayon pa kay Lacson, tulad ng pangkaraniwang panukala, ang Cha-cha ay dapat na may magkabukod na 3/4 votes ng dalawang kapulungan maging sa antas ng bicameral panel.


“The difference between my proposal in the resolution and what the House is attempting to do based on their announcements to media is that they will do it on their own without the participation of the Senate, or at the very least make the senators irrelevant in getting the 3/4 votes required under the Constitution,” dagdag ni Lacson.


*****

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.