Ping: Panahon na Para Publiko ay Umayuda sa Pagsugpo ng Korapsiyon

Mas magiging epektibo at matagumpay ang mga hakbang para basagin ang “vicious cycle” ng korapsiyon, kung makikiisa at magiging aktibo ang publiko sa laban na ito.

Isa ito sa mga nakikitang solusyon ni Senador Panfilo Lacson, sa harap ng katotohanan na naging ugali na ng mga nasasangkot na magpalamig at manahimik lamang muna hanggang sa tuluyan nang makalimutan ng tao ang kanilang ginawa.

“Some officials have lost all sense of shame. Even if charges are filed against them, they just lie low because they know that once the issue dies down and the public no longer thinks much of it, they can go back to their old ways,” banggit ni Lacson sa panayam ng Radyo Katribu.

“That said, the vicious cycle of corruption is not limited to those in government. It takes two to tango: those who corrupt – and the public who wittingly or otherwise turns a blind eye,” dagdag ng mambabatas.

Naging krusada na ni Lacson na labanan ang kaliwa’t kanang katiwalian, kasama ang mga kasong gamit ang nabanggit na nakasanayang kultura.

Tinukoy ng mambabatas bilang halimbawa ang pamamahagi ng bilyong pisong halaga ng mga kagamitang pang-agrikultura na ibinigay bilang tulong sa mga magsasaka sa mga lalawigan.

Inilahad ni Lacson na nagsumbong sa kanyang tanggapan ang mga magsasakang benipisyaryo dahil kung hindi dispalinghado ay agad umanong nasisira ang mga kagamitang natanggap ng mga ito. At matapos na mangako si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ng imbestigasyon, hindi pa rin ito nagbibigay ng ulat.

“Sec. Dar promised to submit a report not later than April last year. Up to now we have yet to receive it,” banggit ni Lacson.

Isa pang halimbawa na tinukoy ng mambabatas ay ang paglobo ng halagang siningit ng ilang mambabatas sa taunang gastusin – mula sa ilang taong nakalipas kung saan tinuturing nang iskandalo ang halagang P50 milyon, hanggang sa P15 bilyon sa isang distrito lamang sa 2021 proposed budget.

“I don’t know how the Department of Public Works and Highways can implement such projects. It was never involved in the planning for the inserted projects and does not have the absorptive capacity for them,” banggit ng mambabatas.

Sa kabilang dako, isiniwalat din ni Lacson na umaasa siyang hindi matutulad sa mga naunang katiwalian na natulog na lamang ang ginawang imbestigasyon ng Senate Committee of the Whole sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ayon kay Lacson, nasa kamay na ng Department of Justice (DOJ) ang mga dokumento at iba pang ebidensiyang kanilang nakalap sa imbestigasyon, partikular na sa Interim Reimbursement Mechanism na pumabor sa ilang medical facilities lamang at nagpahandusay sa mga ospital ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga kaso ng COVID-19.

“It is high time ordinary Filipinos show they do not have short memories. That would make those involved in corruption think more than twice before exploiting the vicious cycle once again,” ayon kay Lacson.

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.