#PINGterview sa DWIZ | September 4, 2021

AMBULANCE OVERPRICE:

“Alam mo naman sa Senado, kabisado mo kami 24 republics, di maka-impose sa isa’t isa. Kung ano nasimulan gagawin lalo involved corruption sa gitna pa ng pandemya.”

“May taong hindi na makapamili kung katakawan ba o konsensya. They choose greed over conscience, mahirap naman yan, ititigil natin dahil may nananawagan Presidente man o hindi, maraming natutuklasan.”

“Sa Martes take up ko yan. Iba raw ang kalidad ng DOH sa binili ng local. Kinopya ng LGU ang pinadala sa kanilang ambulance ng DOH. Kung anong model and brand yan binili nila at yung laman sa loob binili nila Nagtanong ako sa private firm na bumili rin, kung ano standard ng doh bumili ng ambulance at lamang loob, pareho sa DOH at pareho halos.”

“May difference LGU purchase price at private firm na napakalayo sa bigay ng DOH.”

“Ang binigay ng DOH sa LGU na sabi ko di pa kasama AED, hanggang ngayon di pa binibigay. Sa LGU, sa checklist dapat kasama ang AED. Wala pa yan, di pa kasama. So anong sabi nila mas may kalidad ang galing sa DOH?”

“Di pinaguusapan lowest bidder. May overpricing ba? Maliwanag meron. Papakita ko sa Tuesday pareho sa DOH pareho laman loob pareho pagkabili private and LGU. Ewan ko paano nila depensahan yan.”

May nagsumbong tungkol sa overpriced ambulances?

“May nagsumbong. Napakaraming nagsusumbong.”

“Ang story sa LGU, 3 ambulances dala sa kanila so isip nila bili ng 2 kasi gusto nila 5. Sila na-shock ang laki ng difference. Gnaya nila exactly ano laman sa DOH ganoon din laman loob sa kanila.”

“To further validate nagtanong ako sa private firm kung meron sila nabili. Halos pareho ng presyo ng LGU ng difference sa DOH, P1M.”

Hirap ang DOH to justify? Sabi ni Usec Vergiere may transparency?

“Maski dumaan sa BAC talagang minsan napakamahal ng bili pa rin kasi may pinapatong na halaga. Ewan ko paano nila papaliwanag kasi pinakuha ko photo ng ambulance galing sa DOH pinakunan ko rin ng picture ang ambulance na bili ng LGU and DOH.”

“Dumating ang ambulance from DOH Sept 2020, ang LGU bumili Nov 2020, 2 buwan pagitan. Ganoon kalaki difference sa presyo.”

* Magkano sa pondo ng taxpayers ang nawala?

“Yan ang gusto natin malaman. Kung ilang ambulance ang nabili ng DOH para distribute sa LGU. Kung average P1M per unit na completely equipped doon natin makikita talaga kung ilang milyon yan.”

“Itong 2021 nag institutional amendment ako ng P8.681B kasi kulang sa UHC, nag institutional amendment din ako ng P1B for 2020. Kaya masama loob ko, parang naging kasangkapan pa ako, ako nag-realign may kumita pa pala so nakakasama ng loob.”

“Pati expired medicines, anong nangyari sa investigation sa overstocking at expired at nearing expiry na gamot na umabot sa P2.7B at sa 2019 P2.2B?”

pinglacson.net Gumagamit ng cookies itong website para mas mainam ang user experience sa website na ito. Narito ang karagdagang detalye sa cookie policy namin here.