PingBills | Pagrebisa sa Building Code, Isinulong ni Ping vs Lindol, Kalamidad

Panukalang Batas
bldg code

Disyembre 22, 2019 - Sa hangaring mapaghandaan ang mga darating pang kalamidad gaya ng malalakas na lindol, mapaminsalang bagyo at baha, inihain ni Senador Panfilo Lacson ang panukalang naglalayong itaas o palakasin ang building safety standards ng bansa.


Pangunahing layunin ng Senate Bill 1239 na isailalim sa masinsinang pag-araal ang 1977 National Building Code of the Philippines na magpahanggang ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng pagbabago.


“Experience tells us that there is an urgent need to strengthen the overall policy on how buildings and structures are built in the country. Not to mention the country’s geographical location along the boundary of major tectonic plates and at the center of the typhoon belt, coupled by its socially and economically vulnerable population, it becomes even more imperative to review our four-decade-old National Building Code,” paliwanag ni Lacson.



Naobserbahan ng mambabatas na hindi kaya ng mga gusali at establisiyemento ang mga malalakas na pagyanig at mapaminsalang bagyo at baha kaya marami ang nasirang ari-arian, kagamitan at hindi rin naiwasang may magbuwis ng buhay.


Noong Disyembre 15, mistulang yinugyog ang bahagi ng Davao del Sur nang maganap doon ang magnitude-6.9 na lindol na ikinabagsak ng mga establisiyemento at maging ng isang water reservoir doon.


Sa kanyang panukalang batas, hinihikayat din ng mambabatas ang pagtutulungan ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan maging ng pribadong sektor sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) tungo sa mas matibay at pangmatagalang mga gusali, imprastraktura at pasilidad.


Kabilang sa mga pangunahing nilalan ng Senate Bill 1239 tungo sa Pilipinas na mas handa sa mga kalamidad ay ang mga sumusunod:


* Pagpapabilis sa proseso ng building classification, kasama na ang permit application

* Pagkonsidiera sa multiple hazards at iba pang aspetong pangkaligtasan sa pagtatayo ng gusali

* Pagbuo ng inter-agency at multi-sectoral regulatory body

* Regulasyon sa kakayahan at kaligtasan ng mga lumang gusali

* Insetintibo sa mga gagamitin ng mga sustainable at ligtas sa kalikasan na mga materyales sa pagtatayo ng gusali


“With the recent effects of climate change and the increasing magnitude of natural and human-induced disasters that confront us as a nation, a few things are clear: Disaster preparedness is key to saving lives and properties, and that multi-sectoral cooperation proves more effective than just government efforts alone,” diin ni Lacson.


“The key points and objectives of the bill all point towards improving the safety of lives, betterment of public welfare, preservation of the environment, risk mitigation from hazards, and evidently, sustainable development,” pahabol niya.


*****

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.