Ping: PNP na Istrikto sa Paglisensya ng Baril, ‘di Pag-Aarmas ng Sibilyan, ang Pipigil sa Krimen

Mas istrikto na panuntunan sa pagpapahintulot sa pagdadala ng baril sa labas ng tahanan o maaring pagkansela sa Permits to Carry Firearms Outside Residences (PTCFORs) ang mas epektibong solusyon sa patuloy na paglaganap ng krimen, kumpara sa pag-armas ng sibilyan.

Ito ang iginiit ni Senador at dating Philippine National Police (PNP) Chief Panfilo Lacson matapos na lumutang ang ideyang pag-aarmas sa mga sibilyan laban sa mga kriminal.

Ayon kay Lacson na namuno sa PNP mula 1999 hanggang 2001, magbubunsod lamang ng karagdagang krimen kung pag-armasin ang ilang sibilyan partikular na ang tinaguriang anti-crime “volunteers.”

“Arming civilians to fight criminality could backfire, especially if they don’t have the proper training and mindset. In the United States, there have been so many fatal shootings due to loose firearm laws,” paliwanag ni Lacson sa isang media forum sa Maynila.

Binalikan ni Lacson bilang halimbawa ang mga insidente ng pamamaril na mismong mga alagad ng batas pa ang sangkot.

“The shooting incidents involving policemen not on duty – such as Jonel Nuezca in December 2020, and Hensie Zinampan earlier this year – should serve as a valuable lesson to us. That is why I had suggested as a policy recommendation that policemen should turn in their issued firearms to their units’ armorer or supply officer when on off-duty status, and should not be issued PTCFORs while still in the active service. If our law enforcers who are supposed to be trained are prone to lapses, how much more in the case of untrained civilians?” diin ng mambabatas.

Ayon pa kay Lacson, noong siya ang PNP Chief, nilimitahan niya ang pag-iisyu ng PTCFOR sa mga papasa sa mga alintunin na kinabibilangan ng gun safety seminars, practical at neuro-psychiatric tests, at ang pinakamahalaga – ang personal appearance ng mga aplikante.

“My idea was – after much-improved law enforcement and peace and order, the only ones authorized to carry firearms outside their residences are uniformed police and military personnel on official mission. Anybody, including PNP officers not in police uniform, must be assumed to have criminal intent and apprehended on the spot. It’s time the public developed a different mindset and assumption on people seen carrying firearms,” paliwanag ng mambabatas.

Idiniin din ni Lacson na sa ibang lugar gaya ng Hong Kong, agad na itinitimbre ng publiko sa mga totoong alagad ng batas ang mga sibilyan na nakikitang nagdi-display ng baril sa mga pampublikong lugar.

Ayon pa sa mambabatas, ang baril ng sibilyan ay para lamang sa proteksyon sa sarili at pandepensa laban sa anumang pagbabanta ng mga nanghihimasok sa kanila kaya dapat na ang mga ito ay nakatabi lamang sa loob ng tahanan.

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.