Ping: PhilHealth Linisin Na Habang Wala Pa ang Dagdag-Singil sa Kontribusyon ng Mga Miyembro

Ekonomiya

Dapat na pagtuunan ng pansin ng PhilHealth ang paglilinis sa aspetong pananalapi laban sa katiwalian at kawalan ng kakayahan, habang ipinagliban ang mas mataas na singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, hindi tamang lagakan ng karagdagang pondo ang ahensiya buhat sa kontribusyon ng mga miyembro hanggang hindi pa natitiyak na hindi mapupunta lamang sa mga bulsa ng kung sino ang mga ito.

Idiniin ng senador na maling-mali ang pagpapataw ng karagdagang singil sa mga miyembro kung babalikan ang mga nakaraang karima-rimarim na naganap sa kaban ng ahensiya buhat sa mga kamay ng mga dating nangasiwa.

“It is right to defer the premium hike, at least so that it can review its procedures to get rid of corruption and incompetence. Why punish members with higher premiums for the benefit of the corrupt and the incompetent?” banggit ng mambabatas sa panayam ng TeleRadyo.

“Hiking the premium for individual members is extremely ill-advised, especially as we have yet to resolve where the money lost to corruption went,” diin ng senador.

Ang kaliwa’t kanang kurapsiyon at katiwalian sa ahensiya ay una nang ibinunyag ni Lacson sa pagdinig na isinagawa ng Senado nitong nakalipas na taon, kung saan, kabilang sa mga nasiwalat ay ang operasyon ng “mafia” na sinasabing nasa likod ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM), sobra-sobrang patong sa IT equipment at pagkalikot sa mga financial statements.

Napilitan din na magbitiw sa puwesto ang ilang mataas na opisyal ng ahensiya matapos na mabunyag ang pamamayagpag ng naturang mga anomalya na nagresulta sa mga kaso ng Ombudsman laban sa mga ito at ang pagpalit ng pamunuan.

Bukod sa financial cleansing sa Philhealth, isinusulong din ni Lacson ang karagdagan pang P8 bilyon para sa Department of Health (DOH) sa implementasyon ng UHC sa pamamagitan ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP), bagama’t ito ay nangangailangan ng P13 bilyon.

“We are doing what we can to contribute to the success of the UHC Act. That said, PhilHealth and the other agencies tasked with implementing it should not contribute to its failure,” pahabol ni Lacson.

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.